KILALANIN ANG MGA ANAK NI POPS FERNANDEZ

Si Maria Pops Lukban Fernandez ay isinilang noong December 12, 1966 sa Lucban, Quezon sa dating action start na si Eddie Fernandez at Dulce Lukban.

Bata pa lamang si Pop Fernandez ay hinasa na niya ang kanyang galing sa pagkanta, kayat’s sa edad na 16 ay sinimulan na niya ang kanyang music career nang pumirma siya ng kontrata sa OctoArts Records noong 1981. 

Isang taon ang lumipas ay inilabas ang pinakaunang album ni Pop Fernandez at nagsimula na rin siyang lumabas sa telebisyon sa serye ng palabas na The Penthouse Live kasama ang aktor na si Martin Nievera.

Mula noon ay sunod-sunod na ang mga paglabas ni Pops Fernandez sa telebisyon gaya ng mga pogramang ASAP at sa mga palabas na Nagmamahal Pa Rin sa Iyo, Linlang, at Gusto Ko Nang Lumigaya.

Naging in demand artist si Pops sa ibang bansa mula 2012 kasama ang dating asawang si Martin Nievera at ang komedyaneng si Ai-Ai delas Alas.

Dalawa ang naging anak ni Pops Fernandez sa dating asawang si Martin Nievera. Narito’t kilalanin natin sila.


1. Robin Nievera

Si Robin Nievera ay isinilangnoong November 30, 1986. Siya ang panganay na anak ni Pops Fernandez. Isa siyang Singer, Sonwriter at Record producer. Dating siyng VJ ng music channel na Myx at radio DJ sa Wish 107.5

Nag-aral siya ng music production sa De La Salle College of  Saint Benilde at naging isa ring vocalist at guitarist ng isang indie rock band.


2.  Ram Nievera

Si Ram ang bunsong anak ni Pops Fernandez at Martin Nievera. Noong Mayo ay naisugod sa hospital si Ram dahil sa kayang di inaasahang sakit. Nagpasalamant naman si Pops Fernandez sa mga nanalangin upang mabilis na gumaling ang kanyang anak.

Mahilig gumawa si Ram ng mga Artworks na ipinopost niya sa kanyang Instagram at twitter accounts.

KILALANIN ANG MGA ANAK NI MELANIE MARQUEZ


Si Mimilanie Laurel Marquez sa toong buhay o mas kilala bilang Melanie Marquez, ay isinilang noong Hulyo 16, 1964 sa Mabalacat, Pampanga.Siya ay kapatid ng sikat na komedyating si Joey Marquez.  Si Melanie ay nanalo noong 1979 sa Miss International Beauty Pageant na ginanap sa Japan sa edad na 15.

Si Melanie ay isa sa apat na Filipina na nakoronahan bilang Miss International. Ang iba pang tatlo ay sina Gemma Guerrero Cruz Araneta, na nagwagi ng titulo sa Long Beach, California noong 1964.

Unang sumikat si Melanie sa pelikula niyang Agatona.

Sinasabing anim ang naging anak ni Melanie Marquez sa iba’t-ibang mga lalaki. Narito’s kilalanin natin ang ilan sa kanila.

 

1. Manuelito Lapid

Si Manuelito ang panganay na anak ni Melanie. Naging anak ni Supermodel Melanie Marquez si Mel Kay Senator Lito Lapid.  Si Manuelito ay kasalukuyang naninirahan sa Las Vegas. Sa isang panayam sa kanya, wala naman anyan siyang sama ng loob sa kanya ama na si Lito Lapid.

 

2. Michelle Dee

Si Michelle Dee ay isa ring aktres, athlete, model, TV Presenter, at gaya ng kanyang ina ay isa rin siyang pageant titleholder na nakoronahan bilang Miss World Philippines 2019.  Nagtapos si Michelle ng degree sa Psychology sa De La Salle University. Si Michelle ay anak ni Melanie sa isang businessman na si Frederick “Derek”  Dee.

 

3. Maxine Dee- Bumgardner

Si Maxine ay anak parin ni Melanie sa dating asawang si Derek Dee. Nagtatrabaho si Maxine bilang Strategic Customer Manager sa Insturcture sa Utah.

 

 Nagtapos si Maxine ng kanyang Masters Degree sa kursong Eductional Psychology sa University of Utah na kung saan siya at ang kanyang pamilya ay doon na naninirahan.

