JOHN REGALA LULONG PARIN BA SA IPINAGBABAWAL NG GAMOT





USELESS LAHAT NG TULONG KAY
JOHN REGALA

“Useless lahat ng efforts namin.”

Iyan ang sagot ng veteran entertainment columnist at talent
manager na si Manay Aster Amoyo nang tanungin ito nitong Agosto 17, Lunes ng
gabi, kung ano ang dahilan kaya sumuko sila nina Nadia Montenegro at Chuckie sa
pagtulong sa 55-anyos na aktor na si John Regala.

Sinasabi sa ilang bahagi ng joint statement nina Manay Aster,
Nadia, at Chuckie nitong lunes ng gabi sa kanilang Facebook post na:

“Sadly, no amount of effort on our part can help a very
uncooperative and difficult individual.
“In addition, John’s terrible habit of constant and abusive
self-medication is something we cannot condone nor tolerate.

“And so, it is with deep sadness that our group has come to the
decision to formally end our involvement in helping John with his medical
treatment, care, and recovery.

“As much as this is our desire to see this through, these
unfortunate circumstances and regretful turn of events have made it impossible
for us to continue...”

Usap-usapan ngayon kung tama ang pahayag noon ni Elizabeth Oropesa.

Matatandaang sinabi ng veteran actress sa isa niyang Facebook
post, na 
"Sana po
bigyan natin ng tulong ang mga masisipag na nawalan ng trabaho at may
pagpapahalaga sa kanilang buhay.

"Hindi ang mga taong binigyan ng pagkakataong magkaroon ng
magandang biyaya pero winaldas lang sa ipinagbabawal na gamot, alak at bisyo."

Inamin kalaunan ni Elizabeth na si John ang pinatutungkulan niya.

Pahayag pa ni Elizabeth,

Noong inaayos pa lang nina Nadia at Tita Aster ang pag-discharge
kay John sa ospital, ang dami ko nang naririnig na ginawa ng aktor na
ikinadismaya nila, lalo na si Tita Aster na siyang nag-asikaso nito lahat.

Base sa mga pagtatanung-tanong daw nya sa ilang nagbigay ng
donasyon, malaki-laki ang naipasok sa sariling bank account ni John. Hindi na
raw ito pinakialaman nina Tita Aster, Nadia, at Chuckie.

Nakikita daw siguro ni John na kakayanin na niya ang pagpapagamot
sa sarili kahit hindi na siya humingi ng tulong.

Sana daw ay tuluy-tuloy na ang kanyang paggaling at hindi na
maulit ang dalawang beses na niyang drama sa kalye.

Dagdag pa nito, “sa totoo lang, ngayon ko lang nakuha kung bakit
ayaw nang makialam ng huling nakarelasyon ng aktor na si Gina Alonzo.
Ayaw na lang niyang magsalita para hindi na lumaki ang isyung ito.

Komento ng dating actor-model na si Lito Gruet sa Facebook account
ni Chuckie,

 “Bless you for your kind
hearts Chuckie Dreyfus, Nadia Montenegro, Aster A. Amoyo.

“There are yet so many out there that deserve to be helped. Many
who suffer in silence and not ‘discovered’ by social media.

“Please do not tire of continuing what you started. There are
still many to be saved. It's just a matter of ‘finding’ them.”

Pag-ayon naman ni Chuckie,

“Of course. This will not discourage us at all. Thank you for your
words of encouragement and upliftment.”

Ano kaya ang dahilan kung bakit itigil na ng tatlo ang
pagtulong nila kay john? Siya ba ay muling gumagamit ng ipinagbabawal na gamot?
O may ibang kadahilanan na maaring ikasira ni john kung sasabihin ito sa
publiko.
Mag komento ng inyong mga reaksiyon tungkol dito.

Salamat sa inyong panonood.






































































MGA NAGING ANAK NI CHRISTOPHER DE LEON SA IBA'T-IBANG BABAE







MGA NAGING ANAK NI CHRISTOPHER DE LEON

Si Christopher de Leon ay
isang  Pilipinong dramatikong aktor.
Noong 18 gulang pa lamang siya, natamo ni Christopher ang kauna-unahan niyang
Best Actor sa FAMAS sa pelikulang Tinimbang ka Ngunit Kulang. 

