KILALANIN ANG MGA ANAK NG DATING PANGULONG MARCOS



Walang taong hindi nakakakilala sa Dating pangulong Ferdinand Marcos kung ang pag-uusapan ay martial law. Dahil siya lang naman ang kauna-unahang president ng ating bansa na nagdeklara nito sa buong Pilipinas.

Sa videong ito ay pag-usapan at kilalanin natin ang mga anak ng dating pangulong Marcos. Ngunit bago  yan mga kasama ay balikan muna natin ang buhay ng pangulong Marcos.
 


Ayon sa aming Pananaliksik, ang dating pangulong Ferdinand Marcos ay nabuhay noong September 11, 1917 sa Sarat, isang bayan sa lalawigan ng Ilocos Norte at pumanaw sa edad ng 72 sa Honolulu Hawaii noong September 28, 1989.


Ayon sa aming Pananaliksik, ang dating pangulong Ferdinand Marcos ay nabuhay noong September 11, 1917 sa Sarat, isang bayan sa lalawigan ng Ilocos Norte at pumanaw sa edad ng 72 sa Honolulu Hawaii noong September 28, 1989.

Ang dating Pangulong Marcos ay nag-aral ng pagiging abogado sa University of the Philippines noong late 1930s. Naging trial lawyer siya sa Maynila at kalaunan ay naging opisyal ng Philippine Armed Forces noong World War II. Sinasabing naging leader umano siya ng mga guerilla na naging bahagi ng kanyang tagumpay sa pagpasok niya sa plitika.

Mula 1946 hanggang 1947 ay naging technical assistant siya ng dating pangulong Manuel Roxas. Mula 1949 hang 1959 ay naging bahagi siya ng House of Representative. Naging senador mula naman noong 1959 hanggang 1965. Mula 1963 ay siya ang naging Senate President hanggang 1965 at naging Presidente na ating bansa matapos na matalo niya sa halalan si Diosdado Macapagal.

Nagsilbi siya ng dalawang termino bilang presidente mula December 30, 1965. Sa unang termino ng kanyang pamumuno ay umunlad umano ang agrikultura, industriya at edukasyon sa ating bansa. Ngunit humarap sa matinding pagsubok ang dating Pangulong Marcos dahil sa unti-unting pagsami ng mga student demonstrations at violent urban guerilla activities.

Kaya’t noong September 21, 1971 ay nagdeklara ang dating pangulong Marcos ng Martial law sa buong Pilipinas. Kasama ng pagdeklarang ito ay pagdami rin anya ng mga naging biktima ng madugong Martial Law.
 

Si Imelda Romualdez Marcos na asawa ng dating Pangulong Marcos ay isa ring beauty queen. Mula sa kanilang pagmamahalan ay nagkaroon sila ng apat na anak. Narito’s kilalanin natin sila.
 
1. Imee Marcos

Si Maria Imelda Josefa Romualdez Marcos ang panganay na anak  sa magkakapatid. Ipinanganak siya noong Nobyembre 12, 1955 at siya ay nasa 65 tanong gulang na. Siya ay kasalukuyang nanunungkulan bilang senador sa ating bansa na nahalal noong 2019. Bagi ito ay nagsilbi rin siya ng tatlong termino bilang gobernador ng Ilocos Norte mula noong 2010 hanggang 2019.

Marami rin mga kontrobersyal ang naipukol kay Senador Imee Marcos mula sa kanyang pagtatangkol sa batas military na ipinatupag ng kanyang ama hanggang sa pagpuna sa pahayag ng dating Pangulong Gloria Arroyo sa paggugol ng bansa sa 1/3 ng taunang badyet ng bansa para mabayaran ang mga inutang ng kanyang amang si dating pangulong Ferdinand Marcos.
 
2. Ferdinand Emmanuel Romualdez Marcos Jr.


Si Bongbong Marcos ang pangalawang anak ng dating Pangulong Marcos. Ipinanganak siya noong September 13, 1957. Siya an nasa 64 na taong gulang na. Siya rin ang nag-iisang anak na lalaki ng dating Pangulong Marcos. Pinasok rin ni Bongbong ang pagiging isang politiko.

