MGA ANAK NG HARI NG RAP NA SI FRANCIS MAGALONA







Si Francis Magalona na
kilala sa mga tawag na FrancisMKiko at The
Mouth
, ay isang 
Pilipinong rapper,
manunulat ng 
awitinartista,
mananayaw, produyser, at direktor. Dahil sa pagiging bantog, binansagan siyang
"Hari ng Rap"
Si Francis Magalona ay
nagkaroon ng 8 anak.  Kilalanin natin
ngayon ang mga anak ni Francis M.

1. Nico Del Rosario
       Si Nico ang panganay anak ng asawa ni Francis M na si Pia
Magalona sa dating nitong nakarelasyon. Si Nico ay isang Filipino-Spanish. Isa
rin syang star Magic Artist at Model. Kasintahan niya si Emmanuelle Vera na isa
ring sikat na singer-songwriter at actress.

2. Una Del Rosario
       Si Una ay kapatid ni Nico na anak ni Pia Magalona sa dating
nyang asawa bago sila naging magkarelasyon ni Francis M

3. Maxene Magalona
Noong
1985 ay nagpakasal sina Francis at Pia. Si Maxene ang naging panganay na anak
ni Francis kay Pia. Si Maxene ay isang aktres sa Kapamilya network at dating
GMA7 Talent na nakilala sa kanyang portrayal bilang si Alex Acosta sa Doble
Kara. Ikinasal sya kay Rob Mananquil noong 2018.


4. Frank Magalona
       Si Frank ay ipinanganak noong December 19, 1987. Gaya ng
kanyang ama si Frank any isa ring magaling na Actor at Rapper. Ilan sa mga
album niya ay inuman Session Volume 2, Bente, at Pogi Years Old.

5. Saab Magalona
       Gaya ng kanayang ate si Saab ay isa ring magaling na actress,
singer, photographer at blogger na nagsimula sa TV5 youth oriented series na
Lipgloss. Ikinasal sya kay Jim Bacarro niing 2015.

6. Elmo magalona
       Popular sa atin ang pangalang Elmo magalona. Isa sya sa mga
sikat na kapuso actor na ngayon ay namamayagpag sa kanayang napiling karera.
Dati syang naging kasintahan ni Janine Gutierrez. Nakilala sya sa pagganap
bilang si SuperElmo.
7. Arkin Magalona
Si Arkin ay ipinanganak
noong Oktubre 9, 1999. Sya ay 20 taong gulang na ngayon. Sya ang pinakabatang
anak na lalaki ni Francis M. Mahilig din sya sa musika at sa pag rarap. Bagaman
pangarap din nyang maging isang artista ay inuna muna ni Arkin ang pag-aaral.
Nagtapos sya bilang isa sa mga pioneer batch ng K+12 noong 2018.

8. Clara Magalona
Si Clara ang bunsong anak ni
Francis M. Si Clara nagatapos sa Senior High School noong May 2019. Nakatuon
ang knayang buong atensyon sa pag-aaral at wala pang planong pumasok sa mundo
ng showbiz.

Sana ay nagustuhan mo ang
segment ng aming videong ito. I like at e share at huwag ding kalimutang mag
subscribe sa ating munting channel. Salamat mga kasama.

MGA ANAK NG HARI NG AGIMAT NA SI RAMON REVILLA SR







MGA NAGING ANAK NG
HARI NG AGIMAT NA SI RAMON REVILLA SR


Si
José Acuña Bautista Sr., na mas kilala bilang Ramón Revilla Sr. o simpleng
Ramón Revilla, ay ipinangak noong Marso 8, 1927 at natapos ang kanyang takbuhin
sa buhay nitong Hunyo 26, 2020. Siya ay isang kilalang aktor ng mga Pelikulang Pilipino
at nagsilbi ring Senador ng Republika ng Pilipinas.

Kilala
siya bilang "Hari ng Agimat" sa mga pelikulang Pilipino. Kilala sya
sa pagganap ng mga karakter nina Pepeng Agimat at Nardong Putik.