Kilala din siya
sa mga palayaw na Boyet, Chris at Bro o Bo.
Ipinanganak siya noong
Oktubre 31, 1956. Ilan sa mga bago niyang nagawang pelikula ay Love thy Woman,
TODA One I love, Sanan Dalawa ang Puso, The Legal Wife, kambal Karibal, Ikaw
lamang at marami pang iba.

Isa siyang German Jewish
Descent mula sa kaniyang Maternal Grandfather. Noong Mayo 11, 1999 binigyan
siya ng US Certificate of Cetizenship na nagpapatunay na isa siyang US Citizen
at birth.
Nag aral siya ng Fine Arts
sa University of the East sa Maynila.
Naging asawa niya sina
Nora Aunor at Sandy Andolong.
Ngayon mga kasama ay
isa-isahin natin ang mga naging anak ni Christopher de Leon sa iba’t-ibang
babae.

1. Lotlot De Leon

Charlotte
Jennifer Rodriguez Olson
  o
kilala sa tawag ng karamihan bilang si Lotlot de Leon ay isang Filipina
actress. Ipinanganak siya noong Pebrero 16, 1971.  Aktibo siya sa kanyang karera mula 1975
hanggang sa kasalukuyan. Ilan sa mga pelikula na ginampanana niya ay Burado,
Beauty Queens at Almost Paradise. Noong nakaraang taon ay gumanap siya bilang
Lydia Ampaya Aguilar sa Magpakailanman na may titulong “Tatlong Henerasyon ng
Sipag at Tiyaga.”

Si Lotlot De Leon ay
inampon lamang nina Christopher at Nora Aunor. Si Donald Olson at Eva Rodriguez
ang kanyang tunay na mga magulang.

2. Matet De Leon

Ipinanganak si Matet de
Leon noong Oktubre 4, 1982 sa tunay na pangalan bilang si Maria Theresa
Villamayor. Isa rin siyang Filipina actress at dating child actress. Isa ring
adopted daughter si Matet nila Christopher at Nora Aunor.

3. Ian De Leon

Isa ring magaling na actor
si Ian De Leon. Nakilala siya sa kanyang mga pagganap sa mga pelikulang Halimaw
noong 1986, Takot ako eh noong 1987, I love you mama, I love you Papa,
Beautiful Justce at lumabas din siya sa ilang serye ng Pepito Manaloto. Tanging
si Ian ang biological son nina Christopher at Nora Aunor.

4. Kenneth De Leon

Si Kenneth ay isang
kilalang writer ng mga pelikulang Pilipino. Ilan sa mga naisulat niya ay
Bilangin ang Bituin sa Langit, Hanggan sa Dulo ng Buhya ko, Dragon Lady, Kara
Mia, Pamilya Roces, Victor Magtanggol, IImpostora, Yagit at marami pang iba.

5. Kiko De Leon

Isa ring actor si Kiko De
Leon. Ilan sa mga pelikulang ginampanan niya ay Takot ako eh noong 1987 at
Shake Rattle anf Roll 6 noong 1997.
6. Rafael De Leon

Si Rafael ay anak naman ni
Christopher sa ikalawa nitong asawa na si Sandy Andolong na isa ring artista.
Si Rafael ay isang director, Writer at Editor.

7. Miguel De Leon

Si Miguel ay isang cancer
survivor. Na diagnose siya ng kanyang doctor na mayroong testicular cancer.
Maligaya ang mag-asawa dahil dininig ang kanilang panalangin na maligtas si
Miguel sa kanyang pinagdaanang sakit.

8. Gabriel De Leon

Si Gabriel ay isa ring
Filipino actor. Una siyang lumabas noon sa Teen Gen. Isang Televesion Drama
Broadcast na Kapuso Network. Ipinanganak siya noong 1992. Ilan sa mga
ginampanan niya pelikula ay Dear Uge, Haplos, Sinungaling Mong Puso, Beautiful
strangers, Maynila: Once Upon a Love Story, Ang lihim ni Annasandra, Teen Gen
at Maalaala mo kaya: Medal for Valor.

