Isa sa mga kontrobersyal na Senador sa kasalukuyan ay ang
dating PNP Chief na si General Ronald Bato dela Rosa dahil sa kanyang
pangunguna sa kampanya ng Pangulong Duterte na War on Drugs na kung saan ay
sinasabing may mga naganap umanong extra judicial killings.
Hindi rin matawaran ang kanyang mga naging kontribusyon
bilang pulis at ngayon ay senador ng ating bansa. Personal siyang pinili ng
Pangulong Duterte na maging PNP Chief mula sa kanyang dating pinaglilingkuran
bilang Hepe ng Lungsod ng Dabaw.
Hindi mayamang pamilya ang pinanggalingan ni Senator Bato
dahil sa ang kanyang ama ay isa lamang tricycle driver. Nagtrabaho noon si
Senator Bato bilang kargador ng isda sa palengke at konduktor ng bus.
Dahil sa kagustuhanniyang umasensyo sa buhay ay pinilit
niyang mag-aral ng kursong bachelor of Science in public administration sa
Mindanao State University ngunit kalaunan ay pumasok sa Philippine Military
Academy o PMA at nakapagtapos noong 1986 bilang bahagi ng Sinagtala Class.
Binansagan siyang Bato noong siya ay nasa Davao dahil sa kanyang malaking
pangangatawan na tila bato.
Biniyayaan si Senator Ronald Bato dela Rosa ng dalawang
anak. Isang lalaki at isang babae.
Ang babae niyang anak ay si Macky Dela Rosa. Isa sa mga
dumalo sa kasal ni Macky ay ang Pangulogn Duterte noong 2019. Kasama rin sa mga
dumalo ay sina Francis Tolentino at Bong Go.
Ang isa pang anak na lalaki ni Senator Bato ay si Rock Dela
Rosa. Sinundan naman ni Rock ang daang tinahak ng kanyang ama nang pumasok rin
ito bilang pulis. Marami naman ang humanga sa kaanyuang panlabas ni Rock at
madalas na naikukumpara sa kanyang ama noong kabataan pa nito.
Magsubscribe sa aming channel para sa ganitong mga videong
kahihiligan ninyong panoorin. Salamat sa inyong panonood mga kasama.
No comments:
Post a Comment