KILALANIN SI HILDA KORONEL AT ANG KANYANG MGA ANAK


Si Hilda Koronel o si Susan Reid ay isinilang noong January 17, 1957 at siya ay isang MMFF, FAMAS, Luna at Urian Awardee dahil sa kanyang husay bilang aktress.

 

Ang kanyang ama ay isang American na dating nagtrabaho sa Clark Air Base.

Bumida si Hilda sa mga halos lagpas sa 45 mga pelikula na tinangkilik noong dekada 70. Sa mga taong ito ay nagsimula siya sa Lea Production bilang contract star at naipares sa mga aktor na sina Ed Finlan, Walter Navarro, Tirso Cruz, at Jay Ilagan na kalaunan ay kanyang naging asawa.

Sa mga taong 1975 at 1976 ay bumida siya sa mga pelikulang Maynila:Sa mga Kuko ng Liwanag at Insang na kung saan sa mga ito ay nanalo siya ng FAMAS Award at Gawad Urian Award.

Taong 2000 naman ay muling nag-asawa si Hilda ng isang Filipino-American Businessman na si Ralph Moore Jr na taga Nevada. Ilan pa sa mga nakarelasyon ni Hilda ay sina Bambi del Castillo, Spanky Monserrat at Dr. Victor Lopez.

Mula sa limang lalaking minahal ni Hilda ay nagkaroon siya ng anim na anak. Narito’s kilalanin natin sila.

1.  Leona Paula Reid Ilagan

Si Leona ang panganay na anak nina Hilda at Jay Ilagan. Siya ang palaging kasaksama ng kanyang ina at madalas din silang magbonding kasama pa ang nakababatangkapatis na si Martina Gabrielle. Si Leona ay may anak na nagngangaalng sofia ines. Si Ines ang pinaka bunsong apo ni Hilda.

2. Ivy

Si Ivy naman ay napangasawa si teng at nagkaroon sila ng dalwang anak na sin Carla Margarita at Alysa.

 

3. Karen Patricia

Si Karen naman ay naninirahan sa New Zealand kasama at ang kanyang pamilya. May anak na rin si Karen na nagngagnalang Danniella.

Sina Leona, Ivy at Paricia ay mga ana ni Hilda kay Jay Ilagan.

4. Clara Isabel

Nakapag-asawa namang ng foreigner si Clara Isabel na nagngangalang Freddie. Si Isablle ay anak ni Hilda kay Bambi del Castillo.

 

5. Matina Gabrielle

Si Martina Gabriel ang bunso sa mga babaeng anak ni Hilda. Siya rin ang nagtataglay ng kagandahang namana niya sa kanyang ina. Si Gabriel ay anak naman ni Hilda kay Spanky Monserrat.

 

6. Diego

Si Diego naman ang nag-iisng anak na lalaki Hida. Si Heidi naman ang naging asawa ni Diego. Si Diego ay anak naman ni Hilda kay Dr. Victor Lopez.

 

Lahat ng mga anak ni Hilda ay piniling maging probado ang pamumuhay. Pagbisita at pangungumusta na lamang ang ginagawa ni Hilda kasama ang kanyang bagong asawa sa kanilang mga anak sa iba’t-ibang bansa.

Sa kasalukuyan ay magkasama sina Hilda at ang kanyang asawang si Ralph sa pag-gabay sa kanilang mga anak.


KILALANIN SI IMELDA PAPIN AT ANG KANYANG ANAK

Si Imelda A. Papin ay ipinanganak noong January26 1956. Siya ay isang kilalang mang-aawit sa ating bansa at tinaguriang Reyna ng Mang-aawit na Sentimental.


Sumikat nang husto ang mga kantang Isang Linggong Pag-ibig at Bakit, Kung Liligaya ka sa Piling ng Iba at marami pang iba na hanggang sa ngayon ay inaawit ng karamihan sa atin.

Si Imelda Papin ay tubong Presentacion, Camarines Sur. Nagsimula lamang si Imelda sa pagkanta sa kanilang village at kalaunan ay sumali sa mga kompetesyon sa kanilang rehiyon.

Una niyan na record ang kantang Bakit na narinig natin sa halos karamihang mga radio stations sa buong Pilipinas at sinundan pa ito ng marami pang mga kanta.


