KILALANIN SI ARMIDA REYNA AT ANG KANYANG MGA ANAK
Si Armida Reyna ay isinilang noong Nobyembre 4, 1930 at
pumanaw noong Pebrero 11, 2019. Siya ay isang artista sa ating bansa. Una
siyang nakilala bilang mang-aawit at host sa kanyang sariling programa sa
telebisyon, ito ang programanag Aawitan Kita na ipinalabas sa maagang bahagi ng
dekada 70.
Pinasok niya ang pelikula at dito rin ay siya nakilala
bilang isa sa mga magagaling na suportang aktres at nagkamit na rin ng ilang
gawad parangal sa iba't-ibang akademya. Armida ay nagtayo rin ng sariling mga
kompanya ng pelikula ang Pera Films at Reyna Films.
Noong naging Pangulo ng Pilipinas si Joseph Estrada, ay
siya naging tagapangulo ng MTRCB.
Kapatid niya sa ama si Juan Ponce Enrile, isang politiko na
nanungkulang senador at Pangulo ng Senado ng sa ating bansa.
Ilan sa mga huling pelikulang kinabilangan niya ay ang
Bwakaw bilang si Alicia noong 2012 at Filipinas bilang si Florencia Filipinas
nong 2003.
Si Leonardo Reyna ang kanyang naging asawa at nagkaroon
sila ng apat na anak. Narito’t kilalanin natin sila.
1. Carlos Reyna
Si Carlos Reyna ay isang kilalag direktor ng mga pelikula.
Ilan sa mga pelikulang nagawa niya ay Azucena noong 2000, Only You noong 1992
at Where I Am King noong 2014. Siya rin ang katulong ng kanyang ina sa
pagpapatakbo ng kanilang kompanyang Reyna Film.
Mula noong 2015 ay siya na ang Head and Prgram Director ng
Cinemalaya Institute.Dati rin siang naging Assistant Art Professor sa New York Universit
Tisch Asia School of the Arts.
2. Monique Reyna Villonco
Si Monique naman ay ang Lowe Philippine Chairman at Member
ng Philippine Red Cross Board of Governors.
Siya ag nag-iisang anak na babae ni Armida Reyna. Si
Monique ang ina ni Cris Villonco na isang theater performer, television actress
at singer.
3. Rafael Reyna
Si Rafale ay isa ring aktor na nakilala sa pelikulang Where
I Am King noong 2014, Historiographika errata noong 207 at A Hard Day noong
2021.
Bago niya pinasok ang mundo ng showbiz ay ang theatro ang
kanyang naging pundasyon sa karerang kanyang napili. Nagtapos siya ng
communication degree sa New York University. Bahagi si Rafa ng mga contract artist
ng Kapuso Network.
May isa pang anak si Armida na si Leonardo Reyna Jr.
No comments:
Post a Comment