Si Maria Cecilia dela Cueva Laxa-Pangilinan o mas kilala
natin bilang si Maricel Laxa ay ipinanganak noong February 5, 1970. Siya ay
anak nina Tony Ferrer at Imelda Ilanan. Isa siya sa mga kilalang aktres sa
ating bansa. Nanalo siya bilang Best Supporting Actress sa 1992 FAMAS Awards at
Star Awards sa kanyang role sa 1992 film na Iisa Pa Lamang.
Nag-aral siya sa St.
Theresa’s College sa Quezon City at sa De La Salle Santiago Zobel School
Muntinlupa ng kanyang primary school. Nagtapos siya ng kanyang Secondary School
sa Assumption College sa Makati at nagtapos niya ang kanyang degree sa Social
Science sa Uniersity of the Philippines sa Maynila. Kumuha rin siya ng kanyang
Master’s Degree in Family Life and Child Development sa University of the
Philippines Diliman.Mayroon din umano siyang Doctorate Degree.
Ilan sa mga pelikulang kinabilangan ni Maricel ay sa Hello,
Love, Goodbye noong 2019, My Lady Boss noong 2018, Litsonero noong 2009
Magkaibigan noog 2008 at marami pang iba.
Ilan sa mga palabas pantelebisyon na kanyang kinabilangan
ay sa Paano ang Pasko? Noong 2020, Paano ang Pangako? Nong 2021, Dadd’s Gurl
noong 2021 at Mano Po Legacy: the Family Fortune noong 2022.
Si Anthony Pangilinan ang kanyang lalaking minahal at
nagkaroon sila ng limang anak. Narito’t kilalanin natin sil.
1. Donny Pangilinan
Si Donato Antonio Laxa Pangilinan o mas kilala natin bilang
si Donny Pangilinan ay ipinanganak noong February 2, 1998. Siya ay isang aktor,
modelo, VJ at mang-aawit.
Nagsimula si Donny bilang isang NJ sa Myx noong 2016 at ang
pelikulang Walwal ang kanyang film debut noong 2018. Pagkatapos nito ay gumawa
pa siya ng mga pelikulang To Love Some Buddy bilang si Jeremy, Fantastica
bilang si Pepe, The Mall, The Merrier bilang si Jose Rizal, James and Pat and
Dave bilang si Dave at Love is Color Blind bilang si Ino.
2. Hannah Pangilinan
Si Hannah ay isang Content Creator at Singer. Sa kanayng video ng 25 facts about Hannah Pangilinan ay sinabi niyang mahilig siyang manood ng netflex, mag starbox at kumain ng chocolate.
Sinabi rin niyangg mahilig rin siyang kumain ng indian
mango na may toyo at asukal.
Ang kanyag YouTube Channel ay umaabot na sa kalahating
milyong subscribers at higit sa 200 thousand ang kanyang follower sa twitter at
360 thousand naman sa kanyang Instagram.
Si Hannah ay 21 taong gulang na at aktibo siya sa kayang
YouTube Channel at sa kanyang Spotify.
3. Ella Pangilinan
Si Ella ay isang fashion,beauty at lifestyle blogger. Nakilala siya sa Instagram na may higit sa 151k followers at isa siya sa mga kinilalang Instagram Star. Lumaki siya kasakasama ang kanyang mga magulang sa media industry kung saan madalas din ang kanyang public exposure. Sinasabing si Enrique Miranda ang kanyang boyfriend.
4. Benjamin Pangilinan
Si Benjaminang isa pa sa mga anak na lalaki ni Maricel.
Kilala rin siyang publiko dahil na rinse kasikatan ng kanyang mga magulang at
kapatid na si Dony. Si Benjamine ay may aabot sa 100,000 folowers sa kanyang
Instagram account. Musika at adventure ang karamihang makikita mo sa kanyang
mga Instagram posts.
5. Solana Emmanuelle Pangilinan
Si Solana naman ay ipinaganak noong July 4, 2011. Siya ay
nasa 10 taong gulang na sa kasalukuyan. Ang kanyang pagsilang a isang malaking
surpresa sa kanilang pamilya dahil sa mayroong siyang 9 na taong pagitan mula
sa kanyang kuyang si Benjamin bago siya ipinanganak. Madalas si yang hangaan ng
publiko dahil sa mga post ng kanyang inang si Maricel sa Instagram account
nito.
Magsubscribe sa channel na ito para sa mga ganitong videong
kahihiligan ninyong panoorin. Salamat sa inyong panonood mga kasama.
No comments:
Post a Comment