Si Aiko ay nagsimula sa showbiz industry
bilang isang child star noong dekada 80 sa pelikulang Santa Claus is Coming to
Town noong 1982. Mula naman noong dekada 80 hanggang 90 ay isa si Aiko sa mga
blockbuster leading lady ng mga sikat na aktor na sina Richard Gomez, Jomari
Yllana, at Aga Muhlach.
Dalawa ang anak ni Aiko. Narito’t kilalanin
natin sila.
1. Andre Yllan
Si Andre ay anak ni Aiko sa aktor na si Jomari Yllana. Sa ngayon ay isa si Andre sa mga hinahangaang teen aktor sa ating bansa. Ang pagmamahalan nina Aiko at Jomari ay nagtagal lamang ng tatlong taon mula 2000 hanggang 2003.
Pagkalipas ng tatlong taon na nagkahiwalay
sina Jomari Yllana at Aiko Melendez ay muling ikinasal si Aiko sa isang dating
model at aktor na si Martin Jickain. Ang kanilang pagsasama ng ay nag bunga ng
isang anak na babae na si Marthena Jickain. Tunay na nagtataglay ng isang
pambihirang kagandahan si Marthena dahil sa kanyang mestisang mukha at balat
gaya ng kanyagn ina.
Sa isang pahayag ni Marthena ay bestfriend
niyang maituturing ang kanyang ina na labis ang supporta sa kanya sa kanyang
pag-abot ng mga pangarap niya sa buhay.
Isa si Marthena sa mga manlalaro ng Volleybal
sa kanyang paaralan sa Saint Pedro Poveda College.
No comments:
Post a Comment