KILALANIN ANG MGA ANAK NI LEO MARTINEZ


KILALANIN ANG MGA ANAK NI LEO MARTINEZ

 

Pagiging Kontrabida ba ang usapan? Idagdag pa natin dyan ang nag-iisang Leo Martinez na maliban sa pagiging komedyante, mahusay na direktor ay napakahusay rin gumanap ng papel bilang kontrabida.

 

Mula sa kanyang mga mapanlinlang na mga mata at boses na talaga namang magpapainit ng dugo mo kung nanonood ka ng kanyang mga ginampanang kontrabidang papel.

 

Si Leo Martinez ay nabuhay noong Marso 7, 1950. Isang tunay na batang o batangeno.  Naging aktibo siya sa mundo ng pelikula mula dekada 70.

 

Una siyang lumasbas sa pelikulang Three Men and a Lola at The Secret of the Sacred Forest noong 1970. Hindin rin matatawaran ang kanyang ginawang pag-arte sa mga pelikulang Heneral Luna, Goyo: Ang Batang Heneral at maging sa mga palabas pantelebisyon gaya ng Daddy’s Gurl, Dragon Lady, at FPJs Ang Probinsyano bilang si Kap Bart.

 

Ngayon ay kabilang siya sa GMA Network’s television drama romantic comedy na Owe My Love na pinagbibidahan nina Lovi Poe at Benjamin Alves.

 

Kasal si Leo Martinez kay Gina Valenciano na kapatid ng sikat na singer performer na si Mr. Energy Gary Valenciano. Nagkaroon rin siya ng relasyon kayCherie Gil sa isa ring aktress.

Mula sa dawalang babaeng minahal ni Leo Martinez ay nagkaroon siya rito ng dalawang anak. Narito’t kilalanin natin sila:

 

1. Jeremiah David “Jay” Gil

Si Jay ang bunga ng pamamahalan nina Leo Martinez at Cherrie Gil. Si Jay ay isang audio engineer na naka base sa New York.

 

Mapapakinggan din ang ilan sa mga kantang ginawa ni Jay sa mga music platforms gaya ng reverbnation at  myspace.

 

Ilan sa mga kanta niya ay ang No Difference, Roof Tops, Indie Band Girls at I Can see It na maaring naging paborito na ng maraming taong mahilig sa musika.

 

2. Lesley Elvira Martinez

 

Si Lesley naman ay anak ni Leo Martinez sa kanyang asawang si Gina Valenciano.  Si Lesley ay isang Dancer, Performer at Host.

Nakasama niya ang grupong Manoevers at dito ay lubos na gumaling siya sa pagsasayaw.

 

Lumabas din si Lesley sa mga  shows kagaya ng Eat Bulaga, Maynila, at Magandang Umaga, Bayan. Lumabas din siya sa mga indie movie na Sabungero kasama sina Joel Torre, Ricky Davao, Nonie Buencamino, Maritoni Fernandez, Leo Martinez, Mark Gil, Edwin Nombre at  Sid Lucero.

 

Ninanais din ni Lesley na gumawa ng sariling pangalan sa mundo ng showbiz na gaya ng kanyang ama.

 

2018 ay nagkaroon ng hosting stint si Lesley sa Viva TVs Game show na Dobol or Samting. Gumanap din siya nag ilang minor role sa Miss Granny. Dito ay nakatrabaho niya ang batikang direktor na si Joyce Bernal at sina Sarah Geronimo, James Reid, Xian Lim, and Nova Villa.

 

Si Leo Martinez ay dating Director General ng Film Academy of the Philippines. Si Vvian Velez ang humalili sa kanyang pwesto nang magretiro ito.

 

Magsubscribe sa maing YouTube Channel para sa mga ganitong video. Bisitahin ang aming mga playlist na inihanda para sa inyo. Salamat sa inyong panonood mga kasama.