 

May Ibang pang anak si Melanie sa kasalukuyan nitong asawaang si Adam Lawyer.

 

 

 


KILALANIN ANG MGA ANAK NI GLORIA DIAZ

Si Gloria María Aspillera Díaz-Daza o mas kilala bilang si Gloria Diaz ay ang kauna-unahang babaeng Pilipina na naguwi ng korona ng Miss Universe noong 1969 na ginanap sa Miami Beach Auditorium sa Miami Beach, Florida sa Estados Unidos noong Ika-19 ng Hulyo taong 1969. Siya rin ay isang sikat at matagumpay at batikang aktres sa Pilipinas.

 

Mula sa kanyang pagkapanalo, ay limang taon muna ang kanyang pinalipas bago niya naisipang pumasok sa mundo ng pag-aartista. Sa una niyang pelikula, ginampanan niya ang karakter ni Isabel sa pelikulang Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa noong 1975. 

Ito ang kanyang pinakaunang pelikulang ginawa kasama sina Vic Vargas na kanyang katambal at si Elizabeth Oropesa bilang kontrabida.

 

Taong 1996 naman ang unang labas niya sa mga palabas pantelebisyon sa drama serye ng Anna Karenina at naging mas lalong papolar nang lumabas siya sa sitcom ng Kool Ka Lang ng Kapuso Network noong 1998.

Dalawa ang naging anak ni Gloria Diaz kay Bong Daza. Ngunit ang kanilang pagsasama ay hindi nagtagal. Nagmahal muli si Glora sa long time partner niyang ngayong si Mike de Jesus na isang banker.

 

Narito’s kilalanin natin ang mga anak ni Glorai Diaz.

1. Isabelle Daza

Si Isabelle ay isinilang noong March 6, 1988. Siya ay isang kilalang aktress sa bansa. Isang Television Host at Model. Dati siyang naging myembro ng GMA talents na ipinakilala sa noontime show noon na Party Pilipinas noong 2011.

2014 ay lumipat si Isabelle sa ABS CBN at nakilala lalo nang gampanan niya ang isang papel sa drama serye na Tubig at Langis.

Ikinasal si Isabelle sa isang French Businessman na si Adrien noong 2016 sa Italya.

2018 naman nang isilang ni Isabelle ang kanilang panganay na si Gabriel at nito lamang Abril ay isinilang naman si Valentin.

 

2. Ava Daza

Ang isa pang anak ni Gloria Diaz na si Ava Diaz ay nagtataglay din ng kagandahang namana niya sa kaniyang ina. Noong nakaraang taon ay nagpakasal na rin si Ava sa kanyang fiancé na si Luch Zabirato sa isang civil wedding.

May isa pang adopted son si Gloria Diaz na si Raphael Daza.

 


KILALANIN ANG MGA ANAK NI SYLVIA SANCHEZ

Noong July 2014, labis na ikinasama ng loob ni Dennis Padilla ang plano ng kanyang anak na si Julia Barretto na huwag nang gamitin ang totoong apelyido niya na Baldivia.

Masyadong dinamdam ni Dennis ang isyu at ito ang kanyang madalas na isumbat kay Julia.

Sa heart-to-heart talk ng mag-ama para sa official YouTube vlog ni Julia noong May 2021, muling nagsalita si Dennis tungkol sa sakit ng kalooban na nararamdaman niya sa desisyon noon ng kanyang anak.

“It’s not the pangalan itself. That’s my blood, kaya masakit iyon.

"Kasi kumbaga, parang... ito ba ang gusto niyo? Barretto na nga ang dala mo sa screen, bakit tatanggalin niyo pa ang apelyido ko? Masakit sa akin iyon,” hinaing ni Dennis.

Ipinaliwanag ni Julia sa kanyang ama na iwinawasto lamang niya ang mga pagkakamali dahil null and void ang kasal ng kanyang mga magulang.

Pinakasalan ni Dennis si Marjorie Barretto noong November 14, 1997, walong buwan matapos isilang si Julia noong March 10, 1997.

KILALANIN ANG MGA ANAK NI ALMA MORENO SA IBA'T IBANG MGA LALAKI


Isa si Alma Moreno sa mga batikang aktres na hinangaan natin mula noong ito bata pa hanggang sa kasalukuyan. Ang kanyang tunay na pangalan ay si Vanessa Lacsamana. Ang kanyang unang labas sa pelikula ay noong 1975 sa pelkulang Ligaw na Bulaklak. Pagkatapos ay sinundan ng pelikulang Eva Fonda, 16.

