TOP 10 LEADING LADY NI DA KING FERNANDO PO JR


 

Dahil sa husay na kanyang ipinakita sa larangan ng paggawa ng mga pelikula ay hinangaan siya ng taong bayan. Minahal si Fernando Poe Jr. ng maraming mga manonood anupat umabot sa mahigit sa 200 ang mga pelikulang kanyang nagawa. Nabuhay siya noong 1939 at pumanaw noong 2004 sa edad na 65 taong gulang.

 

Maliban sa kanyang husay sa pakikpagbakbakan ay marami ring mga manonood ng inaabangan ang kilig na dala ng love story angle ng kanyang mga pelikula.

 

Narito ang top 10 leading lady na nakasama ni Fernando Poe Jr. na nagpakilig sa mga manonood.

 














1. Charo Santos

Nakasama ni Fernando Poe Jr. si Charo Santos sa Pelikulang Aguila noon 1980. Ang pelikula ay kwento ng isang matandang si Daniel Aguila na ginagampanan ni Fernando Poe Jr. Nagkatipon ang pamilya Aguila upang ipagdiwang ang ika 88 kaarawan ng kanilang nawawalang lolo na halos mag-iisang dekadang taon nang hindi masupungan at itunuring na nilang patay. Subalit nagulantang ang lahat ng makatanggap ng balita ang mga anak na si Daniel Aguila ay buhay.

 











2. Nora Aunor

Isa si Nora Aunor sa nakasama ni Fernando Poe sa pelikulang Little Christmas Tree noong 1977.

 




















3. Rio Locsin

Nakasama ni Da King si Rio Locsin sa pelikulang Kapag Lumaban ang APi king saan ito ay kwento ng pagtakas sa bilangguan ng bida upang iahiganti ang pagkamatay ng kanyang ama at panggagahasa sa kanyang kapatid na babae.

 











4. Sharon Cuneta

 

Nagpakilig naman sa maraming manonood ang tambalan nina Fernando Poe Jr. at Sharn Cuneta sa pelikulang Kahit Konteng Pagtingin. Ang pelikula ay nakatuon sa kay Georgia na ginagampanan ni Sharon Cuneta at ng kanyang body guard na si si Delfin na ginagampanan naman ni Fernando Poe Jr.

 













5. Nanette Medved

Naalala mo ba ang pelikulang ginawa ni Fernando Poe Jr kasama si Nanette Medved? Ito ay walang iba kundi ang palabas na Dito sa Pitong Gatang noong 1992. Ang pelikula ay nangyari sa isang barangay ng Tondo na Pitong Gatang kung saan si Berting Cayabyab na ginagampanan ni Fernando Poe Jr, ay ang Barangay Kapitan.

 












6. Alice Dixson

Nagpakilig naman sina Alice Dixson at Fernando Poe Jr. sa pelikulang Walang Matigas na Tinapay sa Mainit na Kape noog 1994.

 


















7. Anjanette Abayari

Sa pelikula namang Ang Syota Kong Balikbayan noong 1995 ay kinaaliwan rin sila ng mga manonood dah isa  kanilang pagpapakilig. Ang istorya ay patungkol kay Cathy na nagmula sa US. Sa kanyang pagbalik sa bansa ay na diskrubre niya ang balak ng kanyang uncle na kunin lahat ng kanyang kayamanan at mana.

 










8. Vilma Santos

Sa pelikulang Ikaw ang Mahal ko noong 1996 ay nagkasama sina Fernando poe at Vilma Santos. Ang pelikula ay patungkol kina Pilo bilang isang mild-mannered bodyguard at si Miling na isang old-fashioned probinsiyana na tumakas sa kanilang probinsya nang nais siyang ipakasal ng kanyang tiyahin sa isang mayamang matanda sa kanilang probinsya. Tadhana ang dahilan ng pagkita ng dalawa.

 











9. Dindi Gallardo

Sa isang sikat na pelikula nagkasama sina Dindi Gallardo at Fernando poe Jr. Ito ay sa pelikulang Ang Probinsyano noong 1997. Ang pelikulang ito ang binigyang muli ng buhay ni Coco Martin sa palabas pantelebisyon. Ang kwento ay patungkol sa paghihiganti sa pagkamatay ng kambal ni Kardo na si Leon at paghuli sa mga drug syndicate at corrupt  na policeman.













10. Dina Bonnevie

Taong 2002 naman nagkasama sina Fernando Poe Jr. at Dina Bonnevie sa pelikulang Batas ng Lansangan. Dito ay ginampanan naman ni Da King ang katauhan ni Major Ruben Medrano na isang elite anti-kidnaping task force. Subalit sa isang pagkakataon ay na suspend siya dahilan ng kanyang pagkalipat sa Maynila. Dito ay gusto niyang makasama ang anak na si Marissa na matagal nang nanirahan sa kapatid na babae ng kanyang asawa na namatay.


BASAHIN PA ANG IBA PANG MGA POSTS NA ITO

KILALANIN ANG MGA LALAKING MINAHAL NI MARJORIE BARRETTO

Si Marjori Barretto ay isang dating aktres at politico sa ating bansa. Naging city councilor siya ng ikalawang distrito ng   Coloocan mula...