Ang katagang “Erap para
sa Mahirap” ang nagbigay sa kanya ng pagkakataon upang Manalo bilang
ikalabintatlong Pangulo ng Pilipinas mula 1998 hanggang 2001.
Bago ang kanyang
panunungkulan sa gobyerno ay isa rin siyang sikat na actor sa ating bansa. Ito
ang sinasabing nagbigay ng maraming kayamanan sa dating actor at pangulo.
Subalit, napatalsik si Erap sa pwesto dahil sa akusasuon ng korapsiyon na
ibinunyag ng mga malalapit na kaibigan ni erap gaya ni Chavit Singson na
personal pa umanong nag-abot kay Erap ng 400 milyon mula sa jueteng at 180
milyon mula naman sa subsidiya ng mga magsasaka ng tabako.
Nakulong ng anim na
taon si Erap subalit nabigyan ng pardon noong 2007 mula sa mga kasong kanyang
kinaharap. Mula sa kanyang pagkakadakip ay nakamkam ng gobyerno ang ilang mga
kayamanag niyang hindi niya idineklara sa kanyang SALN. Narito ang ilan sa mga
ari-arian ng dating Pangulong Joseph Estrada.
1. Boracay Mansion
Nag-mamay-ari si Erap
ng isang Boracay Mansion sa New Manila, Quezon City. Bagaman sinasabi ng dating
pangulo na ang Boracay Mansion ay hindi umano sa kanya kundi pag-aari ng
businessman na si Jaime Dichaves. Isa ang property na ito sa mga iniutos ng
korte na makasama sa pagkuha mula sap ag-aari ng dating pangulo.
2. House in North
Greenhills
Sa bagong SALN ng
dating Pangulo ay isinama niya ang kanyang 3000 square meter property sa North
Greenhills, San Juan City na naging bahay para sa dating pangulo. Subalit ang
bahay niyang ito ay plano rin niyang ibenta upang makabayad sa kanyang mga
pag-kakautang mula sa mga nagugol niya sa kampanya. Nagkakahalaga ang bahay ng
200 milyon pesos.
3. Emar Suites
Ang Emar Suites ay
isang 28-storey condominium sa Shaw Boulevard sa Mandaluyong City. Isa ito sa
itinayong proyekto ng construction company ng dating pangulong Joseph Estrada. Ang
pangalang Emar ay ang mga simulang letra ng mga pangalan ng kanyang mga
magulang na sina Emilio at Mary Ejercito.
4. Tanay Rest House and Museum
Mula sa pagkaka-aresto
niya matapos ang sinasabing EDSA Dos ay na impeached ang dating Pangulong Erap
at inilagay sa house arrest na kung saan ito ang ginawa niyang Tanay Rest House
and Museum. Ang Tanay Rest House and Museum na ito ay may sukat na 19 hectare.
Mayroon ditong mga house for rent, public swimming pool at hotel.
5. Erap Muslim Youth Foundation Bank Account
Ipina freeze din ng
gobyerno ang bank account ng Erap Muslim Youth Foundation na naglalaman ng
kabuuang halaga ng 201.396 milyon pesos. Subalit hindi naman nakalagay sa
nasabing Youth foundation na beneficiary nito ang dating pangulo.
6. Jose Velarde Bank Accounts
Kasama sa mga na freeze
na bank account na sinasabing pag-aari ng dating pangulo ay ang mga bank
accounts na nakapangalan kay Jose Velarde. Ang halagang nakadeposito sa
nasabing account ay nagkakahala ng 189,700,000 thousand pesos.
Maliban
sa mga nabanggit sa itaas ay nagmamay-ari din siya ng maraming mga sasakyan
gaya ng Mercedez Benz, Nissan Maxima, dalawang Toyota Crown, Nissan Pathfinder,
Mitsubishi at iba pang motor vehicles na nagkakahalaga ito ng lagpas sa anim na
milyong peso.
Sa kanyang SALN na
noong 1999 ay mayroon siyang mga idineklarang cash on hand sa banking,
marketable securities, investments at receivables na aabot sa 172 milyon pesos.
Bagaman tinagurian
siyang most corrupt president ng ating bansa ay marami paring mga naniniwala sa
dating pangulong Erap Estrada.