Sinasabing si Artemio Marquez ang nakadiskubre sa kanyang talent at si Jessie Ejercito naman ang talagang nagbigay sa kanya ng malaking break sa showbiz industry. Nagsunod sunod ang kanyang mga pelikulang ginawa gaya ng Paraisong Parisukat, Nymphia, Abandonadam at City After Dark.

Dahil sa taglay na papularidad at ganda ay maraming mga kalalakihan na kapwa niya mga celebrity ang nagpahayag ng pag-ibig sa kanya. Sa videong ito ay isa-isahin natin ang mga naging anak ni Alma Moreno sa iba’t-ibang mga lalaking kanyang minahal.

 1. Mark Anthony Fernandez

Sa pelikulang Bitayin si Baby Ama noong 1976 nagkatambal sina Alma Moreno at ang aktor na si Rudy Fernandez. Dito nag umpisa ang kanilang relasyon na tumagal naman hanggang 1980 o sa loob lamang ng apat na taon. Taong 1979 noong nang mabiyayaan ang mag-asawa ng isang anak na lalaki sa katauhan ni Mark Anthony Fernandez.

 2. Vandolph Quezon

Matapos na magkahiwalay sina Alma Moreno at Rudy Fernandez ay nagmahal muli si Alma ng isa pang aktor sa katauhan naman ni Comedy King Dolphy. Si Vandolf ay kilalang aktor, komediante at ngayon ay isang politician.  Si Vandolf ay myembro ng Paranaque City Council sa unang distrito.

 3. Charles Yeoj Marquez

Hindi rin nagtagal ang pagsasama nina Dolphy at  Alma. Muling naghanap si Alma ng lalaking tunay na magmamahal sa kanya. Sa pagkakataong ito’y dumating naman sa kanyang buhay si Joey Marquez. Si Joey ay isa ring sikat na aktor, comediante, dating mayor ng Paranaque at dati ring professiona Basketball Player ng PBA. 1992 hanggang 2004 ang pagsasama nina Alma Moreno at Tsong Joey. Kaya’t dumami rin ang kanilang mga naging anak. Si Charles ang naging Ikatlo anak sa ikatlong lalaking naging karelasyon  na si Alma Moreno.

 4. Teresita Seen Marquez

Si Winwyn Marquez ay isang artista sa Pilipinas na lumalabas sa mga palabas ng GMA Network mula noong 2010 hanggang 2017. 

5. Vittorio Joey Marquez

Ikatlong anak naman si Vittorio nina Joey at alma Moreno. Naging bahagi rin si Vitto ng sikat na Filipino dance Crew na Hashtag noong 2017 sa TV Show na It’s Showtime.

Naging popular sya sa Twitter at Instagram na kung saan nagkaroon sya ng mahigit sa 270,00 followers.

6. Maria Maal Venesa Marquez

Si Maria Maal Venesa ang bunsong anak nina Joey at Alma Moreno. Kilala si Maria Maall bilang si Em-Em Marquez.


TOP 30 NAKAKALULANG ARI-ARIAN NI SEN MANNY PACQUIAO



Kung larangan ng boxing ang pag-uusapanm walang Pilipinong hindi nakakakilala sa Pambasang Kamao na si Manny Pacquiao. Halos ay tumitigil ang ikot ng bansa kapag si Manny ay nasa laban.

At dahil sa kanyang galing sa boxing ay napatunayan niyang may laban ang mga pinoy sa malalaki at matataas na lahi ng iba’t-ibang bansa. Anupa’t nagsisunuran na rin ang iba pang mga sikat na Filipino Boxers kagaya nina Nonito Donaire, Johnriel Casimero, Jerwin Ancajas, Donnie Nietes, at marami pang iba.

Mabilis na nakilala si Manny at halos ay naging bukang bibig ng mga kwento patungkol sa boxing. Kaya’t nang ninais nitong maging senador noong 2015 ay nanalo ito sa halalan 2016.

Dahil sa tagumpay na tinamasa ni Manny ay marahil nasa isip mo na rin kung gaano na nga siya kayaman? Ano-ano kaya ang kanyang mga pagmamay-ari? Totoo bang isa siya sa nangungunang pinakamayaman sa ating bansa?

