Isa sa mga aktres na madalas nating makita sa mga madadramang palabas pantelebisyon at maaksiyong pelikula ay si Elizabeth Oropesa. Isinilang siya noong July 17, 1954 at tinatayang nasa 67 taong gulang na siya sa kasalukuyan. Kilala rin siya sa tawag na La Oropesa at Boots naman kung siya tawagin ng malalapit niyang mga kaibigan.
Isa
rin siya sa Grand Slam Best Actress winner. Isang Gawad ng pagkilala sa katangi
tangi nyang kakayahang Manalo ng apat na major awards sa parehong kategorya ng
Philippine movie industry. Nakuha niya ang nasabing Gawad sa pelikulang
Bulaklak ng Maynila noong 1999.
Noong
1972 naman ay kinoronahan siya bilang Miss Luzon of the Miss Republic of the
Philippines. Naging bahagi rin siya ng Miss White Castle models noong mid 70s.
Maliban sa pagiging aktres ay isa rin siyang Acupuncturist at Herbalist bilang
si Dr. Elizabeth O. Freeman.
Nagsimula
ang karera sa pgagawa ng pelikula ni
Elizabeth nang maipakilala siya sa pelikulang Ang Pinakamagandang Hayop sa
Balat ng Lupa noong 1974. Ginampanan niya ang papel ni Saling. Siya ay isa sa
mga supporting aktres noon sa Miss Universe na si Gloria Diaz na nooy patungo
sa kanyang kasikatan.
Lalong
nakilala si Elizabeth nang siya ay muling lumabas sa pelikulang Misto Mo, Lover
Boy Ko noong 1975. Nanalo siya ng FAMAS Best Actress award sa pelikulang
Lumapit, Lumayo ang Umaga. Ilan pa sa mga pelikulang kinabilangan niya ay
Aguila noong 1980 kasama si Fernando Poe Jr, Si Malakas, Si Maganda at Si
Mahinhin kasama naman sina Alma Moreno at Dindo Fernando at sa pelikulang
Palabra de Honor noong 1983 kasama ang batikang actor na si Eddie Garcia.
Sinasabing
nagkaroon ng apat na anak si Elizabeth ito ay sina Henry, Guinevieve, Gabriel
at Louie. Ngunit lahat sila ay pribado ang naging pamuhay.
Si
Henry ay isang nurse. Siya ay anak ni El Oro sa una nitong asawa.
Si
Guinevieve naman ay anak ni El Oro sa naging boyforiend na si Mark Roces.
Si
Gabriel naman ay anak naman niya kay Meng Fei na ngayon ay sinabing sila ay nag
diborsyo na. Si Meng Fei ay isang Chinese martial arts movie actor.
Si
Louie naman ay sinasabing adopted son ni El Oro.
Si
Elizabeht ay mula sa Guinobatan, Albay. Ang kanyang ina ay si Flordeliza
Oropesa-Freeman at ang kanyang ama naman ay isang doctor.
No comments:
Post a Comment