KILALANIN SI BONG BONG MARCOS AT ANG KANYANG MGA ANAK



Sa mahigit labing pitong taong panunungkulan sa publiko, kinilala si Bong Bong Marcos bilang isa sa mga may kahanga hangang ginawa bilang isang mambabatas, opisyal ng gobyerno at bilang public administrator na kung saan karamihan sa kanyang mga ginawa ay malayo sa spotlight sa mga mata ng sambayanang Pilipino.

Sa murang gulang pa lamang ay namulat na si Bong Bong sa paglilingkod sa bayan gaya ng kanyang mga magulang na kapwa naging opisyal ng gobyerno sa mahigit sa dalawang dekada. Sa edad na 23 ay nahalal na no
on si Bong Bong bilang vice governor ng Ilocos Norte.

Dahil sa pagsiklab ng EDSA Revolution noong 1986 ay kasama si Bong Bong sa mga pinaalis sa bansa. Sa kabila ng pangyayaring ito ay hindi parin naalis sa isip at puso ni Bong Bong ang paglilingkod sa bansa kaya’t nag-aaral ito sa ibang bansa upang higit na maihanda ang kanyang sarili sa kanilang pagbabalik sa bansang Pilipinas.

Bagaman may posibilidad na maaristo si Bong Bong dahil sa bagong regimo, siya ang unang nakabalik sa bansa noong 1992. Mula noon ay hindi na niya iniwan ang bansa at patuloy na naglingkod sa taong bayan. Sa taong ding iyon ay nahalal siya sa kongreso bilang representative sa ikalawang distrito ng kanyang probinsya ang Ilocos Norte.

Noong 1998 naman ay nanalo siya bilang Governor ng Ilocos Norte na kung saan, naglingkod siya ng tatlong magkakasunod na termino.


Noong 2007 ay muli siyang nahalal sa House of Representative at naglingkod bilang Deputy Minority Leader.

Noong 2010 naman ay nanalo siya bilang senador na bansa at naging tagapanguna ng ibat’-ibang committee gaya ng Committee on Local Government Committee on Urban Planning, Housing and Resettlements, at naging myembro ng marami pang mga komite.

Si Bong Bong ang ikalawang anak ng dating pangulong Ferdinand Marcos at Imelda Marcos. Nag-aral siya ng elementarya sa De La Salle, nagtapos ng kanyang sekondarya sa Worth School sa England, Kumuha ng kanyang degree na Political Science, Philosophy and Economics sa Oxford University noong 1978 at ng kanyang Master’s Degree in Business Administration mula naman sa Wharton School of Business.


Kasal siya kay Louise Cacho Araneta at nagkaroon sila ng tatlong anak. Narito’s kilalanin lalo natin sila.

 1. Ferdinanf Alexander Araneta Marcos


Kilala siya ngayon ng maraming mga kabataan bilang si Sandro Marcos. Gaya ng kanyang ama ay pinasok na rin ni Sandro ang politika. Siya ay tatakbo bilang Congressman ng unang distrito ng Ilocos Norte sa darating na halalan sa susunod na taon.

Ipinanganak si Sandro noong March 7, 1992 at siya ay nasa 27 taong gulang na. Nagtapos siya ng kanyang degree na Economics at ng Master’s degree na Development Studies sa London School of Economics. Mula 2019 hanggang sa kasalukuyan ay nagtrabaho siya bilang Political Affair Officer sa opisina ni Congressman Martin Romualdez.

Kamakailang lamang ay parami na ng parami ang mga humahangang kababaihan kay Sandro dahil sa nagtataglay din ito ng magandang pagmumukha na hinahangaan sa social media. Tila kinikilig naman ang ama nitong si Bong Bong tuwing may nagtatanong kung kumusta na si Sandro.

 2. Joseph Simon Araneta Marcos


Si Simon nama ay nagtapos noong 2018 ng kanyang degree sa Bachelor of Arts in Business Administration and Managemetn sa Oxford Brookes University. Gaya ng kanyang ama ay sa Worth School din siya nagtapos ng kanyang sekondarya. Tuwang tuwa naman si Bong Bong na maliban sa kanyang panaganay na si Sandro ay nakapasok rin si Simon sa Oxford University kung saan doon rin siya nagtapos ng Political Science, Philosophy and Economics noong 1978.