Sa videong ito ay alamin natina ng mga pag-aari ni Senador Manny Pacquiao.

 

1. 1.5 Billion Forbes Park Mansion

Noong Agosto ng nakaraang taon ay napabalitang nasa listahan ng presello . com and napaka Luxurious resot like mansion nina Manny at Jinkee Pacquiao. Isa ang mansion na ito sa mga investment ni Manny sa kanyang mga kinita sa pagboboxing.

Ayon sa ula tng Philippine Daily Inquirer, nagdeklara si Manny ng kanyang SALN noong 2016 ng higit sa 3 Billion pesos. Na kung saan ay itinuring siya noong bilang pangalawang pinaka mayaman sa Pilipinas sunod kay Cynthia Villar.

Maliban sa 1.5 Billion Forbes Park Mansion na ito ay nagdeklara pa si Manny ng higit sa isang-daang real estate properties na nagkakahalag sa higit sa 1,5 Billion pesos na halos ay 46 na porsyento ng kanyang yaman sa taong iyon.

 

Ang lupang kinatatayuan ng  Forbes Park Mansion ay may sukat na 2,000 square meters.

Makikita ang napaggarang Front Door at Living Area. Mayroon ding sariling opisina si Manny, ang kanilang napaka garbing Dining at Kitchen, Ang stair at Hallway naman ay may mga artworks, mementos at mga larawan ni Manny. Isa sa kapansin pansin rin an mga gawa ng mga National Artists na sina Arturo Luz at Benedicto Reyes Cabrera o Bencab na kung saan ito ay nagkakahalag ng milyon-milyon.

 

Ang mansion ay may sarili ring Home Theater, at Anteroom. Sa labas namay ay ang napaka gandang pool at garden.

 

2. Beverly Hill Mansion

Nagmamay-ari si Pacquiao ng isang Masion sa Beverly Hills. Ang nasabing mansion ay mansion ay mayroong pitong bedroom. May napakaganda itong backyard views na kung saan makikita ang ganda ng Beverly Hills. Nabili ni Manny ang Mansion nang mag-ensayo siya para sa kanyang laban noon kay Floyd Mayweather Jr. Nabili ito ni Manny sa halagang $12.5 million o aabot sa 600 million pesos.

 

3. Los Angles Two-Storey Home

Nagmamay-ari rin si Manny ng two storey home sa Los Angeles, California. Ang bahay ay may Spanish Type Architectural design. Ang ang loog ay may nakamamanghang mga monochromatic furniture.

4. General Santos White House

May sariling literal na white house si Manny na matatagpuan sa kanyang sariling probinsya sa General Santos sa Pilipinas. Ang nasabing white house ay pinaliligiran ng mga mamahaling sasakyan, isang covered court, swimming pool, mayroon ding play area at marami pang iba.

5. First Mansion in GenSan

Ang First Mansion na ito sa Gensan ang unang mansion na ipinagawa ni Manny bago ang White House. Ibinahagi ni Jinkee sa kanyang social media account ang unang mansion nil ani Manny na matatagpuan sa Lagao Village sa Gensan.

6. Sarangani Beach House

Nagmamay-ari si Manny ng isang Beach House sa Sarangani. Ito ay matatagpuan sa isang protected Matrin Sanctuary area kaya’t limitado ang mga sasakyang nakakapsok dito. Mayroong labing apat na mga bedrooms ang kanyang beach house na matatagpua sa seaside ng Tuka Beach sa Sarangani Province.

7. Boracy Mansion

Maliban sa Beach House sa Sarangani ay maytoon pang isang lavish mansion si Manny sa Boracay. Pinangalanan niya itong Boracay West Cove.

8. Luxurious Mansion in Dasmarinas Village, Makati City

May isa pang mansion si Manny na matatagpuan naman sa Dasmarinas Village sa Makati City. Ito ay malapit lang sa kanilang mansion sa Forbes Park. Nabili ito ni Manny noong 2018.

 

9. Laguna House and Lot

Bumili rin ang mag-asawa ng house and lot sa Laguna dahil doon nag-aral ang kanilang dalawang anak na lalaki sa isang international school.

10. Under construction House of Unknown Location

Mayroon pang isang masion na ibinahagi ang mag-asawa na kanilang ipinapagawa na hindi pa nila sinasabi ang kinatatayuan nito.