Lumabas si Imelda sa ibang bansa at nagtrabaho sa Las Vegas bilang isang regular performer at naging isang instant celebrity. Siya ang kauna-unahang Filipino artist na naging host ng three hour telethon sa channel 18 sa Los Angeles, California. Naging host din siya ng Television sa Los Angeles sa LA-18 sa kanyang programang Imelda Papin in America.

 

Noong 1995 ay tumakbo si Imelda bilang governor ng probinsya ng Camarines Sur ngunit hindi ito pinalad na manalo. Noong 1998 naman ay na elect siya bilang Vice Governor sa loob ng dalawang termino. Tumakbo rin siyang congresswoman noong 2004 at senador noong 2010 ngunit hindi siya nanalo.


Noong 2019 naman ay muling tumakbo si Imelda bilang vice gobernor at nanalo ito.

Si Prince Carlo Go ang naging asawa ni Imelda ngunit nagkahiwalay din sila at na annulled. Nagkaroon sila ng isang anak na babae. Siya ay si Maria France Papin.

 

Si Maria France ay isang Singer, Dance, aktres, model at host. Siya ay isa ring title holder ng Noble Queen of the Universe-International.

Noong nakaraang taon ay ipinagtanggol ni France ang kanyang ina dahil sa pagkanta nito sa Iisang Dagat na naging usap usapan sa social media dahil sa nooy mainit na isyu tungkol sa agawan ng dagat ng bansag Pilipinas at ng China.


Ang awiting iyon ay patungkol lamang umano sa pagkaka isa at hindi isang propaganda upang paboran ang china sa kanilang pag-angkin sa dagat ng pilipinas.

Umabot sa higit sa 100k dislike ang nasabing music video.


KILALANIN SI GINA PAREÑO AT ANG KANYANG ANAK


Si Gina Pareño ay ipinanganak noong Oktubre 20, 1949 bilang Gina Acthley. Siya ay isang batikang artista sa ating bansa Nag-umpisang sumikat si Gina sa mga pelikula noong 1963 at higit siya nakilala noong 1966 kasama sina, Blanca Gomez, Shirley Moreno, Dindo Fernando., Edgar Salcedo at iba pa. Siya ay may lahing Aleman at Amerikano.

 


Siya ay nanalo bilang Pinakamagaling na Aktres na Osian Film Festival na ginanap sa New Delhi, India para sa kanyang ginawang pelikulang Kubrador noong 2006. Maliban dito ay nanalo rin siya sa MMFF bilang suppoting aktres bilang isang ina sa pelikulang Kasal, Kasali, Kasalo.

Isa rin si Gina Pareno sa mga aktres na kinilala sa 61st Cannes Film Festival noong 2008 kasama ang aktres na si Jaclyn Jose sa kanilang pagganap sa pelikulang Brilliante Mendoza’s Serbis.

 

Marahil ay madalas mo rin siyang mapanood sa mga paborito mong mga palabas sa telebisyon gaya ng Kara Mia bilang si Corazon, Ikaw Lang ang Iibigin bilang si Lydia at Born for you Bilang si Caridad.

Tanging si Janica Pareno ang nag-iisang anak na babae ni Gina. Si Janica ay isa ring aktres kagaya ng kanyang ina. Lumabas siya sa mga pelikulang Pusoy Dos noong 1993 at Alfredo S. Lim: The Untold Story noong 2013.


Sa pelikula namang Lorenzo’s Time ay ginampanan ni Janica ang batang papel ni Gina Pereno bilang loyal yaya ni Zaijan. AKsidente lamang ang nangyaring pagganap noon ni Janice sa pelikulang iyon dahil sa naghahanap umano si Direk Jerome Pobocan ng batang gaganap sa tauhan ni Gina at nagkataon namang sumama siya sa kanyang ina sa taping kaya’y siya na ang kinuha ng direktor.

Maliban sa mga ito ay kasama rin siya sa mga casts ng Legal Wives na napapanood sa kapuso network sa kasalukuyan.


Matatandaang na gumawa pa ng ibang mga pelikula si Janice noong 1990s. Ngunit sa isang interview ay inamin ng aktres na hindi talaga ang pagiging aktres ang nais niyang gawin. Kaya’t mahabang taon ang hindi siya naging aktibo sa showbiz industry. Pumayag lang umano si siya noong na mag artista dahil sa pinilit umano siya ng kanyang ina.

