MGA ANAK NI ROBIN PADILLA SA IBA'T-IBANG BABAE



MGA ANAK NI ROBIN PADILLA SA IBA’T-IBANG BABAE

Si Robin Padilla o Robinhood Fernando CariƱo Padilla ay isinilang noong Nobyembre 23, 1969. Kilala siya sa kanyang pagganap bilang action star sa mga pelikulang tumatak sa mga Pilipino. Ang ilan sa kanyang mga pelikula ay Sa Diyos Lang Akong Susuko, Anak ni Baby Ama, Grease Gun Gang, Bad Boy at You & Me Against the World.

Nakasama niya ang Megastar na si Sharon Cuneta sa mga pelikulang Maging Sino Ka Man, Di Na Natuto at Pagdating Panahon. Pati si Regine Velasquez ay kanyang nakatambal sa mga pelikula ng Kailangan Ko'y Ikaw at Till I Met You.
Ngayon ay kilalanin natin ang mga anak ni Idol Robin Padilla sa Iba’t-ibang babae.

1. Camille Garcia
Si Camille ay ang pinaka panganay na anak ni Robin sa kanyang dating naging karelasyon na si  Leah Orosa. 1

2. Queenie Padilla

Si Quenne naman ang panganay na anak ni Robin sa dating asawa na si Leizel Sicangco. Ikinasal si queenie Padilla noong Spetember 2012 kay Usman Rashid Mir na isang Pakistani. Bagaman dating nasa showbiz si quenee ngunit tinalikuran niya ito. 

3. Kylie Padilla

Si Kylie Padilla naman ay ay ang ikalawang anak ni Robin kay Leizel Singcangco. SI Kylie ang talagang sumunod sa yapak ng kanyang ama sa pag-aartista. SI Kylie ay ikinasal kay Aljur Abrenica noong December 2018.

4. Zhen-Zhen Padilla

Si Zherileen ang pangatlong anak ni Robin padilla kay Liezel Singcangco na isinilang noong taong 1995. Noong nakaraang taon ay maligayang maligaya si Robin na sa kanyang graduation picture post sa Instagram na may caption ng “Mga kababatan My director Zherileen Padilla.”

Nagtapos si Zhen ng Degree in Film sa Bond University sa Australia. Marahil ay makikita natin ang pangalang Zherileen Padilla sa mga darating na Pelikula sa bansa.

5. Ali Padilla

Si Robin Padilla Jr o kilalal sa tawag na Ali Padilla ang nag-iisang anak na lalaki ni Robin padilla sa dating nitong asawa na si Liezel Sicangco. Isinilang sya noong 2001. Si Ali ay ikinasal kay Hannah sa isang beach wedding ceremony sa Broadbeach sa Australia noong November 17, 2019. Si Ali ay 19 na taong gulang pa lamang. Nakatira si Ali sa Australia at madalas din bisitahin ni Robin si Ali kahit noong ito ay bata pa. Makikita sa mga larawang ito ang bonding time ng mag-ama. 
Nagkaroon din ng ilang role si Ali sa GMA-7 printime series na Joaquin Bordado noong 2010.

6. Mico Salvador 

Lumabas ang isyu noon na may namagitan kina Jobelle Salvador at Robin Padilla. Paliwanag ni Jobelle sa isang interview sa kanya ng PEP.ph ay inako lang daw umano ni Robin ang sana ay kahihiyan ni Jobelle at ng kanyang buong pamilya. Si Jobelle ay nabuntis ng dati nitong kasintahan na kalaunan ay nakilala bilang si Erik Espina ng PTV 4. 
Si Mico ay 31 years old na ngayon at naninirahan sa States kasama ang kanyang lola at mga tiyuhin. 
Dagdag pa ni Jobelle ay alam daw ng anak niya ang buong katotohanan sa mga pangyayari noon sa kanya.

7. Maria Isabella Padilla

Isinilang si Maria Isabella noong Nobyembre 14, 2016. Si Isabella ang panganay na anak ni Robin kay Mariel Rodriguez.

8. Maria Gabriela

Ipinanganak ni Mariel si Maria Gabriela sa Amerika noong nakaraang taon. Si Gabriela ang bunsong babaeng anak ni Robin Padilla sa Kasalukuyan.

Magsubscribe sa aming Youtube Channel para sa iba pang mga videong gaya nito. Salamat kasama sa iyong panonood.

No comments:

Post a Comment

BASAHIN PA ANG IBA PANG MGA POSTS NA ITO

PITONG MGA BABAENG MINAHAL NI ERAP ESTRADA

KILALANIN ANG MGA BABAENG NAKARELASYON NI ERAP ESTRADA   Isa ang dating pangulong Joseph Estrada sa pinakatanyag sa ating bansa dahil sa...