Noong
November 2011, ang writer na si Portia Ilagan ay isiniwalat sa isang panayam sa
ABS-CBN na ang actor na si Ramon Revilla Sr. ay mayroong 72 mga anak mula sa 16
na iba’t-ibang babae. Dagdag pa ni Portia na 38 lamang ang naaalala umano ni
Ramon Revilla Sr. na nagdadala ng kanyang pangalan.

Samantala,
noong 2008 sa isang panayam sa PEP.ph ay kinumpirma ng isa sa mga anak ni Ramon
Revilla na si Rowena Bautista Mendiola at sinabing 45 silang lahat ay mayroon
daw anya siyang listahan sa mga ito.

Ngayon
mga kasama ay kilalanin natin ang ilan sa mga kilalang anak ng hari ng Agimat.

1.
Bong Revilla
       Si Bong ay isang kilalang Aktor at
Senador sa ating bansa. Ipinangak sya noong September 25, 1966.

2.
Ram Revilla
Si
Ram ay isa ring aktor at nakilala sa pagganap bilang Jeff Gatdula sa pelikulang
Tonyong Bayawak. Pinatay si Ram noong Oktubre 28, 2011.

3.
Ramon Joseph Bautista
Si RJ
ay inakusahan noon bilang isa sa mga nasa likod ng pag paslang sa kanyang
kapatid na si Ramgen. Noong nakaraang taon ay na acquit siya sa kaso dahil sa
kawalan ng matibay na ebedinsya.

4.
Andrea M. Bautista
Si
Andrea ay isang artista at producer na nakilala sa mga  pelikulang Dang-Dong noong 1980, Tropang
Bulilit noong 1981 at Resikulo noong 2007.,

5.
Strike Bautista
Sa
edad ng 25 ay pinasok na si Strike and mundo ng politika. Dati syang naging
Mayor ng Bacoor. Na appoint din sya bilang isa sa mga members ng PCSO board of
directors  noong 2005 ng dating Pangulong
Gloria Makapagal Arroyo.

6.
Ramona Belen Bautista
Si
Ramona ang isa pa sa mga nasangkot na anak sa pagpanaw ni Ram. Sa kasagsagan ng
mga pangyayari noon ay umalis ng bansa si Ramona at nagtago di umano sa Turkey
sa edad na 22.

7.
Marion Bautista
Si
Marlon ay isang producer na nakilala sa mga pelikulang Bertud ng Putik noong
2003, Hulihin si Tiagong Akyat noong 1973 at APO:Kingpin ng Maynila noong 1990.

8.
Evelyn Bautista
Si
Evelyn ang asawa ng kilalang PBA Legend at Dating sinador na si Robert
Jaworski. Siya ang panganay na anak ni Ramon Revilla Sr.

9.
Rebecca Bautista Ocampo
Siya
ay kilala bilang si Princess Revilla. Isa syang dating actress. Noong 2008 ay
sinampahan siya at ng kanyang asawa na si Dr. Gregorio Ocampo ng kaso ng isang
sa kanilang kasambahay dahil umano sa pambubugbog.

10.
Rowena Mendiola
Siya
ay isa ring aktres at producer ng mga pelikulang Resiklo noong 2007, Bertud ng
Putik noong 2003 at Ang Panday noong 2009. Nagsilbi rin sya bilang isang
Sangguniang Panlungsod ng Syudad ng Bacoor.

11.
Ragelyn Gail Mendiola
Si
Gail ay isa rin sa mga sinampahan ng kaso 
noon ni Ramgen.

Narito
pa ang 7 na wala masyadong impormasyon na makukuha sa internet dahil sa siguro
ay masyadong naging pribadi ang kanilang mga buhay.

12.
Raphael Julius Bautista
13.
Reuben Jesse Bautista
14.
Abigail Bautista
15.
Ram Joshua Bautista
16. Ramlyn
Gabrielle Bautista
17. Dianne
Bautista
18.
Ragene Anne Bautista

Yan
nga mga kasama ang 18 lamang sa mga naging anak ni Pepeng Agimat. Ang karamihan
sa kanyang mga naging anak ay pribado ang naging buhay. Kung totoo man na
umabot ng 45 ang anak ni Pepeng Agimat ay talaga ngang hawak nya ang tunay na
anting-anting na nagpa-ibig sa 16 na babae.

Bagaman
kamangha-mangha ay mismong si Pepeng Agimat na ang nagsabi na hindi ito dapat
ipagmalaki.

