Si Gloria María Aspillera Díaz-Daza o mas
kilala bilang si Gloria Diaz ay ang kauna-unahang babaeng Pilipina na naguwi ng
korona ng Miss Universe noong 1969 na ginanap sa Miami Beach Auditorium sa
Miami Beach, Florida sa Estados Unidos noong Ika-19 ng Hulyo taong 1969. Siya
rin ay isang sikat at matagumpay at batikang aktres sa Pilipinas.
Mula sa kanyang pagkapanalo, ay limang taon muna ang kanyang pinalipas bago niya naisipang pumasok sa mundo ng pag-aartista. Sa una niyang pelikula, ginampanan niya ang karakter ni Isabel sa pelikulang Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa noong 1975.
Ito ang
kanyang pinakaunang pelikulang ginawa kasama sina Vic Vargas na kanyang katambal
at si Elizabeth Oropesa bilang kontrabida.
Taong 1996 naman ang unang labas niya sa mga
palabas pantelebisyon sa drama serye ng Anna Karenina at naging mas lalong
papolar nang lumabas siya sa sitcom ng Kool Ka Lang ng Kapuso Network noong
1998.
Dalawa ang naging anak ni Gloria Diaz kay Bong
Daza. Ngunit ang kanilang pagsasama ay hindi nagtagal. Nagmahal muli si Glora
sa long time partner niyang ngayong si Mike de Jesus na isang banker.
Narito’s kilalanin natin ang mga anak ni
Glorai Diaz.
1. Isabelle Daza
Si Isabelle ay isinilang noong March 6, 1988.
Siya ay isang kilalang aktress sa bansa. Isang Television Host at Model. Dati
siyang naging myembro ng GMA talents na ipinakilala sa noontime show noon na
Party Pilipinas noong 2011.
2014 ay lumipat si Isabelle sa ABS CBN at
nakilala lalo nang gampanan niya ang isang papel sa drama serye na Tubig at
Langis.
Ikinasal si Isabelle sa isang French
Businessman na si Adrien noong 2016 sa Italya.
2018 naman nang isilang ni Isabelle ang
kanilang panganay na si Gabriel at nito lamang Abril ay isinilang naman si
Valentin.
2. Ava Daza
Ang isa pang anak ni Gloria Diaz na si Ava
Diaz ay nagtataglay din ng kagandahang namana niya sa kaniyang ina. Noong
nakaraang taon ay nagpakasal na rin si Ava sa kanyang fiancé na si Luch
Zabirato sa isang civil wedding.
May isa pang adopted son si Gloria Diaz na si
Raphael Daza.