 

KILALANIN ANG MGA ANAK NI ROSEMARIE SONORA


Si Rosemarie Sonora ay ipinanganak April 14, 1948 sa Lungsod ng Bacolod. Siya ay isa sa mga aktres sa ating bansa na sumikat noong dekada 60.

 Napasok niya ang mundo ng showbiz dahil sa kanyang ate na si Susan Roces na su Jesusa Purificacion Sonora Poe sa tunay na pangalan.

 


Una siyang nabigyan ng sarili niyang pelikula noong 1958 na Ulilang Anghel, isang pampamilyang drama, na nilahukan ng mga naglalakihang artista ng Sampaguita Pictures.

Nilunsad siya noong 1966 kasama ang noo'y baguhan na sina Gina Pareño, Loretta Marquez, Blanca Gomez, Shirley Moreno, Dindo Fernando, Bert Leroy Jr., Edgar Salcedo at iba pa at tinawag silang Stars of year '66.

 

Naging kabiyak niya ng dibdib si Ricky Belmonte na isa ting matinee idol noong 1960s at nagkaroon sila ng tatlong anak. Narito’t kilalanin natin sila.

 

1.  Renzo Cruz

Si Renzon ang panganay na anak nina Rosemarie at Ricky. Siya ay lumabas sa mga pelikulang Exit point, Tulak ng Bibig Kabig ng Dibdib at maging sa mga palabas pantelebisyon gaya ng Pepito Manaloto, Walang Hanggan at Mara Clara.

Maliban sa pagiging aktor ay isa rin siyang producer.

 

2.  Sheryl Cruz


Si Sheryl Cruz ay ipinanganak noong April 5, 1974. SIya ay isang ring artista sa ating bansa. Siya ang nag-iisang  anak na babae nina Ricky at Rosemarie. Una siyang lumabas bilang child star sa pelikulang “Candy.”

Lumabas siya sa pelikulang Mga Basang Sisiw kasama nina Julie Vega, Janice de Belen at Che Che. Lumabas din siya sa pelikulang Kapag Nag-abot ang Langit at Lupa 'ng Seiko Films kasama si Romnick Sarmenta. Pansamantalang tumigil si Cruz sa pelikula nang siya ay magpakasal at naniraha sa Estados Unidos kasama ang kanyang asawang si Norman John Bustos.

Ngayon ay aktibo parin si Sheryl Cruz sa pag-aartista at paglabas sa mga teleserye ng Kapuso Network.

 

3.  Patrick Sonora


Si Patrick ang bunso sa magkakapatid. Dati rin siyang aktor ngunit tumigil ito nang magkahiwalay ang kanilang mga magulang. Naiwan si Patrick noon sa pangangalaga ng kanyang amang si Ricky. Nang umalis ang kanyang ating si Sheryl upang manirahan sa San Francisco at ang pag-alis rin ng kanyang kuya Renzo ay pinili na rin si Patrick na sumama sa kanyang ina.

Ipinagbili nila ang kanilang bahay sa Valle Verde at pinaghati-hatian ang napagbiling halaga. Matpos ito ay umuwi si Ricky sa kanyang kapatid na si Elizabeth sa Paranaque at doon siya ay na stroke at binawian ng buhay.

 

KILALANIN SI ANGEL CONFIADO AT ANG KANYANG MGA ANAK


Isa si Angel Confiado sa mga kilalang aktor na sumikat noong dekada 60 na nakilala sa mga pelikulang Assignment Hongkong noong 1965, Mga Bagong Salita noong 1966 at Kalinga noong 1969.


Nakasa rin siya sa mga pelikulang Impakto noong 1996 bilang is Manong,  Shake Rattle and Roll V noong 1994 bilang si Mang Isko at Multo in the City bilang si Mang Tomas.


Si Angel ay nagkaroon ng tatlong anak narito’t kilalanin natin sila.


  1. Mon Confiado


Siya ay si Ramon Confiado sa tunay na buhay at nakilala natin bilang si Mon Confiado. Isa si Mon sa mga hinahangaan nating aktor dahil sa kanyang husay sa pagganap sa mga pelikulang kanyang ginawa. Si Mon ay anak ni Angel mula sa pangalawa nitong pamilya. Isinilang si Mon noong March 1, 1968  sa Sampaloc, Maynila.


Kabilang is Mon sa mga palabas pantelebisyon gaya ng Legal Wives bilang si Mayor Usman Pabil, A Soldier’s Heart noong nakaraang taon bilang si Major Raul Lucente, at maging sa mga seryer ng Imbestigador, Ipaglaban, at maalaala mo kaya.


