KILALANIN
ANG MGA ANAK NI RICKY DAVAO
Si Ricardo Caballes Davao o sa mas simpleng
tawag na Ricky Davao ay isang Filipino Actor, television director, at industrial engineer. Si Jackie Lou Blanco ang
babaeng bumihag sa kanyang puso.
Ilan sa mga pelikulang nagawa niya ay Bulaklak
sa City Jail, Huwag Mong Buhayin ang Bangkay, at Natutulog pa ang Diyos.
Gumanap rin siya ng mga Teleserye gaya ng
Paano ang Pangako, Daddy’s Gurl, Bilangin ang Bituin sa Langit, at marami pang
iba.
Bilang isang TV Direktor ay gumawa siya ng mga
pelikula. Ilan sa mga ito ay “Dahil sa Pag-ibig” noong 2019, “Legally Blind”
noong 2017, at “Sinungaling Mong Puso” noong 2016
Si Jacqueline Lourder Blanco- Davao na kanyang
asawa na isa ring actress at aerobic instructor. Lumabas si Jacqueline sa mga
palabas gaya ng Hihintayin Kita sa Langit, (1991), Si Aida, Si Lorna, o Si Fe,
(1989) Misis mo, Misis ko, (1988) at Palabra de honor (1983).
Tatlo ang naging anak nina Ricky at
Jacqueline. Narito’t kilalanina natin sila.
1. Kenneth Davao
Si Kenneth ang panganay na anak nina Jackie
Lou at Ricky Davao. Matatandaan na hindi magkasundo sina Kenneth at ang ama
nitong si Ricky kaya’t maging sa kasal ni Kenneth ay hindi niya ito
ipinagpaalam sa ama.
Nagulat nalang umano si Ricky Davao nang
malaman sa isang kaibigan ikakasal na ang kanyang anak.
Nakita ng mga netizens sa mga larawang lumabas
online na hindi ditto kasama si Ricky.
Ilan sa
mga Netizens ang nagsabi na maaring ito anya ang perfpektong pagkakataon para
magkasundo na ang mag-ama kung pinili ni Jacquline ang anak na si Kenneth na
imbitahan ang ama sa kanyang mahalagang araw.
2. Rikki Mae Davao
Rikki Mae ang ikalawang anak nina Jackie Lou
at Ricky Davao. Si Ricky ay umamin sa kanyang pagiging lesbian noong 2016.
Ngunit hindi ito naging issue para sa veteran actor at director na si Ricky
Davao.
Bilang mapagmahal na ama, hindi raw hinusgahan
ni Ricky ang kanyang anak kundi mas pinaramdam pa nito ang kanyang pagmamahal
at suporta.
Pahayag ni Ricky, nang umamin anya sa kanya
ang anak ay nagulat siya ngunit hindi naman nagalit. Nagulat siya dahil sa
gusto pa naman anya niyang magkaroon ng apo kay Rikki Mae. Pero dahil sa
nirerespeto niya ang gusto ng anak kaya’sinusuportahan nalang niya ito bilang
kanyang magulang.
3. Arabella Davao
Marahil ay isa ka sa mga humanga sa taglay
niya ganda. Siya nag bunso sa tatlong magkakapatid. Makikita sa kanyang hitsura
ang isang tunay na celebrity na totoong namana niya sa kanyang mga magulang.
Kamakailan lamang ay pinag-usapan si Ara sa
iba’t-ibang social media dahil sa pagkakahawig umano nito sa anak ng Mega Star
na si KC Concepcion.
Noon Octobre 2019 ay lumabas din si Ara na
ipinakilala ni Ryan Bang bilang kanyang
Girlfriend sa It’s Showtime. Ipinakilala ni Ryan Bang si Ara kay Direk Bobet
bilang kanyang girlfriend. Sinabi naman ng direktor ay nakakikitaan anya niya
ito ng pagkakahawig kina Jackie Lou Blaco at Ricky Davao. Sa huli ay inamin
naman ni Ryan na magkaibigan lamang sila.
Ibinahagi naman ni Ara na hindi muna niya
pagsasabayin ang pagtatrabaho at pag-aaral. Si Ara ay nag-aaral sa Atene de
Manila at nag eenjoy pa umano siyang
mag-aral kasama ang kanyang mga kaibigan.
Nagkahiwalay na sina Jackie Lou at Ricky Davao
matapos ang 13 pagsasama. Mutual Decesion anya ang nagyari dahil hindi na nila
sa isa’t-isa.
No comments:
Post a Comment