11.  Roadhaus Manny Pacquiao Hotel

Maliban sa mga masion ay nagtayo rin si Manny ng isa Hotel sa General Santos City.

12. Jinkee’s Fashion World

Maging ang asawa ni Manny na si Jinkee ay nagtayo rin ng kanyang sariling boutique na siya mismo ang nagmamanage.

13. Pacman Sports Bar

Malamang ay nagawi ka na siguro sa  Pacman Sport Bar na isa pa sa mga negosyo ni Manny. Ito ay matatagpuan sa General Santos City.

Kung pag-uusapan namang ang mga sasakyan ni Manny ay malulula ka rin sa dami at halaga ng mga ito.Narito’t isa-isahin pa natin.

14. Lincoln Navigator

Isa ito sa mga paboritong gamitin ni Manny kung pumupunta siya sa gym.

15. Ferrari 458 Italia” Gray Edition

Kung pang porma naman ang usapan, mayroon din niyan ang pambansang kamao. Ito rin ang kadalasang binibili ng mga sikat na athletes at celebrities gayani Justine Bieber.

16. Mitsubishi Grandis

Namataan din si Manny na nagpapa gas dala ang sasakyang ito.

17. Mercedes SL550

Isa pa sa mga paborito ni Manny na gamitin ang ang kanyang Mercedes Benz kung piumupunta siya sa gym.

18. Chevrolet Suburban

Nagmamay-ari pa si Manny ng Chevrolet Suburban. Ito ay isa sa mga best selling cars mula nang ito ay naiproduce noong 1935.

19. Mistsubishi Pajero

Ito ang isa sa mga unang sasakyan na nabili ni Manny noong nagsisimula pa lang siya sa kanyang karera sa boxing.

20. Hyundai Santa Fe

Idinagdag pa sa collection ni Manny ang Hyundai Santa Fe. Isang Korean-made Vehicle at pinakaunang SUV ng Hyundai.

 21. Porche Cayenne Turbo S.

Binili ito ni Manny sa US matapos siyang magwagi sa laban niya kay Erik Morales.

22. Cadillac Escalade

Isang full size luxury SUV ang Cadillac Escallade.

23. Hummer H2

Bumili rin si Manny ng isang bullerproof vehicle Hummer H2 mula sa international Armouring Philippines. Ito ay hindi lamang para maproteksiyonan siya kundi pati na ang kanyang pamilya sa sinumang nais puminsala sa kanila.

24. Ford Expedition

Isa rin sa mg durable at long lasting na sasakyan na nabili ni Manny ay ang Ford Expedition. Lumabas ito sa mercado noong 1997.

25. Honda CR-V

Lubhang nakakalula na sa dami ang mga nabiling sasakyan ni Manny. Ngunit idinagdag pa niya sa collection ang Honda CR-V.

26. M2 Cyclone 1200cc Motorcycle

Ito ay nagkakahalaga nang 2.5 Million pesos na namanufactured ni Harley Davidson’s Sister Company, Buell. Ito ay may desenyo ng larawan ni Manny Pacquiao matapos ang laban niya kina Oscar De La Hoya at Briton Ricky Hatton.

 

27. 5 Seater Chopper

Nagmamay-ari rin si Manny ng isang 5 seater chopper.

 

28. Airplane

Napabalita noong 2015 na bumili si Manny ng isang Malaysian Aircraft.

29. Mega Yacht

Nagmamay-ari rin si Manny ng isang malaking yate. Nagkakahalag umano ang nasabing yate ng 25 Million pesos.

30. Pacman Farm

Nagmamay-ari pa si Manny ng isang Farm na tinawag niyang Pacman’s Farm.

Ilan lamang ito sa mga pagmamay-ari ni Manny mula sa higit sa isang daang mga properties na kanyang nabili.

Matatandaan rin na noong 2016 ay nagpagawa si Manny ng isanlibong mga bahay at ibinigay sa mga mahihirap na pamilya sa kanilang lugar.

Tunay na hindi biro ang kayamanang mayroon si Manny sa ngayon. Kaya’t  ang kabutihan na nakamit ni Manny sa kanyang buhay ay ibinabalik rin niya sa kanyang kapwa sa pamamagitan ng mga tulong na kanyang ibinibigay.