Salamat
kasama sa inyong panood. Magsubscribe na sa aming munting channel kung di ka pa
nakapagsusubscribe upang lagi kang una sa mga ganitong klaseng video.

MGA NAGING BABAE NG HARI NG AGIMAT NA SI RAMON REVILLA SR







MGA BABAE SA BUHAY NG HARI NG AGIMAT NA SI RAMON
REVILLA SR.

Si
Ramon Revilla Sr. ay ang bunso sa sampung anak nina Ildefonso Bautista at
Andrea Acuña.

Kilala
sya bilang isa sa mga artistang may maraming mga nakarelasyon na mga babae, na
umabot di umano sa 16, at mula doon ay may mga lumabas na balitang umabot sa
higit sa 80 mga naging anak ng namayapang dating senador. Inamin nya ito sa isang
panayam kay Jesicca Sojo noong 2011. Ngunit, sinabi ng ilan sa kanyang mga anak,
na 45 lmang di umano silang magkakapatid.

Ngayon
mga kasama ay isa-isahin natin ang ilan sa 16 na babaeng naging kasintahan,
asawa at nakarelasyon ng Hari ng Agimat.

1. Ina ni Evelyn Bautista-Jaworski
Sinasabing
ang ina ni Evelyn Bautista at Jose Bautista Jr., ang naging unang naka relasyon
ni Ramon Revilla Sr. Dalawa ang naging bunga ng kanilang pagmamahalan. Si
Evelyn  ay ang naging asawa ng dating
senador at PBA Legend na si Robert Jaworski. Hindi ipinakilala kaila man sa mga
naisulat na artikulo kung sino ang naging ina nina evelyn at jose.

2. Azucena Mortel
Ikinasal
sila noong Pebrero 16, 1944. Nagkaroon sila ng 7 anak na sina Marlon, Rowena
Bautista-Mendiola, Jose Maria (Bong Revilla), Rebecca Bautista-Ocampo (Princess
Revilla), Edwin (Strike Revilla), Andrea Bautista-Ynares, at Diana. Pumanaw si
Azucena noong Mayo 31, 1998.

3. Genelyn Magsaysay
20
anyos pa lamang noon si Genelyn nang nakarelasyon nya si Ramon Revilla Sr. Siyam
ang naging anak nina Ramon at Genelyn. Kabilang dito sina Ram Revilla, Ma.
Ramona Belen (Mara), Ragene Anne, Ragelyn Gail, Ram Joshua, Ramon Joseph (RJ),
Raphael Julius, Reuben Jesse, at Ramlyn Gabrielle. Si Ram ang sinasabing naging
paboritong anak ni Ramon Revilla Sr.

4. Pacita Nicolas
Si
Ramon Revilla Nicolas Bautista Jr.,  na naging mayor ng San Leonardo, Nueva Ecija
ay ang isa sa naging anak ni Ramon Revilla Sr. kay Pacita Nicola. Si Nicolas ay
isa ring negosyante at pagmamay ari nya ang isang Jovinz Resort, walong  hectariang manggahan, ang RBN Farm, agn RBN
Convishop at isang poultry farm.


Ang
12 sa sinasabing 16 na babae ng yumaong dating senador ay walang impormasyong
mahahanap sa internet dahil sa pribado ang kanilang naging pamumuhay. Tanging
ang apat na nabanggit ang tanging kilala at alam ng publiko.

Kung
may mga detalye kayong nalalaman tungkol sa mga naging babae ni Pepeng Agimat
ay maari ninyong e comment ito sa ibaba. Ito ay sa layuning mabigyan ng
kalinawan ang mga haka-haka tungkol sa isorya ng higgit sa 80 anak ni Pepeng
Agimat.

Salamat
mga kasama sa inyong palaging pagtangkilik sa mga video. Huwag din ninyong
kalimutang magsubscribe sa ating channel. I like din ang videong ito.



