MGA NAGING BABAE NG HARI NG AGIMAT NA SI RAMON REVILLA SR







MGA BABAE SA BUHAY NG HARI NG AGIMAT NA SI RAMON
REVILLA SR.

Si
Ramon Revilla Sr. ay ang bunso sa sampung anak nina Ildefonso Bautista at
Andrea Acuña.

Kilala
sya bilang isa sa mga artistang may maraming mga nakarelasyon na mga babae, na
umabot di umano sa 16, at mula doon ay may mga lumabas na balitang umabot sa
higit sa 80 mga naging anak ng namayapang dating senador. Inamin nya ito sa isang
panayam kay Jesicca Sojo noong 2011. Ngunit, sinabi ng ilan sa kanyang mga anak,
na 45 lmang di umano silang magkakapatid.

Ngayon
mga kasama ay isa-isahin natin ang ilan sa 16 na babaeng naging kasintahan,
asawa at nakarelasyon ng Hari ng Agimat.

1. Ina ni Evelyn Bautista-Jaworski
Sinasabing
ang ina ni Evelyn Bautista at Jose Bautista Jr., ang naging unang naka relasyon
ni Ramon Revilla Sr. Dalawa ang naging bunga ng kanilang pagmamahalan. Si
Evelyn  ay ang naging asawa ng dating
senador at PBA Legend na si Robert Jaworski. Hindi ipinakilala kaila man sa mga
naisulat na artikulo kung sino ang naging ina nina evelyn at jose.

2. Azucena Mortel
Ikinasal
sila noong Pebrero 16, 1944. Nagkaroon sila ng 7 anak na sina Marlon, Rowena
Bautista-Mendiola, Jose Maria (Bong Revilla), Rebecca Bautista-Ocampo (Princess
Revilla), Edwin (Strike Revilla), Andrea Bautista-Ynares, at Diana. Pumanaw si
Azucena noong Mayo 31, 1998.

3. Genelyn Magsaysay
20
anyos pa lamang noon si Genelyn nang nakarelasyon nya si Ramon Revilla Sr. Siyam
ang naging anak nina Ramon at Genelyn. Kabilang dito sina Ram Revilla, Ma.
Ramona Belen (Mara), Ragene Anne, Ragelyn Gail, Ram Joshua, Ramon Joseph (RJ),
Raphael Julius, Reuben Jesse, at Ramlyn Gabrielle. Si Ram ang sinasabing naging
paboritong anak ni Ramon Revilla Sr.

4. Pacita Nicolas
Si
Ramon Revilla Nicolas Bautista Jr.,  na naging mayor ng San Leonardo, Nueva Ecija
ay ang isa sa naging anak ni Ramon Revilla Sr. kay Pacita Nicola. Si Nicolas ay
isa ring negosyante at pagmamay ari nya ang isang Jovinz Resort, walong  hectariang manggahan, ang RBN Farm, agn RBN
Convishop at isang poultry farm.


Ang
12 sa sinasabing 16 na babae ng yumaong dating senador ay walang impormasyong
mahahanap sa internet dahil sa pribado ang kanilang naging pamumuhay. Tanging
ang apat na nabanggit ang tanging kilala at alam ng publiko.

Kung
may mga detalye kayong nalalaman tungkol sa mga naging babae ni Pepeng Agimat
ay maari ninyong e comment ito sa ibaba. Ito ay sa layuning mabigyan ng
kalinawan ang mga haka-haka tungkol sa isorya ng higgit sa 80 anak ni Pepeng
Agimat.

Salamat
mga kasama sa inyong palaging pagtangkilik sa mga video. Huwag din ninyong
kalimutang magsubscribe sa ating channel. I like din ang videong ito.



No comments:

Post a Comment

BASAHIN PA ANG IBA PANG MGA POSTS NA ITO

PITONG MGA BABAENG MINAHAL NI ERAP ESTRADA

KILALANIN ANG MGA BABAENG NAKARELASYON NI ERAP ESTRADA   Isa ang dating pangulong Joseph Estrada sa pinakatanyag sa ating bansa dahil sa...