 


ALAMIN ANG MGA ARI ARIAN NI DANIEL PADILLA


Isa si Daniel Padilla sa mga hinahangaan ng marami sa ngayon. Si Daniel John Ford Padilla ay isinilang noong April 26, 1995. Siya ay nasa 26 na tong gulang na sa kasalukuyan.

Siya ay anak nina Rommel Padilla at Carla Estrada o Carla Ford sa tunay na buhay.

Hindi kaila sa marami na si Daniel ay masasabing isa sa mga talagang sumikat at nagtagumpay sa mundo ng showbiz industry. Hindi na rin mabilang ang kanyang mga magkabi-kabilang mga proyekto sa palabas at maging sa mga commercial.

Anupa’t sa mura nitong gulang ay marami na siyang nabiling mga ari-arian at naipon para sa kanya at kanyang pamilya.

Sa videong ito ay alamin natin ang mga ari-arian ni Daniel Padilla.

 

1. Mansion Sa Quezon City

Isa si Daniel Padilla sa mga batang celebrities na sa mura niyang gulang sa edad na 20 ay nakabili na ng kanyang dream house. Ito ang tahanang matatawag ni Daniel at ng kanyang inang si Carla na totoong kanila.

Bago ito nabili ni Daniel ay nangungupahan lamang ang mag-ina sa nakalipas na 25 taon.

 

Ang lupa sa bahay na ito ay may sukat na 1000 sq.m. na matatagpuan sa isang exclusive subdivision sa Fairview sa Quezon City. Dito ay naninirahan si Daniel kasama ang kanyang iba pang kapatid na sina JC, Magui at Lelay.

 

Ang bahay ay hango sa modern Mediterranean style na edenisenyo ni Architect Marie Louie Torres-de Leon. Ayon sa kanya, ito ang gusto ni Daniel at ng kanyang pamilya.

 

Ang harap ng bahay ay may modernong desenyo ng mga decorative stones, malalaking bintana at double patio glass main door.  Mayroon din itong Lanai malapit sa harapan ng pinto ng kanilang bahay.

 

Pagpasok mo sa first floor ng kanilang bahay ay makikita mo na aga ang napakagawang living area, business meeting spot, open kitchen at ang dinning area,

 

Sa second floor naman ng bahay ay mayroon ding living are, isang mini dining area, isang entertainment room, at ang mga Bedroom nina Carla at Daniel.

 2. 2013 Black Dodge Challenger

Nagmamay-ari rin si Daniel ng isang 2013 Black Dodge Challenger. Isa ito sa mga high end sports car kagaya ng Volkswagen Beetle o ng Mercedes Benz. Sa ngayon ay napabalitang ibinibenta ito ni Daniel sa halagang 3,2 Million pesos.

 3. Polaris 4X4 ATV

Maliban sa kanyang Doge Challenger ay mayroon pang isang Polaris 4x4 all-terrain vehicle o ATV na ginagamit ni Daiel sa mga off-road trails gaya ng pagpunta niya sa Subic.

 4. Ford Mustang GT50

May roon pang isang Vintage Sports Car si Daniel Padilla. Ito ang kanyang sasakyang nabangga ng isang tricycle driver nakaraang taon. Nangyari ang ito sa Fairview sa Quezon City.

Dito ay hinagaan ang aktor sa kanyang kabaitan dahil bagaman ang kanyang sasakyan ang nabangga ay hindi ito nagalit sa nakabangga sa kanya bagkos ay ito pa ang nagbigay tulong pinansyal sa tricycle Driver para sa pagpapaayos ng kanyang tricycle.

5. 2016 Red Corvette Stingray

Sa edad na 20 ay nabili ni Daniel ang sasakayang ito. Ito ay bunga na rin ng kanyang pagsisikap na matupad ang kanyang mga pangarap sa buhay. Ang 2016 Red Corvette Stingray ay nagkakahalaga ng 9 million pesos noong 2016.

Tunay na mahilig si Daniel Padilla sa mga sasakyan dahil sa kanyang mga collection sa mga ito. Bagaman nasa rurok ng tagumpay ang aktor ay nanatili naman itong mapagpakumbaba.


BASAHIN PA ANG IBA PANG MGA POSTS NA ITO

PITONG MGA BABAENG MINAHAL NI ERAP ESTRADA

KILALANIN ANG MGA BABAENG NAKARELASYON NI ERAP ESTRADA   Isa ang dating pangulong Joseph Estrada sa pinakatanyag sa ating bansa dahil sa...