Sa kasalukuyan ay nagtatrabaho si Simon sa Chaudhary Group sa Nepal mula 2018. Nagtrabaho rin si Simon noon sa Malaysia at China.

 3. William Vincent Araneta Marcos


Si William Vicent naman ay isinilang noong May 17, 1997. Siya ay 24 na taong gulang na sa kasalukuyan. Tulad ng kanyang mga nakakatandang kapatis na lalaki ay marami rin ang humahanga sa taglay na kagandahang lalaki ni Vincent. Nagtataglay rin si Vincent ng talento sa pag skateboard.

 

KILALANIN ANG MGA KAPATID NI DATING PANGULONG MARCOS



Isa si dating pangulong Marcos sa mga naging pangulo ng Pilipinas na kailanman ay hindi malilimutan ng maraming mga Pilipino lalo na sa mga naging biktima ng mga abusadong opisyal na nagpatupad ng martial law sa bawat kanayunan na nilagdaan ng dating pangulong Marcos sa layunin anya niyang mapanatili ang kapayapaan sa buong bansa dahil sa mabilis na paglago ng mga komunistang grupo na noon ay kumakalaban sa kanyang pamamahala.


Ayon sa aming pananaliksik, ideneklara ang martial law sa bansa dahil sa tinatawag na state of lawlessness na laganap sa buong bansa na naglagay sa panganib ng buhay ng maraming mga Pilipino.

Ang pagdami ng mga komunista sa bansa ang naging batayan ng dating pangulong Marcos na kung saan ayon sa kanyang pahayag noon ay nakakuha daw umano ng mga malalakas na armas ang mga komunistang grupo mula sa Tsina na siyang gagamitin upang pabagsakin at guluhin ang mapayapang buhay ng mga ordinaryong Pilipino.


Kaya’t bilang sagot sa nagbabantang lakas ng komunista ay ideneklara ng dating pangulong Marcos ang Batas Militar sa buong bansa alinsunod sa kanyang kapangyarihan ayon sa nakasaad sa 1935 Philippine Constitution.

Ngunit marami rin ang duda sa pagpapatupad ng Martial Law ng dating Pangulong Marcos. Dahil may lumabas na balita noon na iniulat ng independent report na nasa 1000 katao lang noon ang mga komunistang grupo at halos ay laos lahat ng kanilang mga armas. Ang sa mismong taon ng pagdeklara ng martial law ang siya rin pagdami ng mga komunista na kung saan lumago ito sa 35,000 noong 1985.



Kaya’t ang pagdeklara anya ng nasabing batas military ay upang mapanatili ng dating pangulong Marcos ang kanyang kapangyarihan at posisyon na umabot sa 20 taon.

 

Marahil ay nakilala lang natin si Pangulong Marcos dahil sa kanyang mga mamagandang ginawa at maging sa usaping martial law.

Sa videong ito ay kilalanin rin natin ang kanyang mga kapatid.

 

1. Pacifico Marcos


Si Pacifico Edralin Marcos ay isinilang noong January 30, 1919.. Siya ay isang physician at kilala bilang nakababatang kapatid ng dating pangulong Marcos.

Isinilang siya sa Sarat, Ilocos Norte kina Don Mariano Rubio Marcos at Donya Josefa Quetulio Edralin. Nagtapos siya sa University of the Philippines College of Medicine at naging myembro ng Mu Sigma Phi at naging presidente ng Philippine Medical Association. Noong 1971 ay na appoint siya bilang first chair mula sa 9 na membro ng Philippine Medical Care Commission. Ito ay naglalayong magbigay ng medical insurance sa mga mahihirap ng mga Pilipino.

Nagmamay-ari rin si Pacifico noon ng mga kompanya gaya ng large car dealership, sugar mill na tinawag na Consolidate Sugar Corporation, real estate firm na tinawag naman na Citizens Development Inc at Philippine Seed Incorporated.

Hindi pumasok si Pacifico sa politika at inilayo ang kanyang sarili sa regimong pinangunguluhan ng kanyang kapatid.