Taong 1980, sa edad na 23 ay nanilbihan na si Bongbong bilang Vice Governor ng Ilocos Norte at kalaunan ay naging Gobernador ng nasabing lalawigan sa mga taong 1983 hanggang 1986 at 1998 hanggang 2007. Taong 2010 naman ay nahalal siya bilang  Senador ng ating bansa.

Noong 2016 ay tumakbo si Bongbong bilang pangalawang pangulo ngunit si Vice President Leni Robredo ang idiniklarang panalo sa nasabing halalan.
Sa darating nahalalan 2022 ay kinumpirma na ni Bongbong ang kanyang pagtakbo bilang presidente. Samo’t-sati naman ang naging reaksiyon nag taong bayan para sa pagtakbong ito ng dating senador.

3. Maria Irene Celestina Romualdez Marcos Araneta


 Ang pangatlong anak ng dating pangulong Marcos ay si Irene. Siya ay isinilang noong September 16, 1960 at siya ay nasa 61 taong gulang na. Kilala siya bilang “the quiet one” dahil sa pinili nitong mas maging pribado ang kanyang buhay at di kailanman humawak ng posisyon sa gobyerno.

Ikinasal siya kay Gregorio Maria Araneta at isa rin siya sa mga may pinaka expensive wedding dahil sinasabing umaabot ito sa US$10.3 million. Naging isang scandal naman ang kanyang party noong 1985 dahil sa isinagawa ito sa presidential yacht na BRP Ang Pangulo na nabili ng Pilipinas noong 1959 at unang ginamit ng pangulong Carlos P. Garcia.
 
4. Aimee Romualdez Marcos

Si Aimee naman ay isang musician at public figure na nakilala sa pagiging isang drummer ng indie music band na The Dorques. SI Aimee ay adopted daughter lamang ng pamilya Marcos. Siya lamang ang tanging bata pa noong natapos ang Martial Law sa ating bansa noong 1981 at nang na exile ang pamilya Marcos noong sa Honolulu noong 1986. Iniwasan ni Aimee ang polika mula sa kanyang kabataan.


 


KILALANIN SI DAWN ZULUETA AT ANG KANYANG MGA ANAK

Si Dawn Zulueta o si Rachel Marie Salman Taleon Lagdameo ay isinilang noong March 4, 1969 at siya ay nasa 52 taong gulang na sa kasalukuyan.


Si Dawn ay isang sikat na aktres, host at commercial model. Siya ang natatanging Filipina actress na nanalo ng dalawang gawad sa loob ng isang taon. Nanalo siya bilang Best Actress at Best Supporting Actress noong taong 1992 mula sa FAMAS.

Unang nasilayan ang ganda ni Dawn nang gumawa ito ng commercial ng Close up noong 1986 kasama noon ang aktor na si Tonton Gutierrez. Kaagad na bumida si Dawn sa pelikulang Nakagapos na Puso noong 1986 kasama sina Sharon Cuneta at Lorna Tolentino.

Bumida rin siya sa Okay Ka, Fairy Ko noong 1995 hanggang 1997 bilang lead character’s wife. Pagkatapos ay naging co host siya sa musical variety show ng GMA Supershow noong 1989. Naging host din siya sa iba pang musical variety show gaya ng The Dawn and Jimmy Show noong 1989 at RSVP noong 1990.


2012 ay nakasama rin si Dawn sa palabas na Walang Hanggan kasama si Richard Gomez, Coco Martin at Julia Montes. Noong 2016 nama ay nakatrabaho ni Dawn sina Piolo Pascual at Coleen Garcia sa palabas na Love Me Tomorrow.

SI Dawn ay may lahing Paletine dahil ang kanyang ama na si George Anton Salman ay isang Palestinian-Arab na pumunta ng Pilipinas pagkatapos ng World War 2.

Si Antonio Lagdameo Jr ang naging asawa ni Dawn at nagkaroon sila ng dalawang anak.


