KILALANIN SI ARMIDA REYNA AT ANG KANYANG MGA ANAK


KILALANIN SI ARMIDA REYNA AT ANG KANYANG MGA ANAK

 

Si Armida Reyna ay isinilang noong Nobyembre 4, 1930 at pumanaw noong Pebrero 11, 2019. Siya ay isang artista sa ating bansa. Una siyang nakilala bilang mang-aawit at host sa kanyang sariling programa sa telebisyon, ito ang programanag Aawitan Kita na ipinalabas sa maagang bahagi ng dekada 70.

 

Pinasok niya ang pelikula at dito rin ay siya nakilala bilang isa sa mga magagaling na suportang aktres at nagkamit na rin ng ilang gawad parangal sa iba't-ibang akademya. Armida ay nagtayo rin ng sariling mga kompanya ng pelikula ang Pera Films at Reyna Films.

 

Noong naging Pangulo ng Pilipinas si Joseph Estrada, ay siya naging tagapangulo ng MTRCB.

 

Kapatid niya sa ama si Juan Ponce Enrile, isang politiko na nanungkulang senador at Pangulo ng Senado ng sa ating bansa.

Ilan sa mga huling pelikulang kinabilangan niya ay ang Bwakaw bilang si Alicia noong 2012 at Filipinas bilang si Florencia Filipinas nong 2003.

 

Si Leonardo Reyna ang kanyang naging asawa at nagkaroon sila ng apat na anak. Narito’t kilalanin natin sila.

 

1. Carlos Reyna

Si Carlos Reyna ay isang kilalag direktor ng mga pelikula. Ilan sa mga pelikulang nagawa niya ay Azucena noong 2000, Only You noong 1992 at Where I Am King noong 2014. Siya rin ang katulong ng kanyang ina sa pagpapatakbo ng kanilang kompanyang Reyna Film.

Mula noong 2015 ay siya na ang Head and Prgram Director ng Cinemalaya Institute.Dati rin siang naging Assistant Art Professor sa New York Universit Tisch Asia School of the Arts.

 

2. Monique Reyna Villonco

Si Monique naman ay ang Lowe Philippine Chairman at Member ng Philippine Red Cross Board of Governors.

Siya ag nag-iisang anak na babae ni Armida Reyna. Si Monique ang ina ni Cris Villonco na isang theater performer, television actress at singer.

 

3. Rafael Reyna

Si Rafale ay isa ring aktor na nakilala sa pelikulang Where I Am King noong 2014, Historiographika errata noong 207 at A Hard Day noong 2021.

Bago niya pinasok ang mundo ng showbiz ay ang theatro ang kanyang naging pundasyon sa karerang kanyang napili. Nagtapos siya ng communication degree sa New York University. Bahagi si Rafa ng mga contract artist ng Kapuso Network.

 

May isa pang anak si Armida na si Leonardo Reyna Jr.


KILALANIN SI LILIAN DIZON AT ANG KANYANG MGA ANAK

Si Claire Strauss y Dizon o mas nakilala noong 1940s bilang si Lilia Dizon ay isa sa mga sikat na aktres sa ating bansa mula dekada 40 hanggang 80. Siya ay isinilang noong June 15, 1928 at pumanaw noong June 15, 2020 sa edad na 92. Siya ang nag-iisang anak na babae nina Regina Dizon at Abraham Strauss na isang American at German Jewish.

Sa edad na 15 ay lumipat sila ng maynila mula sa Baguio matapos na bumalik sa America ang kanyang ama pagkatapos ng World War II. Doon ay nagsimula siyang magperform sa tiatro.

Napangasawa siya ni Gil de Leon na isang aktor ng LVN Pictures na kung saan nagkaroon siya ng tatlong anak. Narito’s kilalanin natin sila.