 

2. Elizabeth Marcos- Keon

Si Elizabeth ang pangatlo sa magkakapatid. Siya ay dati ring Ilocos Norte Governor mula 1971 hanggang 1983. Naging asawa niya ang Australian journalist na si Michael James Keon.

Ang kanilang anak na si Michael Edward Marcos Keon ay naging mayor din ng Laoag na nahalal noong 2019 na nagsilbi munang Governor ng Ilocos Norte noong 2007 hanggang 2010.

 

3. Fortunata Marcos Barba


Si Fortunata ang bunsong babaeng kapatid ng dating pangulong Marcos na pumanaw noong Mach 3, 2018 sa edad na 87 habang ginagamot sa ospital. Namuhay si Fortunata ng tahimik  sa San Nicolas, Ilocos Norte kung saan ang kanyang anak na si Angelo Marcos-Barba ang naging Vice Governor doon.

Tanging si Fortunata na lamang ang nabubuhay na kapatid ng dating Pangulong Marcos nang siya ay ilibing sa libingan ng mga bayani. Ang libing na hiniling ng dating pangulong Marcos na nakasulat sa kanyang huling habilin.

Marahil ay ito ang tanging hinihintay niya na masaksihang maayos na nailimbing ang kanilang kuya.


KILALANIN SI IRENE MARCOS AT ANG KANYANG MGA ANAK

Si Maria Irene Celestina Romualdez Marcos Araneta ang pangatlong anak ng dating pangulong Marcos. Kilala natin siya bilang si Irene Marcos. Siya ay isinilang noong September 16, 1960 at siya ay nasa 61 taong gulang na. Kilala siya bilang “the quiet one” dahil sa pinili nitong mas maging pribado ang kanyang buhay at hanggang sa ngayon ay hindi humawak ng anumang posisyon sa gobyerno sa kabila ng kasikatan ng kanyang mga kapatid gaya nina Bong Bong Marcos na dating senador at ngayon ay kasalukuyang tumatakbo nilang Presidente ng ating bansa. Ang kanyang ate naman na si Imee ay kasalukuyang ring senador sa ating bansa na nahalal noong eleksiyon 2019.

 

Sa kabila ng pagiging tahimik ay todo naman ang suportang ipinapakita niya sa kanyang mga kapatid sa panahon ng halalan. Bagaman, hindi natin siya marinig madalas na magsalita sa telebisyon o sa kahit saan mang social media sites ay halos pasan na ata niya at maging ng kanyang mga kapatid ang pagkasuklang ng ilang mga pilipinong naging biktima anya na martial law na ipinatupad ng kanyang ama noong ito ay nanunungkulan pa dahil sa pagdami ng mga kumakalaban sa gobyerno.

 

Si Irene ay Ikinasal kay Gregorio Maria Araneta. Isang kilalang angkan na marahil ay halos karamihan sa atin ay masasabing nagtataglay rin ng di pangkawaniwang kayamanan. Kaya’t kung ating babalikan ang naging kasalan nina Irene at Gregoria ay isa na ata sila sa  may pinaka mahal na kasalan dahil sinasabing umaabot ang kabuuang gugol nito sa US$10.3 million o humigit sa 500 milyon pesos.

Ang pagsasama nina Irene at Gregorio ay nagbunga ng dalawang anak na lalaki. Sa videong ito ay kilalanin natin sila.

 

1. Luis Mariano Constantino Araneta


Si Luis Mariano ang panganay an anak ni Irene at Greggy. Siya ay isa sa mga board of directors ng kanilang kompanyang WEB na kung kung saan ang kanyang amang si Greggy ang kasalukuyang may hawak at control nito.

Si Alexandra ang naging asawa ni Luis na kung saan madalas ring hangaan dahil sa kanyang taglay na kagandahan at kasexihan. Mahlig silang dalawa mag travel lalo na sa mga magagandang lugar. Mayroon na rin silang anak na babae. 


Marami ring mga followers si Alexandra sa kanyang Instagram account na kung saan umaabot na ito sa higit sa 45k followers.

 

2.  Alfonso Fernando Luis Araneta


Si Alfonso ang isa pa sa dalawang anak nina Irene at ng asawang si Gregorio.  Sa kasalukuyan ay isa siya sa mga bagong directors na naihalal sa WEB’s board na kung saan makakasama niya ang kanyang bilyonaryong ama at nakakatandang kapatid na si Luis.