Ang panganay niyang anak ay si Jacobo Antonio na ipinanganak noong 2006. SIya ay nasa 15 taong gulang na sa kasalukuyan. Kinagiliwan rin ng maraming mga netizen ang kagwapuhan ng panganay na anak ni Dawn na si Antonio. Marami ang nagsasabing magiging isa siyang leading man pagdating ng panahon.

 
Ang ikalawang anak naman ni Dawn ay si Ayisha Madlen. Siya rin ang bunso sa magkapatid. Marami rin ang mga natutuwa na napaka cute na anak ni Dawn. Mahilig din si Ayisha sa mga sport at sa pag babake kasama ang kanyang ina.

Madalas namang mag bonding ang magkapatid na Antonio at Ayisha.

Marami sa atin ang nag-aabang sa mga anak ng mga paborito nating mga artista. Gaya na lamang ni Dawn na  gaya niya ang kanyang mga anak ay may magandang pagmumukha, na nagpabilid at nagpahanga sa maraming mga tagasuporta ng aktres.


KILALANIN SI GLORIA SEVILLA AT ANG KANYANG MGA ANAK



Isa sa mga batikang aktres sa ating bansa ay si Gloria Sevilla. Siya ay isinilang noong January 31, 1932 at  ngayon ay nasa 89 na taong gulang na.

Tinagurian si Gloria bilang Queen of Visayan-made movies noong 1950 at 1960.

Dahil sa kanyang husay sa pagganap ay ginawaran siya ng FAMS Award bilang best supporting actress sa pelikulang Madugong Paghihiganti noong 1962. Nanalo rin siya ng Best Actress Award sa mga pelikulang Badlis sa Kinabuhi noong 1962 at Gimingaw Ako noong 1973.

 

Lumabas din si Gloria Sevilla sa mga pelikulang Dysebel, Guhit ng Palad, Matud Nila, The Flor Contempalcion Story, Lapu Lapu at sa pelikulang El Presidente.

Nagkaroon ng limang anak si Gloria sa una nitong asawa na si Mat Ranilo Jr na isa ring actor. Ngunit pumanaw ito dahil sa plane crash noong 1969. Muling nag-asawa su Gloria sa katauhan naman ni Amado Cortes na isa pa ring aktro at director na nanilbihan rin bilang ambassador ng ating bansa, ngunit namatay rin ito noong 2003. Nagkaroon naman sila ng isang anak na babae.

 

Sa videong ito ay kilalanin natin ang ilan sa mga anak ni Gloria Sevilla.

 

1. Maria Suzette Ranilo

Si Suzette at isinilang noong January 11, 1961. Siya ay isa ring aktres na nagsimulang gumanap noong siya ay 12 taong gulang pa lamang. Ginamit niya ang screen namne na Nadia Veloso at nakilala hindi lamang sa paggawa ng pelikula kundi maging sa mga palabas pantelebisyon at tiatro.

 

2. Matias Archibald Ranilo III

Mas kilala siya bilang is Mat Ranillo III. Isinilang siya noong October 5, 1956. Siya ang pangalawa ni  Mat Ranillo Jr sa actress na si Gloria Sevilla. Nag-aral siya sa Lourdes School sa Quezon City at sa St. Vincent School sa Dipolog at San Sebastian College. Kumuha siya ng Customs Administration sa San Beda College na kung saan ay naglaro rin siya doon ng basketball.

3. Dandin Ranillo

Si Dandin ay isang musician. Ilan sa mga kanta niya ay Sige Na Bay, Ang Palad Nagbuot at Badlis sa Kinabuhi na pawang mga visayan songs.

May mga anak pa si Gloria Sevilla na sina  Jonathan,  Junius Ranillo at Czareanah Cortez ngunit pribado ang mga naging pamumuhay ng mga ito.


KILALANIN SI LILIAN VELEZ AT ANG KANYANG ANAK

Si Lilian Velez-Climaco ay isinilang noong March 03, 1924 at pumanaw noong June 26, 1948. Siya ay isa sa mga kilalang aktres at singer noong kanyang kapanahunan.

 

Unang sumikat si Lilian sa kanyang pagkapanalo sa isang amateur radio singing contest noong kalagitnaan ng 1930s.