 

 


KILALANIN ANG MGA ANAK NI JOHNNY DELGADO


KILALANIN ANG MGA ANAK NI JOHNNY DELGADO

 

Si Juan Marasigan Feleo  na mas kilala bilang Johnny Delgado, ay isang Pilipinong artista sa telebisyon at pelikula, isang komedyante, at manunulat.

Kilala siya sa kanyang pagganap sa telebisyon sa TV gag show na Goin 'Bananas.

Gumanap siya sa mga papel sa mga pelikulang Kakabakaba Ka Ba? at Tanging Yaman.

Nagwagi siya ng FAMAS Award at ng Metro Manila Film Festival Award para sa Best Actor noong 2000. Nanalo rin siya ng Best Supporting Actor noong 2006 at 2007 sa mga pelikulang Ligalig at La Visa Loca.

Ipinanganak siya noong Pebrero 29, 1948 sa Maynila. Siya ay anak ni Ben Feleo na isang direktor ng mga pelikula, at ni Victorina Marasigan, isang tagapagturo.

Ilan sa mga pelikulang kanyang kinabilangan ay Hindi Pa Tapos ang Laban noong 1994 bilang si Congressman, Contreras Gang noong 1991 bilang si Tinyente Pascual, ang huling pelikulang kanyang nagawa ay Labing-Labing na kung saan nakasama niya ang kanyang asawa at anak.

 

Asawa niya ang director-director na si Laurice Guillen.

 

Dalawa ang naging anak nina Johny Deldagoa at Laurice na gaya nila ay kapwa pinasok rin ang pag-aartista. Narito’t kilalanin natin sila.

 

1. Anna Feleo

Si Ana Feleo ay marahil ang iyong paboritong supporting actress para sa anumang telepantasya na maaari mong maisip.

Ginampanan niya ang matapat at pinagkakatiwalaang si Ades ng Lireo sa Encantandia, ang misteryosong Bayang sa Amaya, isang kameo role sa Ang Panday.

Kapansin-pansin ang kanyang husay at kasanayan sa pag-arte dahil tunay na dumadaloy ang talentong ito sa kanilang mga dugo.

Siya ang panganay na anak ng yumaong multi-award aktor na si Johnny Delgado at ang award-winning na director ng pelikula na si Laurice Guillen.

Sinimulan ni Anna ang kanyang karera bilang isang modelo at kalaunan ay nakipagsapalaran sa industriya ng showbiz.

Nagtapos si Anna sa College of Music sa University of the Philippine.

2. Ina Feleo

Si Irina Guillen Feleo ay ipinanganak noong  Disyembre 29, 1986. Mas kilala bilang si Ina Feleo. Siya ay isang ring artista, figure skater, dancer, at manunulat.

Sumikat siya dahil sa ginampanan niya ang pagiging kontrabida bilang si Odessa sa romantiko-horror-drama sa GMA Network na Hanggang Makita Kang Muli.

Sa pagitan ng edad na mula 9 at 16 ay nagsanay si ina bilang isang figure skater dito sa Pilipinas, ngunit lumipat ito sa USA dahil sa kawalan ng mga pasilidad sa ating bansa.

Sa pagitan ng 2003 at 2008, siya ay naging kasapi siya ng Bayanihan Dance Company at nalibot niya ang iba`t ibang mga bansa dahil dito.

Nagtapos siya sa Ateneo de Manila University na may degree sa Creatice Writing.

Sinubukan ni ina ang kanyang kapalaran sa mundo ng showbiz industry. Nagsimula siya bilang dancer at maging sa speaking roles.

Nakatanggap siya Best Performance of an actress" award sa Cinemalaya para sa kanyang pagganap sa pelikulang Endo.

Noong 2019 ay na engaged si Ina sa kanyang long time boyfriens at nagpakasal sila noong Disyembre 1, 2020.

 

2008 nang ma diagnose si Johny Delgado na may cancer. Naging maayon naman ang  chemotherapy ni Johny at nagawa pa nitong dumalo sa pagdiriwang ng kaarawan ni Sen. Jinggoy Estrada noong Pebrero 2009.