MGA BABAENG DUMAAN SA BUHAY NI TSONG JOEY MARQUEZ


MGA
NAGING BABAE NI JOEY MARQUEZ

Kilala si Tsong joey bilang isa sa mga artistang may
pinakamaraming anak. Sa isang segment ng Magandang buhay ay direktang inamin ni
Tsong Joey na mayroon syang 16 na anak mula sa iba’t-ibang babae.
Ngayon mga kasama ay kilalanin natin ang mga naging ina
ng kanyang mga naging anak

1.
Francesca
Siron

Si Francisca Siron ang unang
naging kasintahan ni Tsong Joey at nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng isang
anak na lalaki na kilala natin ngayon bilang si Jeremy Siron Marquez.. Nagsilbi
sya noon bilang kagawad at kalauanan ay kapitan ng kanilang barangay. Noong
nakaraang eleksiyon ay tumakbo bilang vice mayor ngunit natalo ito.

Di nagtagal ang pagmamahalan
nila Joey at Francesca at nagkahiwalay ang dalawa.

2. Brenda del Rio

Nakatagpo muli si Tsong Joey
ng panibagong mamahalin. Tumagal din ang pagmamahalan nina Brenda at Tsong
Joey. Nagkaroon sila ng dalawang anak na babae. Ito ay sina Jowee Ann na isang
abogada at si Zia na isa ring artista gaya ng kanyang ama.
Gaya na naunang pag-ibig ni
Tsong ay naghiwalay din ang dalawa.

3.
Alma
Moreno

Sa ikatlong pagkakataon ay
binuksan muli ni tsong ang kanyang puso at nagmahal ng isang babae sa katauhan
ng aktres na si Alma Moreno.

Matagal ang naging pagsasama
ni Joey at Alma, dahilan ng pagkakaroon nila ng apat na anak na popular na sa
atin ang iba.
Naging anak nina tsong joey
at Alma Moreno sina Charles, Winwin, Vittorio, at Em-Em.

Si Winwin ay sumali noon sa
Binibing Pilipinas at si Vittorio naman ay kabialang sa popular na dance crew
ng Hashtag.
Ngunit, mukhang di pa ata
natatagpuan ni tsong ang babaeng magmamahal sa kanyan ng habang buhay. Kaya’t
sa ikatlong pagkakataon ay nagkahiwalay din ang dalawa. 15 taong annul na si
Tsong kay Alma.

4. Malu
Quintana

Makalipas ang ilang taon. Muling nakatagpo si Tsong na
bagong mamahalin. At sinabi nyan na sana ay ito na ang huling makakasama nya sa
buhay. Hindi sya gaanong kilala gunit habang gumawa kami ng isang maliit na paghahanap
ng datos sa internet, nalaman namin na siya ay nagtatrabaho bilang isang flight
attendant sa isang international airline.

Nang tanungin ng King of Talk si Tsong sa panahon ng
kanyang pag-guest sa Tonight With Boy Abunda kung ano ang naging kaibahan ni
Malu sa mga nauna nitong asawa, isiniwalat ni Tsong na buong-buo ang pagtanggap
anay ni Malu sa kanyang nakaraan maging ang pagtanggap nito sa 16 nya mga anak.

Gayunpaman, sa kabila ng mahaba na nilang  relasyon, inamin ni Joey sa Magandang Buhay na
hindi pa sya nagsabi ng "I love You" kay Malu, dahil mas pinipili pa niya
ang pagpapakita ng kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng gawa kaysa ipahayag ito
sa pamamagitan ng mga salita.

Ang 62-taong-gulang na beterano na artista ay naghatid
ng kanyang madamdaming mensahe para sa kay Malu.

 Sinabi nya,
"Salamat sa pag-intindi mo sa aking, salamat at napansin mo rin na ang mga
prayoridad ko,  salamat sa pag-aalaga mo
sa mga anak ko. Ang gusto ko lang sabihin sa kanya na hindi ka man ang naging
una sa buhay ko, ngunit ikaw ang huli. "

Hmmpp.. Napakatinik talaga nitong si Tsong Joey. Sana
ay si Ms. Malu na nga ang huling mong iibigin Tsong.

Salamt mga kasama sa inyong panunuod. Magsubscribe sa
aming YoUTube Channel.