1. Pinky de Leon

Si Pinky de Leon ay isa ring aktres na gumanap sa pelikulang Ang Daigdig ay isang patak ng Luha noong 1976, Ugat noong 1974 at Tanikalang Dugo noong 1973. Kasal siya ka Roy Tom Coyle at ngayon ay mag-isang naninirahan sa Orange Country sa California matapos na pumanaw rin ang kanyang asawang si Roy dahil sa cancer.

 

2. Christopher de Leon

Si Christopher de Leon ay isa sa mga batikang aktor sa ating bansa. Ipinanganak siya noong Oktubre 31, 1956. Siya ay nasa 65 taong gulang na sa kasalukuyan.

Si Christopher de Leon ay nagkaroon ng isang anak sa unang asawang si Nora Aunor. Ngayon ay si Sandy Andolong ang kasalukuyan niya ng asawa at nagkaroon sila ng limang mga anak na sina Rafael, Miguel, Gabriel, Mariel at Mica.

 

3. Melissa de Leon

Si Melissa De Leon namay ay dating aktres na nakilala sa peliklang Ang Pumatay ng dahil sa iyo noong 1989, Ilaban mo bayan ko:The ObetPagdanganan Story noong 1997 at Love and Lies noong 2013. Na diagnose si Melissa na mayroong Breast cancer dahilan ng kanayang pagtigil sa paggawa ng mga pelikula.

Naaalala si Melissa ng kanyang mga tagahanga bilang isa ring host ng Sunday noontime show na Sang Linggo nAPO Sila kasama ang mga host na sina Bing Loyzaga, Michelle Van Eimeren, Agot, at Amy Perez.

Sa kasalukuyan ay aktibo si Melissa sa pamamahagi ng mga salita ng Diyos at ng mga impormasyon ukol sa breast cancer.

 

Sa pangalawang asawa ni Lilian Dizon na si Antonio Abad ay nagkaroon rin siya ng dalawang anak na babae. Ito ay sina

Antoniette Abad at Corrie Abad.

KILALANIN SI ELIZABETH OROPESA AT ANG IANYNG MGA ANAK



Isa sa mga aktres na madalas nating makita sa mga madadramang palabas pantelebisyon at maaksiyong pelikula ay si Elizabeth Oropesa. Isinilang siya noong July 17, 1954 at tinatayang nasa 67 taong gulang na siya sa kasalukuyan. Kilala rin siya sa tawag na La Oropesa at Boots naman kung siya tawagin ng malalapit niyang mga kaibigan.

Isa rin siya sa Grand Slam Best Actress winner. Isang Gawad ng pagkilala sa katangi tangi nyang kakayahang Manalo ng apat na major awards sa parehong kategorya ng Philippine movie industry. Nakuha niya ang nasabing Gawad sa pelikulang Bulaklak ng Maynila noong 1999.

Noong 1972 naman ay kinoronahan siya bilang Miss Luzon of the Miss Republic of the Philippines. Naging bahagi rin siya ng Miss White Castle models noong mid 70s. Maliban sa pagiging aktres ay isa rin siyang Acupuncturist at Herbalist bilang si Dr. Elizabeth O. Freeman.

Nagsimula ang karera  sa pgagawa ng pelikula ni Elizabeth nang maipakilala siya sa pelikulang Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa noong 1974. Ginampanan niya ang papel ni Saling. Siya ay isa sa mga supporting aktres noon sa Miss Universe na si Gloria Diaz na nooy patungo sa kanyang kasikatan.

Lalong nakilala si Elizabeth nang siya ay muling lumabas sa pelikulang Misto Mo, Lover Boy Ko noong 1975. Nanalo siya ng FAMAS Best Actress award sa pelikulang Lumapit, Lumayo ang Umaga. Ilan pa sa mga pelikulang kinabilangan niya ay Aguila noong 1980 kasama si Fernando Poe Jr, Si Malakas, Si Maganda at Si Mahinhin kasama naman sina Alma Moreno at Dindo Fernando at sa pelikulang Palabra de Honor noong 1983 kasama ang batikang actor na si Eddie Garcia.