 

Ngunit bumalik ang kanyang cancer at dinala siya sa St. Luke's Hospital sa Lungsod ng Quezon. Namaalam siya noong Nobyembre 19, 2009 dahil sa  lymphoma.

Nawala man sa mundo ng pelikula ang isa sa mga haligi ng industriya, nag-iwan naman si Johny Delgado ng saya at tuwa sa kanyang mga tagahanga.

 

Magsubscribe sa aming YouTube Channel para sa mga ganitong video na kahihiligan ninyong panoorin. E like at e share narin sa inyong mga kaibigan. Salamat po sa inyong panonood.


KILALANIN ANG MGA ANAK NI DINDO ARROYO


KILALANIN ANG MGA ANAK NI DINDO ARROYO

 

Kung ikaw ay batang 90s ay malamang naaalala mo pa ang charater actor na si Dindo Arroyo na talagang nagpagigil sa atin sa mga palabas sa senehan dahil sa kanyang angking galing sa pag-arte bilang kontrabida. Ang tunay niyang pangalan ay Conrado Manuel Macalino Ambrosio II.

 

Lahat ng mga nagawang pelikula ni Dindo ay talagang kahanga-hanga ngunit ang isa sa pinaka itinuturing niyang milestone sa kanyang pagganap ay sa pelikulang “Dito sa Pitong Gatang” na pinagbibidahan ni FPJ.  Si FPJ pa umano ang talagang pumili sa kanya upang gampanan ang kanyang role sa nasabing pelikula. Ang ilan pa sa mga palabas na ginawa ni Dindo kasama si FPJ ay “Walang Matigas na Tinapay sa Mainit na Kape,” “Hagedorn,” “Syota Kong Balikbayan,” at Dalubhasa.”

 

Ang ilan pang mga sikat na aktor na nakasama niya ay sina Eddie Garcia, Philip Salvador, Bong Revilla, Lito Lapid, at Rudy Fernandez.

 

Lumabas si Dindo sa higit sa isangdaan at dalawampung pelikula. Kinilala ang kanyang galing sa pag-arte nang gawaran siya ng “Kontrabida of the Millenium 2020 Award mula sa Film Development Council of the Philippines.

 

Matagal na panahon na hindi na natin napanood si Dindo na umarte, dahil sa ninais nitong mamuhay ng payak at dahil sa kanyang naging kalusugan.

Taong 2014 ay na diagnose siya na may stage 4 pancreatic cancer. Tanging herbal medicines anya ang kanyang ininum mula sa mga Chinese doctor ng Ongpin sa Maynila. Ito anya ang nagbigay sa kanya ng karagdagang lakas upang sa muli ay maipagpatuloy ang kanyang pag-arte.

 

Lumabas si Dindo bilang si Director Acosta sa FPJs ang Probinsyano noong 2016. Isang kurap at walang pusong opisyal ang kanyag ginagampanang papel.

 

Anim ang naging anak ni Dindo sa kanyang asawang si Sherryl Lyn. Narito’t kilalanin natin sila.

 

1. Braina Lauren Head Ambrosio

Si Briana ay ang panganay na anak ni Dindo at Sherryl Lyn. Nagtapos si Briana ng kanyang Entrepreneur course sa De La Salle Laguna.

Si Briana ay engage na kay Allan Johnson Craig.

 

2. Stephanie Marie Ambrosio

Si stephanie Marie namang ang pangalawang anak ni Dindo, Siya ay nagtatrabaho bilang isang Marketing Officer sa Globe Telecom mula Nobyembre 2019 hanggang sa kasalukuyan.

Dati siyang nagtrabaho bilang Segment Marketing Specialist sa Pru Like UK, Channel Manager sa DSI Technology Incorporated at Sales Recruitment Intern sa Filinvest Alabang Incorporated.

