KILALANIN SI VIC DIAZ AT ANG KANYANG MGA ANAK


KILALANIN ANG MGA ANAK NI VIC DIAZ

 

Dahil sa kanyang anyo gaya ng kanyang malapad, masayang ngiti, mapupungay na mga mata, itim na bigote, at umuusbong na tiyan, ay madalas siyang gumanap bilang character actor sa mga horror films. Siya ay madalas na maikumpara sa actor na si  Peter Lorre.

 

Ipinanganak si Vic Diaz sa Maynila noong 1932, unang binalak ni Vic na maging isang abogado dahil sa ang kanyang ama ay isang Punong Mahistrado.

Pagkaraan ng apat na taon ng pagsasanay sa abogasya ay tila  hindi nararamdaman ni Vic ang kasiyahan sa napiling propesyon kaya’t nagpasya siya na ituloy ang isang karera sa pag-arte.

 

Nagsimula siyang magtanghal sa mga teatro noong 1949. Sa huling bahagi ng 1950s sinimulan niya ang kanyang napakahabang karera sa pelikula. Nakilala siya sa pelikulang The Day of the Trumpet noong 1958.

Hindi nagtagal ay nakakuha si Vic ng napaaraming proyekto sa mga palabas na ginawa ng mga director na sina Eddie Romero at Cirio H. Santiago.

Kabilang sa kanyang madalas na maging role sa pelikula ay isang walang awang smuggler ng brilyante sa pelikulang Monte Hellman's Flight to Fury (1964).

Ginampanan naman niya ang isang tuso at mapanlinlang na Satanas sa The Beast of the Yellow Night noong 1971, isang magiliw na mekaniko sa pelikulang The Losers noong 1970 ni Jack Starrett at isang flamboyant homosexual prison guard sa nakakatuwang chicks-in-chains send-up ni Jack Hill na The Big Bird Cage noong 1972.

 

Noong 2001 ay kinailangan niyang kusang huminto sa pag-arte dahil sa katandaan at hindi magandang kalusugan. Gayunpaman, sa kabila ng kanyang pagreretiro, hindi maitatatwa na maraming magagandang kontribusyon sa industriya si Vic Diaz na patuloy na nagpapasaya at nagbibigay-aliw sa mga tagahanga ng kanyang mga pelikula sa mga susunod pang mga taon.

 

Nagkaroon ng mga anak si Vic Diaz sa kanyang asawang si Kit Diaz. Narito’t kilalanin natin sila.

 

1. Teddy Diaz

Si Teddy Diaz ay isinilang noong Abril 1, 1963 sa Maynila at namayapa naman noong Agosto 21, 1988. Siya ay kilalang Filipino Musician at composer. Nakilala siya dahil sa siya ang founder at original guitarist ng bandang The Dawn.

Isa siya sa mga sumulat ng kanilang unang singles na “enveloped Ideas” at ng popular na hit song na Salamat na narinig noong 1989.

Sa rurok ng kanyang tagumpay at kasikatan noogn dekada 80 ay sinaksak siya ng dalawang taong pinaghihinalang gumamit ng ipinagbabawal na gamot. Nangyari ito sa harap mismo ng bahay ng kanyang kasintahan.

 

Ang dalawa pang anak ni Vic Diaz ay sina Loren Diaz at Carl Diaz na pawang mga pribado ang mga pamumuhay.

 

 


KILALANIN SI SUBAS HERRERO AT ANG KANYANG MGA ANAK

KILALANIN SI SUBAS HERRERO AT ANG KANYABNG MGA ANAK

 

Si Ricardo Herrero na mas nakilala natin sa mga pelikula bilang si Subas Herrero ay isa sa mga batikang actor na kadalasang gumanap bilang boss ng mga kontrabida. Siya ay may lahing Espanyol. Maliban sa pagiging kontrabida ay isa rin siyang komedyante at magaling ring kumanta.

 

Nakilala si Subas Herrero sa pelikulang Champoy noong 1980s. Isang Philippine Gag Show. Lumabas rin siya sa mga pelikulang Bakekang noong 1878, Karapatan ko ang Pumatay, at Kapitan Guti noong 1990.

