KILALANIN
ANG MGA ANAK NI VIC DIAZ
Dahil sa kanyang anyo gaya ng kanyang malapad, masayang
ngiti, mapupungay na mga mata, itim na bigote, at umuusbong na tiyan, ay madalas
siyang gumanap bilang character actor sa mga horror films. Siya ay madalas na maikumpara
sa actor na si Peter Lorre.
Ipinanganak si Vic Diaz sa Maynila noong 1932, unang
binalak ni Vic na maging isang abogado dahil sa ang kanyang ama ay isang Punong
Mahistrado.
Pagkaraan ng apat na taon ng pagsasanay sa abogasya ay
tila hindi nararamdaman ni Vic ang kasiyahan
sa napiling propesyon kaya’t nagpasya siya na ituloy ang isang karera sa
pag-arte.
Nagsimula siyang magtanghal sa mga teatro noong 1949. Sa
huling bahagi ng 1950s sinimulan niya ang kanyang napakahabang karera sa
pelikula. Nakilala siya sa pelikulang The Day of the Trumpet noong 1958.
Hindi nagtagal ay nakakuha si Vic ng napaaraming proyekto
sa mga palabas na ginawa ng mga director na sina Eddie Romero at Cirio H.
Santiago.
Kabilang sa kanyang madalas na maging role sa pelikula ay
isang walang awang smuggler ng brilyante sa pelikulang Monte Hellman's Flight
to Fury (1964).
Ginampanan naman niya ang isang tuso at mapanlinlang na
Satanas sa The Beast of the Yellow Night noong 1971, isang magiliw na mekaniko
sa pelikulang The Losers noong 1970 ni Jack Starrett at isang flamboyant
homosexual prison guard sa nakakatuwang chicks-in-chains send-up ni Jack Hill
na The Big Bird Cage noong 1972.
Noong 2001 ay kinailangan niyang kusang huminto sa
pag-arte dahil sa katandaan at hindi magandang kalusugan. Gayunpaman, sa kabila
ng kanyang pagreretiro, hindi maitatatwa na maraming magagandang kontribusyon
sa industriya si Vic Diaz na patuloy na nagpapasaya at nagbibigay-aliw sa mga
tagahanga ng kanyang mga pelikula sa mga susunod pang mga taon.
Nagkaroon ng mga anak si Vic Diaz sa kanyang asawang si
Kit Diaz. Narito’t kilalanin natin sila.
1. Teddy Diaz
Si Teddy Diaz ay isinilang noong Abril 1, 1963 sa Maynila
at namayapa naman noong Agosto 21, 1988. Siya ay kilalang Filipino Musician at
composer. Nakilala siya dahil sa siya ang founder at original guitarist ng
bandang The Dawn.
Isa siya sa mga sumulat ng kanilang unang singles na
“enveloped Ideas” at ng popular na hit song na Salamat na narinig noong 1989.
Sa rurok ng kanyang tagumpay at kasikatan noogn dekada 80
ay sinaksak siya ng dalawang taong pinaghihinalang gumamit ng ipinagbabawal na
gamot. Nangyari ito sa harap mismo ng bahay ng kanyang kasintahan.
Ang dalawa pang anak ni Vic Diaz ay sina Loren Diaz at Carl
Diaz na pawang mga pribado ang mga pamumuhay.