Nanalo si Mon bilang best supporting actor sa mga pelikulang Mga Gabing Kasing Haba ng Hair Ko at Eddie’s Romero Faces of Love noong 2007.



  1. Albert Andrew Confiado





Si Albert Andrew ay ang kapatid na lalaki ni Mon. Siya ay isang aspiring Film-maker at Visual Artist. Madalas na ipinagbibili ni Albert ang kanyang mga art works dahil sa nag-iipon anya siya ng ponso para sa kanilang ginagawang malalaking proyekto gaya ng dull-length feature film na kung saan ay kailangan nilang mag hire isang film producer. Makikira sa intagrama ccount ni Albert ang ilan sa kanyang mga magagandang gawa.





  1. Kai Confiado Aguilar




Si Kai ay ang nag-iisang anak na babae ni Angel Confiado at kapatid nina Mon at Albert. Siya ay mayroon nang mga cute na anak na madalas maging ka bonding ng visual artist na si Albert. Itinuring ni Albert na ina ang kanyang nakakatandang kapatid na babaeng si Kai dahil sa pag-aalaga nito sa kanya mula pa nang siya ay bata pa lamang. Madalas namang mag bonding ang magkapatid na Mon at Albert.







TIRE OF READING? WATCH THE VIDEO HERE

KILALANIN ANG MGA ANAK NI RONNIE HENARES


Marahil ay pamilyar ka sa kanyang linyang Pepito My Friend at ngayon ay kumalat ang kanyang memes na Hidilyn My Friend.

 


Siya ay si Ronnie Henares. Isa sa mga batikang aktor, producer at talent manager sa ating bansa. Kilala natin siya bilang si Tommy Diones sa palabas na Pepito Manaloto ng GMA Network.

Ngunit alam mo ba kasama na isa rin siyang vocalist ng bandang Midlife Crisis at naging manager ng mga sikat na singer sa ating bansa kagaya nina Regine Velasques at Lani Misalucha.

 


Maliban sa Pepito Manaloto ay lumabas din siya sa Time of my Life, Coffee Prince, Forever, Genesis, Destined to be Yours, The Cure, Cain at Abel at sa Descendants of the Sun.

Hinahangaan natin siya sa kanyang galing at husay ngunit mas marami ang humahanga sa kanyang bilang ama lalot na sa mga taong malapit sa kanya. Si Ida ang babaeng asawa ni Ronnie at nagkaroon sila ng mga anak. Narito’t kilalanin natin ang mga anak ni Ronnie Henares sa artikulong ito.

 

1. Stephanie Henares


Si Stephanie ay nagtapos sa De La Salle University at ngayon ay nagtatrabaho bilang Assistance Vice President Marketing ng SM Supermalls. Isa rin siyang aktress na lumabas sa mga pelikulang Byeonshin noong 2019, Paglipad ng Angel noong 2011 at A Secret Affair noong 2012.

Ikinasal si Stepahanie noong March 5, 2016 sa former commercial model at actor na si Gino Dela Pena.

 

2. Christian Henares


Isa ring aktor si Christian na lumabas sa ilang pelikula gaya ng Rakenrol noogn 2011, Pepito Manaloto noong 2010 at Hollywood Real noong 2019.

 

3. Julia Henares


Si Julia nag nakababatang kapatid na babae ni Stephanie. Siya ay nagtapos rin sa De La Salle College of Saint Benilde. Nagtatrabaho s Juli abilang isang Brang Manager ng Ambidextr Media Corporation sa Metro Manila. Kinakikitaan din ng magandang pagmumukha si Julia na pang celebrity subalit pinili nitong maging pribado ang pamumuhay kasama ang kanyang ibang mga kapatid.

Mahilig din sa Art si Julia at mahilig siya sa mga cutem colorful at minimalistic designs.

4. Matthew Henares


Si Matt naman ay isang Chef. Siya ang isa pa sa anak na lalaki ni Ronnie.



 


BASAHIN PA ANG IBA PANG MGA POSTS NA ITO

KILALANIN ANG MGA LALAKING MINAHAL NI MARJORIE BARRETTO

Si Marjori Barretto ay isang dating aktres at politico sa ating bansa. Naging city councilor siya ng ikalawang distrito ng   Coloocan mula...