KILALANIN ANG MGA ANAK NI ACE ESPINOSA


KILALANIN ANG MGAA ANAK NI ACE ESPINOSA

 

Naaalala n’yo pa ba si Ace Espinosa? Marahil ay napabilid ka rin niya sa kanyang galing bilang isang action star higit lalo na sa pakikipagsuntukan sa kanyang maaaksiyong pelikula.

 

Si Ace Espinosa ay unang nakilala sa kanyang unang pelikulang nagawa noong 1975 na Nagmula sa Lupa. Pagkatapos ay napabilang siya sa cast ng That’s Entertainment sa GMA 7 noong 1986.

 

Matapos kakitaan ng malaking potensyal sa pag-arte ay binigyan  siyang pagkakataong bumida sa mga maa-aksyong pelikula. Ang ilan sa mga pelikulang ito na tumatak sa mga manonood ay ang: Simaron: Barya Lang Ang Halaga ng Ulo Mo noong 1987, Balasubas noong 1998, Boy Chico, Hulihin si Ben Tumbling, at Ang Labang Ito noong taong 2000.

Dahil sa kanyang itsura at pangangatawan ay maraming mga babaeng tagahanga ang kanyang nabihag. Marami ring mga kalalahihan ang ginaya ang kanyang signature hairstyle na flattop na naging uso noong panahon ng kanyang kasikatan.

Tulad ng ibang mga artista, nakatagpo rin ng pag-ibig si Ace sa showbiz industry. Naging kasintahan at kalunaay naging asawa niysa ang kanyang dating leading lady na si Maricel Morales. Si Maricel ay dating beauty queen at pinasok rin kalaunan ang mundo ng politika.

 

Sila ay nabiyayaan ng dalawang anak na lalaki na parehong mga binata na sa ngayon.  Narito’t kilalanin natin sila.

 

1. Ace John Espinosa

Si Ace ay nasa 20 taong gulang na sa kasalukuyan. Siya ay anak ni Ace Espinosa sa actress na si Maricel Morales.

Si Ace John ay isang contract star ng Viva Artist Agency ngunit hindi ito masyadong nakikita sa telebisyon dahil sa mas prioridad nito ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo.

 

2. Micho Espinosa

Si Micho ang nakababatang kapatid ni Ace John. Patuloy na nag-aaral si Micho at siya ay nasa 18 taong gulang na sa kasalukuyan. Close na close naman ang magkapatid.

 

Maaring ang dalawang anak ni Ace Espinosa ang mga aabangan ng maraming netizens kung pasukin na ng dalawa ang mundo ng showbiz industry sa oras na matapos na nila ang kanilang pag-aaral.

 

Ang pagsasama nila ni Maricel ay hindi rin nagtagal dahil matapos ang apat na taong pagsasama sila rin ay nagdesisyong maghiwalay. Labintatlong taon nang magkahiwalay sina Ace at Maricel ngunit nananatili naman itong magkaibigan.


Sa ngayon ay naninirahan si Ace Espinosa sa Canada kasama ang kanyang mga kapatid at mga magulang.

 

Magsubscribe sa aming YouTube Channel para sa mga videong kahihiligan ninyo panoorin. Bisitahin rin ang aming mga playlist para sa iba pang mga video. Salamat sa inyong panonood mga kasama.


BASAHIN PA ANG IBA PANG MGA POSTS NA ITO

PITONG MGA BABAENG MINAHAL NI ERAP ESTRADA

KILALANIN ANG MGA BABAENG NAKARELASYON NI ERAP ESTRADA   Isa ang dating pangulong Joseph Estrada sa pinakatanyag sa ating bansa dahil sa...