Simula noong 2016 ay si Gregorio o Greggy na ang humawak at nag control ng WEB matapos na ang dati nitong Trade Minister na si Bobby Ongpin ay nag retiro dahil isa siya sa mga tinawag na Oligarch ng pangulong Duterte. Si Greggy na rin ang may control ng nasabing kompanya matapos na mag resign si Dennis Valdez na pamagkin ni Bobby Ongpin bilang president ng kumpanya noong January 2020.

 Isa si Alfonso sa mga naging bahagi ngayon ng board na kung saan ang kanilang pamilya ay mayroong 58 percent shares na nagkakahalaga ng lagpas sa 2 bilyong.

 

KILALANIN SI IMEE MARCOS AT ANG KANYANG MGA ANAK




Si Maria Imelda Josefa Romualdez Marcos ay ipinanganak noong Nobyembre 12, 1955 at mas nakikilala natin siya bilang si Imee Marcos.

Siya ay isang politiko at kasalukuyang senador sa ating bansa. Siya ang Panganay na anak ng dating Pangulo ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos na nagsilbing pangulo noong 1965-1986.


Si Imee ay nagsilbi ng tatlong termino bilang gobernador ng Ilocos Norte mula 2010 hanggang 2019 at bilang Kinatawan ng ika-2 distrito ng Ilocos Norte ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas mula 1998 hanggang 2007.

Siya ay dating kabilang sa partidong Kilusang Bagong Lipunan o KBL na parehong partidong sumuporta sa kanyang amang si Ferdinand Marcos.

Kalaunan ay sumali siya sa alyanasa ng Partidong Nacionalista ni Manny Villar bilang suporta sa kanyang inang si Imelda Marcos at kapatid na si Bongbong Marcos.

Si Tommy Manotoc ang dating asawa ni Imee na ngayon ay magkahiwalay na. Sa kanilang pagsasama ay nagkaroon sila ng tatlong anak. Narito’t kilalanin natin sila.

 

1. Borgy Manotoc

Borgy Manotoc

Namumuhay si Borgy ng naaayon sa gusto niyang buhay. Bagaman siya ay isa sa mga apo ng dating presidente ng bansa at anak ng kasalukuyang senador ay malayo naman para kay Borgy ang buhay politika. Sa ilang interview sa kanyang inang si Imee ay hands off anya siya pagdating sa buhay pag-ibig at political plan ng kanyang anak kung naisin man nito.

Naibahagi pa ng kanyang ina na kaya’t hindi anya madalas makita ang anak sa mga interviews ay dahil sa bulol mag Tagalog ang kanyang anak.

Ngunit kung pag-uusapan ay ang negosyo ay totoong ito ang kanyang gusto.

Isa sa kanyang negosyo ay ang Liberate, isa sa mga celebrity Scents Collection ng Bench.

Isa ring aktor si Borgy. Lumabas siya sa mga pelikulang  Male Confessions, isang dokomentaryo.

 

2. Matthew Manotoc


Si Matthew naman ay ang anak ni Imee na sumunod sa yapak ng kanyang ina bilang isang politiko. SIya ay ang Gobernador ng Iloco Norte na nahalal noong 2019. Dati rin siyang naging Myembro ng Ilocos Norte Provincial Board sa ikalawang distrito mula 2016 hanggang 2019.

Naging chairman rin siya ng National Movement of Young Legislators sa Ilocos Norte Chapter.

Si Matthew ay nasaw 32 raing gulang na sa kasalukuyan. Isinilang siya noong December 9, 1988. Mahilid si Matthew sa pagbabasketball at pag gogolf. Siya ay datiring basketball coach ng International School sa Manila at naging co founder ng Espiritu Manotoc Basketball Management.

Noong 2019 ay napabalitang nagdadate sila ni Miss Earth 2014 Jamie Herrell. Na isang Filipino-American actress, TV host, news anchor, dancer at beauty queen na kalaunan ay kanyang naging kasintahan.

