KILALANIN
ANG MGA ANAK NI GABBY CONCEPCION
Si Gabriel Arellano Concepcion ay isa sa mga
kinikilalang batikang artista at isa ring negosyante.
Si Gabby ay ipinanganak sa San Juan kina
Rolando "Rollie" Concepcion at Maria Lourdes Arellano. Nag-aral siya
sa Miriam College at Lincoln University.
Ang kanyang grandfather ay isang sikat na pintor
at arkitekto na si Juan Arellano.
Sinimulan niya ang kanyang karera sa showbiz
industry noong dekada 80. Siya ay unang lumabas bilang isang modelo sa isang
komersyal ng Close-up toothpaste.
Sa edad na 15 ay gumanap siya sa produksyon ng Regal
Films na Katorse mula 1980–1995. Gumawa siya dito ng higit sa 80 pelikula at
nagkaroon ng maraming pang mga pagmomodelo at pag-endorso
Noong 1993, nakipagsapalaran siya sa Estados
Unidos para sa isang negosyo at iniwan ang showbiz industry.
Noong 2008, bumalik siya showbiz industry at
tinanggap ng maraming Pilipino sa kabila ng pagkawala niya maraming taon.
Isa si Gabby sa mga tinitilian ng maraming mga
kababaihan dahil sa angkin nitong kagwapuhan at charisma anupat dumami rin ang
mga babaeng kanyang napaibig.
Narito’t kilalanin natin ang limang anak ni Gabby
Concepcion sa apat na mga babae.
1. Kristina Cassandra Concepcion
Si Maria Kristina Cassandra Cuneta Concepcion ay
ipinanganak noong Abril 7, 1985 kina Gabby at Mega Star Sharon Cuneta.
Isang artista, mang-aawit, TV host, at
negosyante.
Nagkaroon siya ng mga lead role sa pelikulang
For The First Time (2008) at When I Met U (2009), at serye sa telebisyon tulad
ng Lovers in Paris (2009), Huwag Ka Lang Mawawala (2013) at Ikaw Lamang (2014).
Siya rin ang kauna-unahang Pambansang
Ambassador Laban sa Gutom ng World Food Program ng United Nations, at ng World
Wide Fund for Nature Philippines.
2007 aynagtapos ng isang bachelor's degree sa
International Corporate Communities sa American University of Paris.
Maraming mga isyu ang ipinupukol sa aktres
gaya ng pagtawag sa kanya bilang drag queen o lalaking nagbihis babae para sa
isang kasiyahan.
Nito lamang mga nakaraang buwan ay may mga
lumabas na balitang pagiging malayo ng loob ni KC sa Mega Star.
Kasal si Sharon kay Gabby mula 1984 hanggang
1987.
2. Maria Gabrielle Ibuna Concepcion
Si Garie naman ay anak ni Gabby sa dating
partner na si Grace Ibuna. Ipinanganak siya noong December 23, 1988 at 32 taon
na sa kasalukuyan.
Si Garie ay isa ring musician at actress na
gumanap sa mga pelikulang The Lease at sa drama pantasyang La Luna Sangre
bilang isa sa mga Moon Chasers sa katauhan ni Tasha. Isang werewolf na naging kasama
ni Mallia.
3. Cloie Helena Syquia Skarne
Si Cloie naman ay anak naman ni Gabby kay
Jenny Syquia. Si Cloie ay isang beauty queen titleholder. Isinilang siya noong
Agosto 17, 1994 sa Sweden. Isa siyang popular na Swedish-Filipino Model.
Noong nakaraang taon ay lumabas ang balitang
engage na si Cloie sa kay Fredrik.
Lumaban noon si Cloie sa Miss Universe Sweden
taong 2016. Nirepresenta niya ang kanilang bansa sa Miss Earth Pageant sa
Maynila at napabilang sa top 8 finalist.
Kasal si Jenny Syquia mula 1993 hanggang 1996.
Siya ang ikalawang babaeng pinakasalan ni Gabby matapos ang pakikipagrelasyon
nito kay Grace Ibuna.
4. Samantha Alexis Concepcion
Si Samantha ay isa sa mga anak ni Gabby
Concepcion sa pangatlo at kasalukuyan nitong asawa na si Genevieve Yatco
Gonzales. Ipinanganak si Samantha noong 2008 ay siya nasa labing tatlong gulang
na sa kasalukuyan.
5. Savannah Concepcion
Si Savannah ay anak parin ni Gabby kay Genevieve
Yatco Gonzales. Siya ang nagkababatang kapatid ni Samantha. Ipinanganak naman
siya noong 2012. Sa kasalukuyan ay nasa 9 na taong gulang pa lamang si
Savannah.
Ikinasal si Genevieve kay Gabby noong 2004.
Magsubscribe sa aming munting channel para sa
mga videong kagaya nito. E like at E share din po sa inyong mga kaibigan.
Panoorin din ang iba pa naming mga videos sa aming mga playlist. Maraming
Salamat sa inyong panonood mga kasama.
No comments:
Post a Comment