MGA ANAK NI JOEY MARQUEZ SA IBA'T-IBANG BABAE






MGA ANAK NI JOEY MARQUEZ SA IBA’T-IBANG BABAE

Si Joey Marquez na kilala bilang dating basketbolista at hindi nagtagal ay naging isang sikat na artista dahil na rin sa di matawarang galling sa pag arte at pagpapatawa. Inamin na Joey sa program ng maganda buhay na  mayroon syang 16 na anak. Ang karamihan sa mga ito ay maliliit pa. Sa videong ito ay ibabahagi naming sa inyo ang 7 sa 16 na anak ni Joey Marquez.

Sa industriya ay nagkaroon siya ng pitong anak sa tatlong babae.
Narito ang 7 sa mga anak ni Joey Marquez sa iba’t-ibang babae.

1. Jeremy Marquez
Ang panganay na anak ni Joey
Marquez ay naging anak niya sa dati nyang karelasyon na si Francesca Siron.  Si Jeremy ay dating actor at tumakbo bilang vice mayor ng Paranaque noong nakaraang taon ngunit natalo ito. Sa taong din iyo ay nagtpos sya sa kanyang kurso sa kolehiyo ng Business Administration major in Human Resource Development Management. 
Dati syang kasintahan ni Gwen Zamora at muntik na silang magpasal.

2. Jowee Ann Marquez
          Si Jowee Ann ay ang ikalawang anak ni Joey sa ibang babae. Si Jowee Ann ay naging anak nya sa dating aktres na si Brenda del Rio. Si jowee ay isa sa mga nakapasa sa Bar Exam noong 2016 at ngayon ay isa nang ganan na abogado. Nag-aral sya ng Political Science sa Ateneo de Manila University at kumuha ng Law sa San Beda College Alabang.

3. Izabella Krizia Dayot Marquez  o Zia Marquez
          Maliban kay Jowee Ann ay naging pangalawang anak naman ni Joey si Zia kay Brenda. Si Zia ay isa ring aktres na gumanap sa Maalaala Mo Kaya noong 1991, Star Magic Presents noong 2006 at Kambal sa Uma noong 2009.

4. Charles Yeoj Marquez
          Si Charles
ang naging panganay ni Joey sa Ikatlo niyang naging karelasyon  na si Alma Moreno.

5. Teresita Ssen (Winwyn) Marquez
          Maaring narinig mo na ang pangalang Winwyn Marquez ngunit bihira ang pangalang Teresita Ssen. Si Winwyn ang ikalawang anak ni Joey kay Alma Moreno.

Si Wynwyn Marquez o Winwyn Marquez ay isang artista sa
Pilipinas na lumalabas sa mga palabas ng GMA Network mula noong 2010 hanggang 2017. 
Sumali si Wynwin sa Pageant noong 2015, sa Miss World Philippines noong 2017, at sa Reina Hispanoamericana kung saan doon sya nanalo.

Hindi sumali sa Binibining Pilipinas 2019 si Wynwin sa kabila ng mga words of encouragement ng mga dati nitong nakasama sa dahilang may mga naka linya daw umano syang mga kontrata.

 6. Vittorio Joey Marquez
Ikatlong anak naman si Vittorio ni Joey Marquez kay alma Moreno. Naging bahagi rin si Vitto ng sikat na Filipino dacne Crew Hashtag noong 2017 sa TV Show na It’s Showtime. Naging popular sya sa Twitter at Instagram na kung saan nagkaroon sya ng mahigit sa 270,00 followers.

7. Maria Maal Venesa Marquez
          Si Maria Maal Venesa ang bunsong anak ni Joey sa kasalukuyan. Kilala sya bilang si Em-Em Marquez.

 Yan lang muna mga kasama ang ibibigay namin sa inyo. Sana ay nagustuhan ninyo ang videong itong. Magsubscribe sa aming YouTube Channel para sa mga ganitong video. Salamat mga kasama.


MGA ANAK NI ROBIN PADILLA SA IBA'T-IBANG BABAE



MGA ANAK NI ROBIN PADILLA SA IBA’T-IBANG BABAE

Si Robin Padilla o Robinhood Fernando Cariño Padilla ay isinilang noong Nobyembre 23, 1969. Kilala siya sa kanyang pagganap bilang action star sa mga pelikulang tumatak sa mga Pilipino. Ang ilan sa kanyang mga pelikula ay Sa Diyos Lang Akong Susuko, Anak ni Baby Ama, Grease Gun Gang, Bad Boy at You & Me Against the World.