 

Gaya ng kanyang ate Briana ay sa De La Salle University rin siya nag-aral ng Business Administration at nagtapos noong 2015.

 

3. Conrado Manuel Ambrosio III

Si 3rd o si Mackoy ay isa sa dalawang anak na lalaki ni Dindo. Mahilig siyang tumugtog ng gitara at kumata.

 

Hilig din niya nag paglalaro ng soccer. Nag-aral siya sa University of the Philippines sa Los Banos at kumukuha ng Kursong Veterinary Medicine.

 

Gaya ng ordinaryong teenager ay hilig din niya ang lumabas kasama ang mga kaibigan.

 

4. Charlene Nicole Ambrosio

Nasa 23 taong gulang na si Charlene. Siya ang isa magagandang anak ni Dindo. Nag-aaral siya sa University of the Philippines sa Los Banos at kumukuha ng kursong Forestry.

Hilig niya ang pag hohost sa mga gawaing pampaaralan. Hilig niya rin ang pag titiktok at paglabas kasama ang kanyang mga kaibigan.

5. Andrea Isabel Ambrosio

Si Andrea ay ang panlimang anak ni Dindo. Siya ay nasa 20 taong gulang na. Kitang kita ang ganda ni Andrea sa mura niyang edad. Di malayong maging isa rin siyang sikat na aktress pagdating ng panahon.

 

Makikita rin sa kanya ang fashion sa kanyang mga porma anupa’t lalong lumalabas ang natural niyang kagandahan.

 

Si Andrea ay nag-aaral rin sa University of the Philippines Los Banos. Maliban sa taglay nitong kagandahan ay isang matalinong mag-aaral si andrea kaya’t isa siya sa mga college scholars na nakakuha ng General Weighted Average na 1.6 na grado.

 

6. Dominic Chri-sus Ambrosio

Si Dominic ang bunsong anak naman ni Dindo.

 

Sa ngayon ay maligaya ang aktor dahil sa inabot ng kanyang mga anak at sa kanyang muling pagbabalik pelikula na kung saan nakatanggap siya ng mga papuri mula sa kanyang dating mga tagahanga.

 

Dumaan sa matinding pagsubok si Dindo nang mawala ang kanyang asawa dahil sa heart attack sa isang araw bago nila ipagdiwang ang kanilang ikalabing-apat na anibersaryo ng kasal. Ito ang lubos na nagpalungkot sa kanya at  hindi ang resulta ng pagkakaroon niya ng cancer.

 

Nawa’y nagustuhan niyo ang videong ito. Inaanyayahan po namin kayong magsubscribe sa channel na ito. E like at e share narin po sa inyong mga kaibigan. Salamat po sa inyong panonood.

KILALANIN ANG MGA ANAK NI BEMBOL ROCO


KILALANIN ANG MGA ANAK NI BEMBOL ROCO

 

Si Rafael Aranda Roco, Jr. ay ipinanganak noong Nobyembre 20, 1953, na kilala bilang si Bembol Roco. Siya ay isang Pilipinong aktor sa mga pelikula at telebisyon.

 

Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Julio Madiaga sa palabas na Maynila: Sa mga Kuko ng Liwanag

Bagaman nagtatrabho siya noon sa mga pelikula sa ating bansa ay mayroon din siyang mahalagang papel na ginampanan sa 1982 Australia-U.S. film na  The Year of Living Dangerously.

Naging kontrabida siya sa mga pelikulang Pilipino. Ang kanyang pagiging kalbo ang naging kakilanlan niya sa mga pelikulang kanyang ginawa.

Kilala siya bilang katulong ni Lino Brocka, kung saan siya ay bahagi ng isang pangkat ng mga artista na tinawag na "Brocka babies", at mga direktor tulad nina Ishmael Bernal, Chito Roño, Marilou Diaz-Abaya, at Joel Lamangan noong huling bahagi ng ikadalawampu siglo.