 Gumanap siya bilang si Padre Damaso sa Noli Me Tangere television film noong 1992.

 

Naging aktibo si Subas Herrero sa showbiz industry hanggang sa noong siya ay na stroke noong 2000.

 

Kasal si Subas Herrero kay Maripaz kung saan nagkaroon sila ng limang anak. Ito ay sina Cutuy Herrero, Marimi Herrero Jaarsma, Sandra Herrero Gonzalvez at Choy  Herrero.

 

Siya ang gumanap bilang ssi Emilio Torralna sa Pelikulang Pagbabalik ng Probinsyano. Madalas siyang gumanap bilang isang Don sa pelikulan gaya ng sa pelikulang Yakapin Mo Ako Muli bilang si Don Simeon, Jesus dela Cruz at amg mga Batang Riles bialng si Don Rosende, Alyas Pogi 2 bialng si Don Felipe, Manong Gang: ang Kilabot ang ang Maganda bilang si Don Leo Cordero at marami pang ibang mga pelikula.

 

Noong 2010 ay sa United States na nanirahan ang buong pamilya ni Subas Herrero maliban lamang sa isa niyang anak na si Choy na mas piniling manirahan dito sa Pilipinas.

 

Namatay si Subas Herrero sa Rochester, New York noong March 14, 2013 dahil sa pulmonary embolism. Bago ito ay mahabang panahon rin siyang naka wheelchair dahil sa stroke at iba pang mga sakit na bunga ng kanyang diabetes.

 


KILALANIN SI DOMINIC OCHOA "LINDOL MAN" AT ANG KANYANG ANAK

KILALANIN SI DOMIIC OCHOA AT ANG KANYANG MGA ANAK

 

Ang tunay niyang panagalan ay si Jose Madrigal Ochoa na mas nakilala natin sa mundo ng showbiz bilang si Dominic Ochoa. Siya ay isang magaling na actor, komedyante, model at naging bahagi ng ABS CBN homegrown talents na Star Magic. Nakabilang siya sa pang apat na batch ng nasabing programa.

 

Unang lumabas sa telebisyon si Dominic noong nabigyan siya ng pagkakataon bilang guest sa TSIS ng GMA Network noong 1996. Matapos na lumipat sa ABS CBN a taong ding iyon ay napabilang siya sa oriented dramaTV program na Gimik. Kalaunan ay naging bahagi ng Super Laff In. Ito ang una niyang komedy show kasama ang namayapang si Redford White. Nagtrabaho si Dominic sa nasabing TV channel sa mahigit sa 26 na taon hanggang sa kasalukuyan.

 

Marami na ring mga pelikula at palabas ana nagawa si Dominic at sa ilan sa mga ito ay nakasama pa niya ang mga sikat na actor na sina Rico Yan, Marvin Agustin, Vhong Navarro at marami pang iba.

 Noong mga nakaraang taon ay akabilang siya sa mga palabas na Saying Goodbye, 2 Good 2 Be Truem at ngayon ay sa mga kasalukuyang palabas gaya ng Abot-Kamay na Pangarap at ang Mars Ravelos’s Darna bilang si Lindol Man.

 

Nagawaran rin si Dominic bilang Best Drama Actor noong 2000, best Performance at Best Talent Search Program Host.

Kasal si Dominic sa isa sa mga pinakamahusay ng make up artist sa bansa na si Denise Go. Ilan sa mga sikat na tumatangkilik sa kanyang galing ay sina Toni Gonzaga, KC Concepcion, Sarah Geronimo, Bea Alonzo, Jodi Sta. Maria at maging si Kathryn Bernardo.

 

Mayroong anak si Denise at Dominic ito ay si Sandro. Bata pa man si Sandro ay kakikitaan na ito ng talino at pagiging responsabling anak. Maaring sundan rin si Sandro ang yapak ng kayang ama sa pagiging isang artista sa darating na panahon.

 

BASAHIN PA ANG IBA PANG MGA POSTS NA ITO

KILALANIN ANG MGA LALAKING MINAHAL NI MARJORIE BARRETTO

Si Marjori Barretto ay isang dating aktres at politico sa ating bansa. Naging city councilor siya ng ikalawang distrito ng   Coloocan mula...