Sinasabing nagkaroon ng apat na anak si Elizabeth ito ay sina Henry, Guinevieve, Gabriel at Louie. Ngunit lahat sila ay pribado ang naging pamuhay.

Si Henry ay isang nurse. Siya ay anak ni El Oro sa una nitong asawa.

Si Guinevieve naman ay anak ni El Oro sa naging boyforiend na si Mark Roces.

Si Gabriel naman ay anak naman niya kay Meng Fei na ngayon ay sinabing sila ay nag diborsyo na. Si Meng Fei ay isang Chinese martial arts movie actor.

Si Louie naman ay sinasabing adopted son ni El Oro.

Si Elizabeht ay mula sa Guinobatan, Albay. Ang kanyang ina ay si Flordeliza Oropesa-Freeman at ang kanyang ama naman ay isang doctor.


KILALANIN SI CELIA RODRIGUEZ AT ANG KANYANG MGA ANAK


Si Celia Rodriguez ay ipinanganak noon Hunyo 21, 1938. Siya ay isang talentadong artistang Filipina. Lumabas siya sa halos 130 na pelikula at palabas sa telebisyon. Pinarangalan siya nang apat  na FAMAS Awards sa mga pelikulang Kulay Dugo Ang Gabi, The Passionate Strangers, Lilet at Magnifico. Pinarangalan rin siya bilang Best Supporting Actress sa Metro Manila Film Festival para sa pelikulang Bulaklak Sa City Jail  noong 1984.

 

Pumasok si Cecilia Rodriguez sa pelikula noong mga huling taon nang dekada singkwenta. Lumabas rin siya sa mga pelikulang Sa Ngalan Ng Espada noong at Shirley, My Darling noong 1958.

Kasali rin siya sa mga pelikulang Lilet, inilabas noong 1971, Super Gee (1973), Kampanerang Kuba (1974) at Mrs. Eva Fonda, 16 (1976).

Kilala rin siya bilang kontrabidang si Valentina sa mga pelikulang Darna.

Nakasali rin siya sa GMA-7 TV sitcom na Who's Your Daddy Now? (2007) at sa romantic-comedy series na I Heart You, Pare! (2011) kasama sina Dingdong Dantes at Regine Velasquez.

 

Kilala rin si Celia bilang beauty at fashion icon na malawak na pinupuri para sa kanyang sopistikadong istilo. Siya rin ay naiiba sa karamihan ng mga bituin sa lokal na industriya ng pelikula sa diwa na siya ay isang artistang may pag-iisip, matalino at mataas ang pagsasalita.

 

Noong 2015 ay pinarangalan siya ng Nora Aunor "Ulirang Artista" Lifetime Achievement Award sa PMPC Star Awards for Movies, bilang pagkilala sa kanyang mga natatanging tagumpay sa pag-arte.

 

Tatlo ang naging anak ni Celia Rodrigez. Narito’s kilalanin natin sila.

1. Dr. Angelo Araullo

  Siya ang panganay na anak ni Cecilia. Si Angelo ay sinag doctor na naninirahan sa Sydney Australia. Si Angelo ay ikinasal kay Bridget Jelfs na isang neuro-natal nurse.

 

2. Camille

Si Camille naman ay ang isa pang anak na babae ni Celia na naninirahan naman sa Los Angeles, Califonia.

 

3. Jacky

Si Jackie ay ang isa pang anak na babae ni Celia. Siya ay pumanaw sa edad na 15 sail sa sakit na aneurysm of the brain.

 

Kung hindi pa po kayo nakapagsusubscribe sa aming munting channel ay inaanyahan po namin kayong magsusbcribe para sa mga ganitong videong ihahandog namin para sa inyo.


BASAHIN PA ANG IBA PANG MGA POSTS NA ITO

KILALANIN ANG MGA LALAKING MINAHAL NI MARJORIE BARRETTO

Si Marjori Barretto ay isang dating aktres at politico sa ating bansa. Naging city councilor siya ng ikalawang distrito ng   Coloocan mula...