Mayroon siyang kambal na anak na lalaki. Narito’t kilalanin natin sila.

1. Felix Roco

Si Felix ay ipinanganak noong Abril 12, 1989 sa Cebu. Siya ay isa ring aktor gaya ng kanyang ama.

 

Ilan sa mga pelikulang kinabilangan niya ay  Write about Love bilang si Chad noong 2019, Babae at Baril, Madilin ang Gabi noong 2017 at Ma Rosa bilang si Jackson noong 2016.

 

Aktibo rin si Felix sa mga palabas pantelebisyon gaya ng ASAP, Karelasyon, Imbestigador at maging sa FPJs Ang Probinsyano bilang isa sa mga Holdaper.

 

2. Dominic Roco

Si Dominic ay isa ring artista. Ilan sa mga pelikulang kanyang ginampanan ay ang I’m Drunk, I Love You bilang si Jason Ty noong 2017, Sleepless bilang si Barry noong 2015 at Coming Soon bilang si Darwin noong 2013.

 

Napabilang rin siya sa mga palabas pantelebisyon ng GMA Network gaya ng Ang Dalawang Ikaw, Dahil sa Pag-ibig, My Special Tatay, Contessa at marami pang iba.

 

Noong 2012 ay iniwan any ani Bembol ang kanyang dalawa anak upang sumama sa kanyang panibagong girlfriend na mas bata pa anya sa kambal.

 

Matatandaang nagkaroon ng tampuhan ang mag-aama ngunit naging maayos na rin umano ang kanilang pagsasama.

 

Inaasahan ng kambal na maging maligaya na lang ang kanilang ama sa piling ng bago nitong karelasyon.

 

Magsubscribe sa aming munting channel para sa mga videong gaya nito. Bisitahin rin ang aming mga playlist na inihanda para sa inyo. Salamat sa inyong panonood mga kasama.

 

 

 

 


KILALANIN ANG MGA ANAK NI GABBY CONCEPCION SA IBA'T IBANG BABAE


KILALANIN ANG MGA ANAK NI GABBY CONCEPCION

 

Si Gabriel Arellano Concepcion ay isa sa mga kinikilalang batikang artista at isa ring negosyante.

Si Gabby ay ipinanganak sa San Juan kina Rolando "Rollie" Concepcion at Maria Lourdes Arellano. Nag-aral siya sa Miriam College at Lincoln University.

Ang kanyang grandfather ay isang sikat na pintor at arkitekto na si Juan Arellano.

Sinimulan niya ang kanyang karera sa showbiz industry noong dekada 80. Siya ay unang lumabas bilang isang modelo sa isang komersyal ng Close-up toothpaste.

 

Sa edad na  15 ay gumanap siya sa produksyon ng Regal Films na Katorse mula 1980–1995. Gumawa siya dito ng higit sa 80 pelikula at nagkaroon ng maraming pang mga pagmomodelo at pag-endorso

 

Noong 1993, nakipagsapalaran siya sa Estados Unidos para sa isang negosyo at iniwan ang showbiz industry.

Noong 2008, bumalik siya showbiz industry at tinanggap ng maraming Pilipino sa kabila ng pagkawala niya maraming taon.

 

Isa si Gabby sa mga tinitilian ng maraming mga kababaihan dahil sa angkin nitong kagwapuhan at charisma anupat dumami rin ang mga babaeng kanyang napaibig.

 

Narito’t kilalanin natin ang limang anak ni Gabby Concepcion sa apat na mga babae.

 

1. Kristina Cassandra Concepcion

Si Maria Kristina Cassandra Cuneta Concepcion ay ipinanganak noong Abril 7, 1985 kina Gabby at Mega Star Sharon Cuneta.

Isang artista, mang-aawit, TV host, at negosyante.

Nagkaroon siya ng mga lead role sa pelikulang For The First Time (2008) at When I Met U (2009), at serye sa telebisyon tulad ng Lovers in Paris (2009), Huwag Ka Lang Mawawala (2013) at Ikaw Lamang (2014).