Nakasama niya ang Megastar na si Sharon Cuneta sa mga pelikulang Maging Sino Ka Man, Di Na Natuto at Pagdating Panahon. Pati si Regine Velasquez ay kanyang nakatambal sa mga pelikula ng Kailangan Ko'y Ikaw at Till I Met You.
Ngayon ay kilalanin natin ang mga anak ni Idol Robin Padilla sa Iba’t-ibang babae.

1. Camille Garcia
Si Camille ay ang pinaka panganay na anak ni Robin sa kanyang dating naging karelasyon na si  Leah Orosa. 1

2. Queenie Padilla

Si Quenne naman ang panganay na anak ni Robin sa dating asawa na si Leizel Sicangco. Ikinasal si queenie Padilla noong Spetember 2012 kay Usman Rashid Mir na isang Pakistani. Bagaman dating nasa showbiz si quenee ngunit tinalikuran niya ito. 

3. Kylie Padilla

Si Kylie Padilla naman ay ay ang ikalawang anak ni Robin kay Leizel Singcangco. SI Kylie ang talagang sumunod sa yapak ng kanyang ama sa pag-aartista. SI Kylie ay ikinasal kay Aljur Abrenica noong December 2018.

4. Zhen-Zhen Padilla

Si Zherileen ang pangatlong anak ni Robin padilla kay Liezel Singcangco na isinilang noong taong 1995. Noong nakaraang taon ay maligayang maligaya si Robin na sa kanyang graduation picture post sa Instagram na may caption ng “Mga kababatan My director Zherileen Padilla.”

Nagtapos si Zhen ng Degree in Film sa Bond University sa Australia. Marahil ay makikita natin ang pangalang Zherileen Padilla sa mga darating na Pelikula sa bansa.

5. Ali Padilla

Si Robin Padilla Jr o kilalal sa tawag na Ali Padilla ang nag-iisang anak na lalaki ni Robin padilla sa dating nitong asawa na si Liezel Sicangco. Isinilang sya noong 2001. Si Ali ay ikinasal kay Hannah sa isang beach wedding ceremony sa Broadbeach sa Australia noong November 17, 2019. Si Ali ay 19 na taong gulang pa lamang. Nakatira si Ali sa Australia at madalas din bisitahin ni Robin si Ali kahit noong ito ay bata pa. Makikita sa mga larawang ito ang bonding time ng mag-ama. 
Nagkaroon din ng ilang role si Ali sa GMA-7 printime series na Joaquin Bordado noong 2010.

6. Mico Salvador 

Lumabas ang isyu noon na may namagitan kina Jobelle Salvador at Robin Padilla. Paliwanag ni Jobelle sa isang interview sa kanya ng PEP.ph ay inako lang daw umano ni Robin ang sana ay kahihiyan ni Jobelle at ng kanyang buong pamilya. Si Jobelle ay nabuntis ng dati nitong kasintahan na kalaunan ay nakilala bilang si Erik Espina ng PTV 4. 
Si Mico ay 31 years old na ngayon at naninirahan sa States kasama ang kanyang lola at mga tiyuhin. 
Dagdag pa ni Jobelle ay alam daw ng anak niya ang buong katotohanan sa mga pangyayari noon sa kanya.

7. Maria Isabella Padilla

Isinilang si Maria Isabella noong Nobyembre 14, 2016. Si Isabella ang panganay na anak ni Robin kay Mariel Rodriguez.

8. Maria Gabriela

Ipinanganak ni Mariel si Maria Gabriela sa Amerika noong nakaraang taon. Si Gabriela ang bunsong babaeng anak ni Robin Padilla sa Kasalukuyan.

Magsubscribe sa aming Youtube Channel para sa iba pang mga videong gaya nito. Salamat kasama sa iyong panonood.

BASAHIN PA ANG IBA PANG MGA POSTS NA ITO

PITONG MGA BABAENG MINAHAL NI ERAP ESTRADA

KILALANIN ANG MGA BABAENG NAKARELASYON NI ERAP ESTRADA   Isa ang dating pangulong Joseph Estrada sa pinakatanyag sa ating bansa dahil sa...