 

3. Michael Manotoc


Si Michael naman ay pinasok ang pagiging abogado. Nagtapos iya sa University of the Philippines ng kanyang abogaysa. Siya rin ang bunso sa magkakapatid.

Noong November 2017 ay ikinasal si Michael kay Cara Manglapus sa harap ng San Agustin Church at sinundan ng isang tradisyon ng mga Ilocano.

Naihalintulad ang pagmamahalan nina Michael at Cara sa kwento nina Romeo at Juliet dahil matatandaan na ang kanilang mga lolo na sina dating pangulong Ferdinance Marcos at dating Fereign Affair Secretary Raul Manglapis ay kilalang magkalaban sa politika. Ngunit napagtagumpayan ng dalawa ang hidwaang ito ng kani-kanilang pamilya dahil sa kanilang pagmamahalan. Ang kanilang pagmamahalan ay Mas lalo pang naging metatag nang isilang ang kanilang anak na si Mia.

Napagdesisyonan naman ng mag-asawa ang perang nalikom nila mula sa mga cash gifts na natanggap nila sa kanilang kasal na nagkakahalang ng 1.3 million ay e-donate para sa relief goods sa Marawi City.

 

KILALANIN ANG MGA ANAK NI SENADOR NINOY AQUINO



Si Benigno Simeon "Ninoy" Aquino Jr na mas kilala natin bilang si Ninoy Aquino ay isa sa pinaka popular na Pilipinong senador sa ating bansa. Ipinanganak siya noong November 27, 1932 kina Benigno Aquino Sr. at Aurora Aquino. Sa videong ito ay kilalanin natin ang mga anak ni Benigno Aquino. Ngunit bago yan ay balikan muna natin ang kanyang naging buhay.


Naging popular si Ninoy noong ito ay labing pitong taong gulang pa lamang dahil sa kanyang pagiging korespondent sa digmaan sa Korea. Siya ang pinakabatang nahalal na Mayor ng Concepcion, Tarlac. Naging teknikal rin siya ng pangulong Ramon Magsaysay at Carlos Garcia. Umanib at naging kalihim siya ng Partido Liberal noong panahon ng panunungkulan ni Diosdado Macapagal.


Noong siya ay nanunungkulan pa bilang senador ay siya ay naging pangunahing kritiko ni Pangulong Ferdinand Marcos sa pamamahala nito. Pinatay siya sa Manila International Airport na ngayon ay Ninoy Aquino Internation Airport bilang parangal sa kanya. Ito ay nangyari pagkauwi niya mula sa Estados Unidos, kung saan siya pinadala kasama ang kanyang pamilya upang ito ay ipagamot sa Amerika.

Ang kanyang pagkamatay ang naging sanhi ng pagkaluklok sa Pagka-Pangulo ng kanyang asawang si Corazon Aquino, na pumalit sa 20-taong pamamahala ni Ferdinand Marcos.

Ayon sa mga testigo, ang mga sundalong nag hatid sa kanya pababa ng eroplano ay ang may mga kinalaman sa kanyang pagkamatay. Batay sa mga testigong sina Rebecca Quijano, Jessie Barcelona at iba pa, nakita nilang ang sundalong si Rogelio Moreno, na nasa likod ni Ninoy habang bumaba sa hagdan ng eroplano, ang bumaril sa batok ni Ninoy. Ito ay umaayon sa autopsiya kay Ninoy na ang bala ay pumasok sa itaas ng mastoid ng bungo at lumabas sa mababang panga na nagpapakitang ang pagbaril ay ginawang mas mataas sa ulo ni Ninoy.

May mahigit dalawang milyon na sumama sa prusisyon para ihatid si Aquino sa kanyang huling hantungan.

 

Ang mga naging sangkot sa kanyang pagkamatay ay napalaya na noong 2007 na tinutulan naman ng kanyang anak na si Noynoy Aquino.

Nagkaroon ng limang anak si Ninoy at Cory, Narito’s kilalanin natin sila.

1. Ballsy Aquino Cruz


Si Maria Elena "Ballsy" Aquino-Cruz (ipinanganak Agosto 18, 1955) ay ang panganay na anak ng dating Pangulong Corazon Aquino at Senador Benigno Aquino, Jr. Siya ang ate ni Pangulong Benigno Aquino III, at kapatid ng sikat na aktres na si Kris Aquino. Labing anim na taong gulang pa lamang noon si Balllsy nang ideklara ang Marial law at nang ang kanyang ama ay ikulong.