Siya rin ang kauna-unahang Pambansang Ambassador Laban sa Gutom ng World Food Program ng United Nations, at ng World Wide Fund for Nature Philippines.

2007 aynagtapos ng isang bachelor's degree sa International Corporate Communities sa American University of Paris.

Maraming mga isyu ang ipinupukol sa aktres gaya ng pagtawag sa kanya bilang drag queen o lalaking nagbihis babae para sa isang kasiyahan.

Nito lamang mga nakaraang buwan ay may mga lumabas na balitang pagiging malayo ng loob ni KC sa Mega Star.

Kasal si Sharon kay Gabby mula 1984 hanggang 1987.

 

 

2. Maria Gabrielle Ibuna Concepcion

Si Garie naman ay anak ni Gabby sa dating partner na si Grace Ibuna. Ipinanganak siya noong December 23, 1988 at 32 taon na sa kasalukuyan.

Si Garie ay isa ring musician at actress na gumanap sa mga pelikulang The Lease at sa drama pantasyang La Luna Sangre bilang isa sa mga Moon Chasers sa katauhan ni Tasha. Isang werewolf na naging kasama ni Mallia.

 

3. Cloie Helena Syquia Skarne

Si Cloie naman ay anak naman ni Gabby kay Jenny Syquia. Si Cloie ay isang beauty queen titleholder. Isinilang siya noong Agosto 17, 1994 sa Sweden. Isa siyang popular na Swedish-Filipino Model.

 

Noong nakaraang taon ay lumabas ang balitang engage na si Cloie sa kay Fredrik.

Lumaban noon si Cloie sa Miss Universe Sweden taong 2016. Nirepresenta niya ang kanilang bansa sa Miss Earth Pageant sa Maynila at napabilang sa top 8 finalist.

Kasal si Jenny Syquia mula 1993 hanggang 1996. Siya ang ikalawang babaeng pinakasalan ni Gabby matapos ang pakikipagrelasyon nito kay Grace Ibuna.

 

4. Samantha Alexis Concepcion

Si Samantha ay isa sa mga anak ni Gabby Concepcion sa pangatlo at kasalukuyan nitong asawa na si Genevieve Yatco Gonzales. Ipinanganak si Samantha noong 2008 ay siya nasa labing tatlong gulang na sa kasalukuyan.

 

5. Savannah Concepcion

Si Savannah ay anak parin ni Gabby kay Genevieve Yatco Gonzales. Siya ang nagkababatang kapatid ni Samantha. Ipinanganak naman siya noong 2012. Sa kasalukuyan ay nasa 9 na taong gulang pa lamang si Savannah.

 

Ikinasal si Genevieve kay Gabby noong 2004.

 

Magsubscribe sa aming munting channel para sa mga videong kagaya nito. E like at E share din po sa inyong mga kaibigan. Panoorin din ang iba pa naming mga videos sa aming mga playlist. Maraming Salamat sa inyong panonood mga kasama.


KILALANIN ANG MGA ANAK NI RICKY DAVAO


KILALANIN ANG MGA ANAK NI RICKY DAVAO

 

Si Ricardo Caballes Davao o sa mas simpleng tawag na Ricky Davao ay isang Filipino Actor, television director, at  industrial engineer. Si Jackie Lou Blanco ang babaeng bumihag sa kanyang puso.

 

Ilan sa mga pelikulang nagawa niya ay Bulaklak sa City Jail, Huwag Mong Buhayin ang Bangkay, at Natutulog pa ang Diyos.

Gumanap rin siya ng mga Teleserye gaya ng Paano ang Pangako, Daddy’s Gurl, Bilangin ang Bituin sa Langit, at marami pang iba.

