Si Imelda A. Papin ay ipinanganak noong January26 1956. Siya ay isang kilalang mang-aawit sa ating bansa at tinaguriang Reyna ng Mang-aawit na Sentimental.
Sumikat nang husto ang mga kantang Isang Linggong Pag-ibig at Bakit, Kung Liligaya ka sa Piling ng Iba at marami pang iba na hanggang sa ngayon ay inaawit ng karamihan sa atin.
Si Imelda Papin ay tubong Presentacion, Camarines Sur.
Nagsimula lamang si Imelda sa pagkanta sa kanilang village at kalaunan ay sumali
sa mga kompetesyon sa kanilang rehiyon.
Una niyan na record ang kantang Bakit na narinig natin sa
halos karamihang mga radio stations sa buong Pilipinas at sinundan pa ito ng
marami pang mga kanta.
Lumabas si Imelda sa ibang bansa at nagtrabaho sa Las Vegas bilang isang regular performer at naging isang instant celebrity. Siya ang kauna-unahang Filipino artist na naging host ng three hour telethon sa channel 18 sa Los Angeles, California. Naging host din siya ng Television sa Los Angeles sa LA-18 sa kanyang programang Imelda Papin in America.
Noong 1995 ay tumakbo si Imelda bilang governor ng
probinsya ng Camarines Sur ngunit hindi ito pinalad na manalo. Noong 1998 naman
ay na elect siya bilang Vice Governor sa loob ng dalawang termino. Tumakbo rin
siyang congresswoman noong 2004 at senador noong 2010 ngunit hindi siya nanalo.
Noong 2019 naman ay muling tumakbo si Imelda bilang vice gobernor at nanalo ito.
Si Prince Carlo Go ang naging asawa ni Imelda ngunit
nagkahiwalay din sila at na annulled. Nagkaroon sila ng isang anak na babae.
Siya ay si Maria France Papin.
Si Maria France ay isang Singer, Dance, aktres, model at
host. Siya ay isa ring title holder ng Noble Queen of the
Universe-International.
Noong nakaraang taon ay ipinagtanggol ni France ang kanyang
ina dahil sa pagkanta nito sa Iisang Dagat na naging usap usapan sa social
media dahil sa nooy mainit na isyu tungkol sa agawan ng dagat ng bansag
Pilipinas at ng China.
Ang awiting iyon ay patungkol lamang umano sa pagkaka isa at hindi isang propaganda upang paboran ang china sa kanilang pag-angkin sa dagat ng pilipinas.
Umabot sa higit sa 100k dislike ang nasabing music video.
No comments:
Post a Comment