Si Bong-Bong Marcos ang isa sa pinaka kontrobersyal na
kandidato sa pagkapangulo sa kasalukuyan. Hindi lamang siya ang kasalukuyang
nangunguna sa mga survey na umaabot sa higit sa kalahati ng mga participants
ang bumubuto sa kanya bilang susunod na pangulo ng ating bansa kundi samo’t
sari rin ang mga isyung ipinupukol sa kanya upang siya ay tanggalin sa halalan
sa susunod na taon.
Ilan sa mga isyung ibinabato sa kanya ay ang di pagbabayad
ng buwis, pagiging impostor at pagiging nuisance candidate. Naging isyu rin sa
kanya ang pagiging anak ng sinasabing diktador at magnanakaw at ang hindi niya
paghingi ng sorry sa sambayanang Pilipino dahil sa ginawang ito ng kanyang ama.
Sa halip ay proud na proud pa ang dating senador sa mga proyektong nagawa ng
kanyang ama sa panahon ng martial law. Ilan sa mga artikulong aming nabasa ay
nagsasabi na kung di dahil sa martial law na ideneklara ng dating pangulong
Ferdinand Marcos ay naging alipin na umano ng mga komunista ang bansang
Pilipinas.
Marami ang samo’t-saring isyu at sabi sabi ang mga
ibinabato kay Bongbong Marcos ngunit hindi naman kakikitaan ng pagkatinag ang
dating senador sa halip ay lumalakas pa lalo ang pwersa at simpatiya ng mga tao
na hindi malaman kung saan nanggagaling. Kaya’t marami ang nagtatanong. Sino
nga ba si Bong Bong Marcos?
Sa videong ito ay samahan niyo kaming isa-isahin ang
sampung bagay tungkol sa kanya na maaring hindi mo pa alam.
1. BOBONG MARCOS AKA BONGGETS/BONGETS
Maarig para sayo ay Bong Bong na ang palayaw ng dating
senador Ferdinand Marcos Jr. Subalit para sa mga malalapit nitong pamilya at
kaibigan ay tinatawag siyang Bonggets.
2. ISA SIYANG CHILD ACTOR
Marahil ay di ka rin naniniwala siguro na si Bong Bong ay
isa ring child actor. Noong tumakbo ang kanyang ama sa pagkapangulo ng bansa ay
naglabas ang Sampaguita pictures ng isang biographical movie na may titulong
Iginuhit ng Tadhana. Ang aktor na si Luis Gonzales ang gumanap bilang si Dating
Pangulong Marcos at si Gloria Romero naman ang gumanap bilang si Imelda Marcos.
Si Bongbong naman ay bilang siya rin.isa sa mga linya ng
kanyang sinabi sa pelikula ay “Dear friends, ladies and gentlemen, I am
Bongbong Marcos.When I grow , I want to be a politician. I will serve my
country, especially the poor. And I will give them plenty of bigas and ulam.
Ill give them many, many gamot at damit. And for the children, I’llgive them
many toys so they will not cry anymore.”
3. BONG BONG IS A CLONE
Isang Urban legend ang palaging lumulutang sa panahon ng
halalan. Ito ay ang aligasyon na si Bongbong Marcos ay isang clone lamang.
Sinasabi ng mga tumutuligsa sa kanilang pamilya na matagal na umanong patay si
Bongbong Marcos mula pa noong 1980s at ang nabbuhay na Bongbong Marcos ngayon ay isa lang umanong kapamilya
nila na sumailalim sa plastic surgery.
4. MAGKAPATID SILA NI GRACE POE
May lumabas ding isyu na magkapatid sina Bong Bong at Grace
Poe. Ito ay dahil sa si dating pangulong Marcos umano ang ama ni grace poe na
nagkaroon di umano ng relasyon at dating pangulo sa aktres na si Rosemarie Sonora.
Subalit pinasubalian naman ito ng magkabilang kampo at sinabing hindi ito totoo.
At masasabi ko rin na ito ay pawang bunga ng mga bibig ni Marites lamang.
5. HINIMOK SIYA NG KANYANG AMA SA POLITIKA at PANGARAP NG
KANYANG INA NA SIYA AY MAGING PRESIDENTE
Sa ilan sa mga interview kay dating senador Bong bong
Marcos ay sinabi nitong ang kanyag ama ang may higit na impluwensya sa kanya a
pagtahak sa serbisyo publiko at sa politika.
Pangarap naman di umano ng ina nitong si Imelda Marcos na
ang kanyang anak na si Bongbong ay maihalal sa pinakamataas na posisyon sa
ating bansa at marahil ay ito na nga ang tamang panahon para sa pangarap niyang
iyon.
6. NIKITA NIYA SI NINOY AT ANG KANYANG AMA NA
MAGKASAMANG NAG-UUSAP SA MALAKANYANG
Sa isang interview sa kanya ni Kris Aquino ay sinabi ni
Bong Bong na nakita di umano niya ang kanyang ama at ang ama ng aktress na si
Kris Aquiono na masayang nag-uusap. Narinig pa umano niya na ang tawagan ng
dalawa ay brad.
7. FIRST PHILIPPINE ROCKET NAMED AFTER BONGBONG
Lumabas ang balita noong 1975 ang pagkakaroon ng kaunaunahang
rocket ang bansang Pilipinas. Ito ay nasaksihan mismo ng dating pangulong
marcoskung saan ay matagumpay ang kauna-unahang pagpapaputok ng apat na
bongbong rockets.
Sinabi noon ng dating pangulo na hindi lang dapat nakasalig
sa ibang bansa ang depensa ng Pilipinas kundi kinakailangan rin nitong maging
handa sa panahon na ang America ay hindi handang tumulong sa ating bansa.
8. TICKET TO THE MOON
Sa isang interview kay Bongbong Maros ay sinabi nitong
nakatanggap umano siya ng isang teicket papuntang buwan kung magkaroon ng
commercial flight papuntang buwan sa darating na panahon. Ito anya ay bigay sa
kanya ng dating US President Richard Nixon.
9. BAHAGI SIYA NG ISANG BANDA
Naging interesado din umano siya sa musika kaya;t noong
nag-aaral siya sa England ay naging bahagi umano siya sa isang banda. Ngunit
hindi rin umano nagtagalang bandang iyon dahil sa ang mga myembro nito ay pawang
mga estudyante kaya’t kinakailangan pa nilang bumalik muna sa pag-aaral.
10. MAHILIG SIYA SA PAGBABASA, PAGLULUTO AT PANONOOD NG
PELIKULA
Marahil ay ito ang ilan sa mga namanang gusto ni Bongbong
Marcos sa kanyang mga magulang. Ang hilig sa pagbabasa ay maaring namana niya
sa kanyang ama at sa pagluluto naman ay sa kanyang ina.