KILALANIN SI BELLA FLORES AT ANG KANYANG ANAK

Si Medina Papap Dancel o mas kilala natin sa pangalang Bella Flores ay isa sa mga batikang aktres sa ating bansa kung saan gumanap siya sa ilang mga pelikula bilang kontrabida. Siya ang original na kontrabida sa Philippine showbiz.

Si Bella ay ipinanganak noong Pebrero 27, 1929. Nasa college sophomore noon si Bella nang lumabas siya sa pelikulang Tatlong Balaraw noong 1950 sa edad na 21.

Ginampanan din niya ang isang kontrabidang Biyenan sa Roberta bagaman siya ay 22 taong gulang pa lamang noon. Ang pelikulang ito di umano ang nagligtas sa Sampaguita pictures sa pagka bankrupt nito matapos na masunog ang studio nito. Dahil sa tagumpay ng nasabing pelikula ay nagsunod sunod na ang kontrabidang papel ni Bella at naging isa sa mga hinangaang star sa showbiz industry.

Ilan sa mga huling pelikulang nagawa ni Bella Flores ay ang My Kontrabida Girl noong 2012, Way Back Home nong 2011, at D’Anothers noong 2005.

Pumanaw si Bella noong May 2013 sa Quezon City General Hospital dahil umano sa komplikasyon dulot ng kanyang hip surgery.

Mayroong anak na babae si Bella Flores ito ay si Ruby Dancel Arcilla. Proud na proud si Ruby sa kabaitan ng kanyang ina. Naikwento pa ni Ruby na may isang babaeng lumapit sa kanya sa burol ng kanyang ina kung saan sinabi nitong tinulungan umano siya ni Bella sa kanyang hospital bills sa abot ng makakaya nito. Sa huli ay hinimok naman ni Ruby na ganun din sana ang gawin ng ibang mga aktres. Ang tumulong sa mga nangangailangan mula sa kanilang mga puso.

Binalak naman ng iba pang pamilya ni Bella na magkaroon siya ng foundation na tutulong sa mga taong may mga Alzheimer’s Disease. Ito ay dahil sa nakakitaan umano si Bella ng ganoong sakit bago ito pumanaw.

Magsubscribe sa channel na ito para sa mga videong kahihiligan ninyong panoorin. Salamat sa inyong panonoog mga kasama.

BASAHIN PA ANG IBA PANG MGA POSTS NA ITO

PITONG MGA BABAENG MINAHAL NI ERAP ESTRADA

KILALANIN ANG MGA BABAENG NAKARELASYON NI ERAP ESTRADA   Isa ang dating pangulong Joseph Estrada sa pinakatanyag sa ating bansa dahil sa...