9. Maria Angelica De Leon

Isa ring magaling na
actress si Maria Angelica o kilala sa tawag ng marami na Mariel de Leon.
Gumanap sya sa mga pelikulang  Ang Panday
noong 2017 kasama si coco Martin, Across the Cresent Moon at Latay nito lamang
taon ito.
Sumali siya sa Miss
International noong 2017 at nagawaran ng award bilang Miss International
Philippines 2017.
Isa si Mariel De Leon sa
may magandang mukha sa showbiz. Nagtapos siya ng Culinary Collective at nasa 27
taing gulang na siya ngayon.

10. Mica De Leon
Si Mica ang bunsong anak
ni Christopher kay Sandy. Gaya ng kanyang ate ay di rin matatawaran ang ganda
ng mukha ni Mica. Hindi lang siya masasabing isang celebrity kid kundi mayroon
din siyang sariling gawi at interes sa buhay. Nag aral siya sa Meridian
International College sa Taguig.

Yan nga mga kasama ang 10
anak ni Christopher de Leon. Sana ay nagustuhan niyo ang videong  ito bilang isa sa mga serye ng aming playlist
ng “Mga Anak sa Iba’t-ibang babae.”


SIKAT NA VLOGGER NA SI EMMAN PUMANAW NA


Noong nakaraang araw lang nang isugod si Emman sa ospital at dinala sa ICU dahil sa kidney failure at blood complications.

Isa sa mga nakiramay ang internet star na Madam Kilay. Sinabi niya,  "I know 1
time Lang Kita nakasama pero memorable yun. SILENT LANG AKO Pero nakafollow ako sa ngyari sayo since day 1 nasa altar ko ang pangalan mo. Hanggang sa muli emz! -MK."

Samantalang si Cong TV naman ay isa sa mga nanawagan ng tulong para sa kaibigang si Emman sa pamamagitan din ng social media. Matatandaan na nito lamang Mayo nang ibahagi ni Emman ang tungkol sa kanyang malubhang karamdaman na acute myeloid leukemia, isang uri ng blood cancer.

Pahayag noon ni Emman, "Ito na ‘yong pinakamatindi na laban na kakaharapin ko at sinasabi ko sa inyo ngayon, lahat ginagawa ko para manatiling matibay, maging handa at higit sa lahat, maging malakas kasi kailangan eh,"

Dagdag pa nito sa isang YouTube video. "Hayaan niyo lang akong isama kayo sa laban na 'to para makita niyo lahat ng ibabato sa ating hamon, pagsubok, kakayanin. Basta diretso lang tingin natin sa buhay at tsaka positibo tayo,"

Si Emman Nimedez ay isang Actor, YouTuber, at filmmaker na nakilala sa kanyang mga short films, parodies, at covers. Sa kabila ng malubhang karamdaman ay naging positibo pa rin ito sa buhay at matapang na hinarap ang sakit.

"Noong kinuhaan ng samples 'yong bone marrow ko, lumabas sa results may acute myeloid leukemia. Mayroon akong cancer,"  Sabi pa niya.

Pumanaw na ang Pilipinong vlogger na si Emman Nimedez matapos isugod sa ospital noong gabi ng August 13. Sa isang Facebook post sa official page nito, ibinahagi ng kasintahang si Peachy Santos ang malungkot na balita.

"Our beloved Emman Nimedez joined our Creator at 1:00am today, August 16, 2020, Sunday. He was with his family during the time of his passing at St. Luke's Medical Center - Quezon City. "Our family is thankful to everyone who offered prayers and showed support. "Funeral details will be announced in the next days. 

We hope everyone will respect the family's privacy to mourn the passing of Emman. Thank you."

Manatiling nakatutok sa mga mahahalagang pangyayari. Magsubscribe na sa aming YouTube Channel. Salamat mga kasama sa inyong panonood.


MGA NAGING ANAK NI EDDIE GUTIERREZ







MGA ANAK NI EDDIE
GUTIERREZ

Ipinanganak 
si Eduardo Pickett Gutierrez o kilala bilang Eddie Guttierez noong
Pebrero 6, 1942 sa Manila Doctor’s Hospital. Siya ay anak nina Antonio Atayde
Gutierrez at Mary Rufina Herranz Pickett.

Tatlo 
ang naging babaeng  nakasama niya
sa kanyang buhay, Ito ay sina Liza Lorena mula 1963 hanggang 1964, Pilita
Corrales mula 1968 hanggang 1972 at si Annabelle Rama mula naman noong 1980.