Nagtataglay si Ballsy noong kanyang kabataan ng kagandahang namana niya sa kanyang ina. Mula sa kanyang malalakingm mga mata at flaelwss complexion ay napahanga niya ang maraming mga kabataang lalaki noon.

26 na taoong gulang si Ballsy nang ikasal siya kay Eldon Cruz noong Dec, 10, 1982 sa lumang simbahan ng Tarlac kung saan sila nagsisimba tuwing linggo.

2. Aurora Corazon Aquino Abellada


Si Aurora Corazon “Pinky” Cojuangco Aquino-Abellada ay ipinanganak Disyembre 27, 1957. Siya ay ang pandalawang anak ng dating Pangulong Corazon Aquino at Senador Benigno Aquino, Jr. Siya ang ditse ni Pangulong Benigno Aquino III, at kapatid ng sikat na aktres na si Kris Aquino.

Ang asawa niya ay si Manuel Abellada at may dalawa siyang anak na sina Miguel Abellada at Nina Abellada.

3. Benigno Aquino III


Kilalla natin siya bilang siya P-noy o Noynoy Aquino. Isinilang siya noong February 8, 1960 at namayapa nito lamang Hunyo 24 ng kasalukuyang taon sa edad na 61.

Mula sa pagiging Kinatawan ng Kapulungan ng mga Kinatawan mula sa Ikalawang Distrito ng Tarlac, sa pagiging Senador ng Pilipinas at Kalihim ng Interyor at Pamahalaang Lokal ay naabot ni Pnoy ang pinakamataas na pwesto sa gobyerno bilang Presidente noong 2010 hanggan 2016. Tanging si PNoy ang nag-iisang lalaking naging anak ni Ninoy Aquino. Si Pnoy ang kauna-unahang presidente ng Pilipinas na binate at wala anak. Nagkaroon siya noon na kasintahan na si Shalani Soledad na isang konsehal sa panahong iyon ng lungsod ng Valenzuela. Dati ring sinuyo ni Pnoy sina Korina Sanchez, Bernadette Sembrano, Grace Lee at Liz Uy.

 

4. Victoria Elisa Aquino Dee


Si Victoria Elisa "Viel" Aquino-Dee ay ipinanganak noong Oktubre 27, 1961. Siya ay ang pang apat na anak ng dating Pangulong Corazon Aquino at Senador Benigno Aquino, Jr. Siya ang sumunod kay Pangulong Benigno Aquino III, at naka-tatandang kapatid ng sikat na aktres na si Kris Aquino.

Ang asawa niya ay si Joseph Dee at may dalawa siyang anak na sina Kiko Dee at Jia Dee.

5. Kris Aquino



Si Kristina Bernadette Aquino na mas kilala natin sa tawag na Kris Aquino ay isinilang noong February 14, 1971. Siya ay isa sa mga sikat na TV personality sa ating bansa at tinaguriang Queen of All Media.


Si Kris ang panlima at bunsong anak sa magakakapatid. agsimula siya sa mga guest spots sa mga drama at komedya sa telebisyon, maging ang mga talk shows. Ang unang pelikula niya ay ang Pido Dida kasama si Rene Requiestas, isang aktor ng komedya.

 

Nang bumagal na ang kanyang career sa paggawa ng pelikula, pinasok niya ang telebisyon bilang isang talk show host. Pagkaraang magkaroon ng dalawang talk shows, kinuha siya ng ABS-CBN at pinangunahan ang Today with Kris Aquino. Naging host din siya ng Morning Girls, The Buzz, Pilipinas, Game Ka Na Ba? at Kapamilya, Deal or No Deal. Naging host din siya ng Wheel of Fortune.

 


BASAHIN PA ANG IBA PANG MGA POSTS NA ITO

KILALANIN ANG MGA LALAKING MINAHAL NI MARJORIE BARRETTO

Si Marjori Barretto ay isang dating aktres at politico sa ating bansa. Naging city councilor siya ng ikalawang distrito ng   Coloocan mula...