Si Medina Papap Dancel o mas kilala natin sa pangalang Bella Flores ay isa sa mga batikang aktres sa ating bansa kung saan gumanap siya sa ilang mga pelikula bilang kontrabida. Siya ang original na kontrabida sa Philippine showbiz.
Si Bella ay ipinanganak noong Pebrero 27, 1929. Nasa
college sophomore noon si Bella nang lumabas siya sa pelikulang Tatlong Balaraw
noong 1950 sa edad na 21.
Ginampanan din niya ang isang kontrabidang Biyenan sa
Roberta bagaman siya ay 22 taong gulang pa lamang noon. Ang pelikulang ito di
umano ang nagligtas sa Sampaguita pictures sa pagka bankrupt nito matapos na
masunog ang studio nito. Dahil sa tagumpay ng nasabing pelikula ay nagsunod
sunod na ang kontrabidang papel ni Bella at naging isa sa mga hinangaang star
sa showbiz industry.
Ilan sa mga huling pelikulang nagawa ni Bella Flores ay ang
My Kontrabida Girl noong 2012, Way Back Home nong 2011, at D’Anothers noong
2005.
Pumanaw si Bella noong May 2013 sa Quezon City General Hospital
dahil umano sa komplikasyon dulot ng kanyang hip surgery.
Mayroong anak na babae si Bella Flores ito ay si Ruby
Dancel Arcilla. Proud na proud si Ruby sa kabaitan ng kanyang ina. Naikwento pa
ni Ruby na may isang babaeng lumapit sa kanya sa burol ng kanyang ina kung saan
sinabi nitong tinulungan umano siya ni Bella sa kanyang hospital bills sa abot
ng makakaya nito. Sa huli ay hinimok naman ni Ruby na ganun din sana ang gawin
ng ibang mga aktres. Ang tumulong sa mga nangangailangan mula sa kanilang mga
puso.
Binalak naman ng iba pang pamilya ni Bella na magkaroon
siya ng foundation na tutulong sa mga taong may mga Alzheimer’s Disease. Ito ay
dahil sa nakakitaan umano si Bella ng ganoong sakit bago ito pumanaw.
Magsubscribe sa channel na ito para sa mga videong kahihiligan ninyong panoorin. Salamat sa inyong panonoog mga kasama.
No comments:
Post a Comment