KILALANIN SI SEN RONALD BATO DELA ROSA AT ANG KANYANG MGA ANAK





Isa sa mga kontrobersyal na Senador sa kasalukuyan ay ang dating PNP Chief na si General Ronald Bato dela Rosa dahil sa kanyang pangunguna sa kampanya ng Pangulong Duterte na War on Drugs na kung saan ay sinasabing may mga naganap umanong extra judicial killings.

 


Hindi rin matawaran ang kanyang mga naging kontribusyon bilang pulis at ngayon ay senador ng ating bansa. Personal siyang pinili ng Pangulong Duterte na maging PNP Chief mula sa kanyang dating pinaglilingkuran bilang Hepe ng Lungsod ng Dabaw.

 

Hindi mayamang pamilya ang pinanggalingan ni Senator Bato dahil sa ang kanyang ama ay isa lamang tricycle driver. Nagtrabaho noon si Senator Bato bilang kargador ng isda sa palengke at konduktor ng bus.

 

Dahil sa kagustuhanniyang umasensyo sa buhay ay pinilit niyang mag-aral ng kursong bachelor of Science in public administration sa Mindanao State University ngunit kalaunan ay pumasok sa Philippine Military Academy o PMA at nakapagtapos noong 1986 bilang bahagi ng Sinagtala Class. Binansagan siyang Bato noong siya ay nasa Davao dahil sa kanyang malaking pangangatawan na tila bato.

Biniyayaan si Senator Ronald Bato dela Rosa ng dalawang anak. Isang lalaki at isang babae.


Ang babae niyang anak ay si Macky Dela Rosa. Isa sa mga dumalo sa kasal ni Macky ay ang Pangulogn Duterte noong 2019. Kasama rin sa mga dumalo ay sina Francis Tolentino at Bong Go.

 


Ang isa pang anak na lalaki ni Senator Bato ay si Rock Dela Rosa. Sinundan naman ni Rock ang daang tinahak ng kanyang ama nang pumasok rin ito bilang pulis. Marami naman ang humanga sa kaanyuang panlabas ni Rock at madalas na naikukumpara sa kanyang ama noong kabataan pa nito.

 

Magsubscribe sa aming channel para sa ganitong mga videong kahihiligan ninyong panoorin. Salamat sa inyong panonood mga kasama.

 

 


BASAHIN PA ANG IBA PANG MGA POSTS NA ITO

KILALANIN ANG MGA LALAKING MINAHAL NI MARJORIE BARRETTO

Si Marjori Barretto ay isang dating aktres at politico sa ating bansa. Naging city councilor siya ng ikalawang distrito ng   Coloocan mula...