Mula sa kanyang tatlong naging asawa ay
nagkaroon siya ng 8 anak. Pito ang lalaki at isa lamang ang kanyang naging anak
na babae. Ngayon mga kasama ay isa-isang at kilalanin natin ang mga anak ni
Eddie Gutierrez.

1. Tonton Gutierrez

Si Tonton ang panganay na anak ni Eddie sa
una niyang naging asawa na si Liza Lorena. 
Si Tonton ay kilala rin bilang isang sikat na artista sa mga pelikulang
Pilipino. Naging leading man  siya ni
Sharon Cuneta sa pelikulang Sanay wala nang Wakas.

Nag star din sya sa mga pelikulang “Nakagapos na Puso,” “Kung Aagawin mo ang lahat sa
Akin,” “Pasan ko ang Daigdig,” “Alabok sa Ulap,” at “Saan Nagtatago ang
Pag-ibig.”

Asawa niya si Glydel Mercado
at naging anak nila sina Annyka at Annyza

2. Ramon Christoper Guttierez

Si Ramon Christoper ay anak naman ni Eddie
kay Pilita Corrales. Isa ring sikat na actor si Ramon Christopher at hanggang
ngayon ay aktibo sa kanyang karera sa showbiz industry. Ilan sa mga pelikula
niya ay Tiyanak, Bagets 2, Balasubas, at marami pang iba. Siya ang asawa ni
Lotlot De Leon at naging anak niya sina Janine, Diego, Jessica at Maxine.

3. Ruffa Gutierrez

Si Ruffa naman ang panganay na anak ni Eddie
kay Annabell Rama. Si Sharmaine Ruffa Gutierrez ay isang beauty queen, model,
host at artista.

Ipinanganak noong Hunyo 24, 1974. Ilan sa mga
pelikula at palabas niya sa TV ay Buzz ng Bayan, My Monster Mom, Boy, Girl,
Bakla, Tomboy at iba pa. Naging anak naman niya sina Lorin at Venice.

Sinasabing maaring maging future beauty queen
din daw itong si Lorin dahil sa ganda at hugis ng katawan.

4. Rocky Gutierrez

Nakilala si Rocky sa kanyang mga pelikulang
Patient X at Takbo Bilis Takbo. Napabalita din noong 2018 na isa sya sa mga
international distributor ng Hokkaido Tracks Resort Properties na matatagpuan
sa Japan. Ang Hokkaido Tracks ay na-establish noong
2003 ng tatlong passionate skiers na kinilala na ang Niseko ang isa sa world’s
great undiscovered ski resorts.

5. Elvis Gutierrez

Si elvis ay ipinanganak sa estados unidos.
Nakilala rin sya sa pagganap  sa mga
pelikulang Joaquin Bordad , kamandag at Ipaglaban mo.


6. Richard Gutierrez

Nakilala si Richard sa
pagganap bilang Aguiluz sa pantasyang teleserye na Mulawin, fantastica, my lady
boss at Laluna sangre. Kilala si Richard bilang magaling na actor. Sa
kasalukuyan ay kasal siya kay Sarah Lahbati at may dalawa na silang anak.

7. Raymund Gutierrez

Si Raymond Gutierrez ay ang
kakambal ni Richard Gutierrez. Isa rin siyang popular na aktor. Ilan sa mga
pelikula niya ay Takbo Bilis Takbo, Kimmy Dora at Temple of Kiyeme.

 8. Ritchie Paul Gutierrez

Siya ang bunsong anak ni Eddie kay Annabelle.
Tatlongput taong gulang pa lamang si sa kasalukuyan. Naging bahagi rin si
Ritchie ng showbiz industry. Pinasok niya ang mundo ng musika.

Sana’y may maibahagi kami sa inyo. Kung
nagustuhan mo ang videong ito ay mag like at subscribe sa munting channel para
sa videong kahihiligan ninyo.

Salamat sa inyong panonood mga kasama.

BASAHIN PA ANG IBA PANG MGA POSTS NA ITO

PITONG MGA BABAENG MINAHAL NI ERAP ESTRADA

KILALANIN ANG MGA BABAENG NAKARELASYON NI ERAP ESTRADA   Isa ang dating pangulong Joseph Estrada sa pinakatanyag sa ating bansa dahil sa...