ALAMIN NATIN ANG MGA ARI ARIAN NG DATING PANGULONG ERAP ESTRADA


Ang katagang “Erap para sa Mahirap” ang nagbigay sa kanya ng pagkakataon upang Manalo bilang ikalabintatlong Pangulo ng Pilipinas mula 1998 hanggang 2001.

 

Bago ang kanyang panunungkulan sa gobyerno ay isa rin siyang sikat na actor sa ating bansa. Ito ang sinasabing nagbigay ng maraming kayamanan sa dating actor at pangulo. Subalit, napatalsik si Erap sa pwesto dahil sa akusasuon ng korapsiyon na ibinunyag ng mga malalapit na kaibigan ni erap gaya ni Chavit Singson na personal pa umanong nag-abot kay Erap ng 400 milyon mula sa jueteng at 180 milyon mula naman sa subsidiya ng mga magsasaka ng tabako.

 

Nakulong ng anim na taon si Erap subalit nabigyan ng pardon noong 2007 mula sa mga kasong kanyang kinaharap. Mula sa kanyang pagkakadakip ay nakamkam ng gobyerno ang ilang mga kayamanag niyang hindi niya idineklara sa kanyang SALN. Narito ang ilan sa mga ari-arian ng dating Pangulong Joseph Estrada.

 

1.   Boracay Mansion

 


Nag-mamay-ari si Erap ng isang Boracay Mansion sa New Manila, Quezon City. Bagaman sinasabi ng dating pangulo na ang Boracay Mansion ay hindi umano sa kanya kundi pag-aari ng businessman na si Jaime Dichaves. Isa ang property na ito sa mga iniutos ng korte na makasama sa pagkuha mula sap ag-aari ng dating pangulo.

 

2.   House in  North Greenhills



Sa bagong SALN ng dating Pangulo ay isinama niya ang kanyang 3000 square meter property sa North Greenhills, San Juan City na naging bahay para sa dating pangulo. Subalit ang bahay niyang ito ay plano rin niyang ibenta upang makabayad sa kanyang mga pag-kakautang mula sa mga nagugol niya sa kampanya. Nagkakahalaga ang bahay ng 200 milyon pesos.

 

3.   Emar Suites



Ang Emar Suites ay isang 28-storey condominium sa Shaw Boulevard sa Mandaluyong City. Isa ito sa itinayong proyekto ng construction company ng dating pangulong Joseph Estrada. Ang pangalang Emar ay ang mga simulang letra ng mga pangalan ng kanyang mga magulang na sina Emilio at Mary Ejercito.

 

4.   Tanay Rest House and Museum

 


Mula sa pagkaka-aresto niya matapos ang sinasabing EDSA Dos ay na impeached ang dating Pangulong Erap at inilagay sa house arrest na kung saan ito ang ginawa niyang Tanay Rest House and Museum. Ang Tanay Rest House and Museum na ito ay may sukat na 19 hectare. Mayroon ditong mga house for rent, public swimming pool at hotel.

 

5.   Erap Muslim Youth Foundation Bank Account



Ipina freeze din ng gobyerno ang bank account ng Erap Muslim Youth Foundation na naglalaman ng kabuuang halaga ng 201.396 milyon pesos. Subalit hindi naman nakalagay sa nasabing Youth foundation na beneficiary nito ang dating pangulo.

 

6.   Jose Velarde Bank Accounts



Kasama sa mga na freeze na bank account na sinasabing pag-aari ng dating pangulo ay ang mga bank accounts na nakapangalan kay Jose Velarde. Ang halagang nakadeposito sa nasabing account ay nagkakahala ng 189,700,000 thousand pesos.

 

Maliban sa mga nabanggit sa itaas ay nagmamay-ari din siya ng maraming mga sasakyan gaya ng Mercedez Benz, Nissan Maxima, dalawang Toyota Crown, Nissan Pathfinder, Mitsubishi at iba pang motor vehicles na nagkakahalaga ito ng lagpas sa anim na milyong peso.

 



Sa kanyang SALN na noong 1999 ay mayroon siyang mga idineklarang cash on hand sa banking, marketable securities, investments at receivables na aabot sa 172 milyon pesos.

 

Bagaman tinagurian siyang most corrupt president ng ating bansa ay marami paring mga naniniwala sa dating pangulong Erap Estrada.






No comments:

Post a Comment

BASAHIN PA ANG IBA PANG MGA POSTS NA ITO

KILALANIN ANG MGA LALAKING MINAHAL NI MARJORIE BARRETTO

Si Marjori Barretto ay isang dating aktres at politico sa ating bansa. Naging city councilor siya ng ikalawang distrito ng   Coloocan mula...