 

Bago paman sumiklab ang ikalawang digmaang pandaigdig ay maslalong naging maningning na noong ang kanyang karera sa pagkanta. Siya rin ang nagpasikat sa awiring Sa Kabukiran na isa sa mga awitin ng kanyang composer na ama.

Nabihag ni Lilian ang puso ni Jose Climaco na isang manager ng radia station.

Matapos ang ikalawang digmaan noon at sa pagbabalik ng produksiyon ng mga Filipino films ay naitampok si Lilian ng LVN Pictures sa mga pelikulang Binibiro Lamang Kita, Ang Estudyante at Sa Kabukiran. Ang kanyang asawa ang mismong naging derektor ng mga pelikula. Ang kanyang naging leading man sa pelikulang ito ay si Narding Azures.

Taong 1942 ay nagpakasal ang dalawa at nagkaroon sila ng isang anak na babae na nagngagalang Vivian.

Si Vivian ay isa ring aktres at kasalukuyang naninilbihan bilang Director General ng Film Academy of the Philippines. Nagsimula si Vivian ng kanyang showbiz career noong 1976 sa edad ng 16 na taong gulang. Nanalo siya ng mga awards gaya ng FAMAN, FAP, MMFF, at Gawad Urian Awards.

Napanood rin natin siya sa mga palabas pantelebisyon gaya ng Imortal na pinagbidahan nina Angel Locsin at John Lloyd Cruz, at ang Maria Mercedes na piangbidahan ni Jessy Mendiola.

Nagkaroon ng isyu noon si Vivian sa kapwa aktres na si Christine Reyes sa palabas na Tubig at Langis na dahilan ng kanyang pag-alis sa nasabing palabas.


KILALANIN SI MYLENE DIZON AT ANG KANYANG MGA ANAK


KILALANIN SI MYLENE DIZON AT ANG KANYANG MGA ANAK

 

Si Mylene Lilibeth Dizon ay ipinanganak noong September 6, 1976. Siya ay isang kilalang model at actress sa ating bansa. Naging bahagi siya ng ABS CBN Star Magic. Pagkatapos ay lumipat siya sa Kapuso netwoek noong 2003 at naging bahagi ng mga palabas na Captain Barbel, Agawin Mo Man ang Lahat at Dyesebel.

Sa higit sa 25 taon sa industriya ay namayagpag ang karera ni Mylene Dizon mula sa pagiging teen star sa youth oriented show na Gimil noong 90s. Nakatanggap din siya ngpagiging Best Actress mula sa Cinemalaya, Gawad Urian at Golden Screen Award dahil sa kanyang pagganap bilang si Joyce De Leon.

 

Lumabas din siya bilang s Grace Maniego sa palabas na Budoy noong 2011 at bilang si Fatima San Jose sa palabas na Kahit Pusoy Masugatan.

 

Noong 2019 ay naging bahadi rin siya ng palabas na Sahaya at noong nakaraang taon naman ay sa palabas na Bilangin ang Bituain sa Langit. Sa ngayon ay kasama siya sa  palabas na Huwag Kang Mangaba ng ABS CBN network.

Nagkaroon ng dalawang anak si Mylene mula sa dati niyang boyfriend na si Paolo Paraiso. Ito ay sina Tomas at Lucas Paraiso. Mga bata pa sa kasalukuyan sina Tomas at Lucas. Madalas na magbonding ang mag-iina. Lumabas din ang mag-iina sa isang cover ng BC Magazine noong September 2012.

Madalas ring mag laro at mag bonding ang magkapatid na Tomas at Lucas. Di rin malayong pasukin rin nilang ang pag-aartista dahil sa kakikitaan na rin ang dalawa ng magandang hugid ng mga mukha.

 


BASAHIN PA ANG IBA PANG MGA POSTS NA ITO

KILALANIN ANG MGA LALAKING MINAHAL NI MARJORIE BARRETTO

Si Marjori Barretto ay isang dating aktres at politico sa ating bansa. Naging city councilor siya ng ikalawang distrito ng   Coloocan mula...