 

Bilang isang TV Direktor ay gumawa siya ng mga pelikula. Ilan sa mga ito ay “Dahil sa Pag-ibig” noong 2019, “Legally Blind” noong 2017, at “Sinungaling Mong Puso” noong 2016

 

Si Jacqueline Lourder Blanco- Davao na kanyang asawa na isa ring actress at aerobic instructor. Lumabas si Jacqueline sa mga palabas gaya ng Hihintayin Kita sa Langit, (1991), Si Aida, Si Lorna, o Si Fe, (1989) Misis mo, Misis ko, (1988) at  Palabra de honor (1983).

 

Tatlo ang naging anak nina Ricky at Jacqueline. Narito’t kilalanina natin sila.

 

1. Kenneth Davao

Si Kenneth ang panganay na anak nina Jackie Lou at Ricky Davao. Matatandaan na hindi magkasundo sina Kenneth at ang ama nitong si Ricky kaya’t maging sa kasal ni Kenneth ay hindi niya ito ipinagpaalam sa ama.

Nagulat nalang umano si Ricky Davao nang malaman sa isang kaibigan ikakasal na ang kanyang anak.

 

Nakita ng mga netizens sa mga larawang lumabas online na hindi ditto kasama si Ricky.

 Ilan sa mga Netizens ang nagsabi na maaring ito anya ang perfpektong pagkakataon para magkasundo na ang mag-ama kung pinili ni Jacquline ang anak na si Kenneth na imbitahan ang ama sa kanyang mahalagang araw.

 

2. Rikki Mae Davao

Rikki Mae ang ikalawang anak nina Jackie Lou at Ricky Davao. Si Ricky ay umamin sa kanyang pagiging lesbian noong 2016. Ngunit hindi ito naging issue para sa veteran actor at director na si Ricky Davao.

Bilang mapagmahal na ama, hindi raw hinusgahan ni Ricky ang kanyang anak kundi mas pinaramdam pa nito ang kanyang pagmamahal at suporta.

 

Pahayag ni Ricky, nang umamin anya sa kanya ang anak ay nagulat siya ngunit hindi naman nagalit. Nagulat siya dahil sa gusto pa naman anya niyang magkaroon ng apo kay Rikki Mae. Pero dahil sa nirerespeto niya ang gusto ng anak kaya’sinusuportahan nalang niya ito bilang kanyang magulang.

3. Arabella Davao

Marahil ay isa ka sa mga humanga sa taglay niya ganda. Siya nag bunso sa tatlong magkakapatid. Makikita sa kanyang hitsura ang isang tunay na celebrity na totoong namana niya sa kanyang mga magulang.

Kamakailan lamang ay pinag-usapan si Ara sa iba’t-ibang social media dahil sa pagkakahawig umano nito sa anak ng Mega Star na si KC Concepcion.

 

Noon Octobre 2019 ay lumabas din si Ara na ipinakilala ni Ryan Bang  bilang kanyang Girlfriend sa It’s Showtime. Ipinakilala ni Ryan Bang si Ara kay Direk Bobet bilang kanyang girlfriend. Sinabi naman ng direktor ay nakakikitaan anya niya ito ng pagkakahawig kina Jackie Lou Blaco at Ricky Davao. Sa huli ay inamin naman ni Ryan na magkaibigan lamang sila.

 

Ibinahagi naman ni Ara na hindi muna niya pagsasabayin ang pagtatrabaho at pag-aaral. Si Ara ay nag-aaral sa Atene de Manila at nag eenjoy pa umano  siyang mag-aral kasama ang kanyang mga kaibigan.

 

Nagkahiwalay na sina Jackie Lou at Ricky Davao matapos ang 13 pagsasama. Mutual Decesion anya ang nagyari dahil hindi na nila sa isa’t-isa.

 


BASAHIN PA ANG IBA PANG MGA POSTS NA ITO

KILALANIN ANG MGA LALAKING MINAHAL NI MARJORIE BARRETTO

Si Marjori Barretto ay isang dating aktres at politico sa ating bansa. Naging city councilor siya ng ikalawang distrito ng   Coloocan mula...