KILALANIN ANG MGA ANAK NI VIC VARGAS


Si Jose Maria Marfort Asuncion ay ipinanganak noong March 28, 1939 at pumanaw naman noong July 19, 2003. Mas nakilala natin siya bilang si Vic Vargas. Isang batikang aktor at  martial artist sa ating bansa. Si Vic ay nagkamit ng tatlon kampeonatp sa judo. Nagtapos siya ng kursong arkitektura sa University of Santo Tomas at pagkatapos ay naging isang guro at nagturo bilang PE instructor sa University of the East. Ngunit kalaunan ay naging abala na sa paggawa ng pelikula nang maimbitahan siya ng kanyang kaibigan.




Una siyang lumabas sa pelikulang Diegong Tabak noong 1962. Naipares siya kay Josephine Estrada sa pelikulang Prinsipeng Tulisan.


Ikinasal si Vic Vargas kay Rosanna Zamora.  Nagkaroon si Vic ng dalwang anak. Narito’s kilalanin natin sila.

 

1. Paolo Asuncion


Si Paolo ang isa sa mga anak ni Vic Vargas na madalas sumasama sa shooting ng kanyang ama noong ito ay bata pa. Si Paolo ay nagtatrabaho bilang isang graphic designer sa isang video game company.

Nahilig rin si Paolo sa pagmomotor. Sa interview ay sinabi bi Paolo na nagkahilig siya sa mga motorcycle nang maging art director siya ng isang local motorcycle magazine. Kasama ang mga kaibigan ay gumawa sila ng isang short moto film na kung saan ay nag restore sila ng isang Yamaha XS650.

 


Noong 2015 ay gumawa ng pelikula si Paolo sa isang event sa San Francisco na tinatawag na Dirtbag Challenge.Ang kwento ay nakatuon sa mga mga karanasan ng mga kabilang sa nasabing kompetesyon.

 

2. Basilio Anton Asuncion


Isa pa sa anak ni Vic Vargas ay si Basilio Anton. Noong 2009 ay isa sa mga nanali si Anton sa 2009 Man of the Year contest kasama sina Athan Collada, at RG region.

Mahilig sumali si Anton sa mga contest. Katunayan ay isa siya sa mga sumali sa Mr. and Ms. UE  noong 2012.

Sa ngayon ay may sarili nang asawa at anak su Anton.

 

Pumanaw si Vic Vargas sa edad n 64. Labin limang araw pagkatapos niyang maistrok at ma koma.


KILALANIN ANG MGA ANAK NI AIKO MELENDEZ


Si Aiko Melendez ay isinilang noong December 16, 1975. Siya ay isa sa mga aktres na hinahangaan ng marami dahil rin sa kanyang husay sa pagganap sa mga palabas pampelikula at pantelebisyon. Dati rin siyang myembro ng Quezon City Council ng ikalawang distrito si Aiko mula 2001 hanggang 2010.

Si Aiko ay nagsimula sa showbiz industry bilang isang child star noong dekada 80 sa pelikulang Santa Claus is Coming to Town noong 1982. Mula naman noong dekada 80 hanggang 90 ay isa si Aiko sa mga blockbuster leading lady ng mga sikat na aktor na sina Richard Gomez, Jomari Yllana, at Aga Muhlach.


Dalawa ang anak ni Aiko. Narito’t kilalanin natin sila.

 

1. Andre Yllan


Si Andre ay anak ni Aiko sa aktor na si Jomari Yllana. Sa ngayon ay isa si Andre sa mga hinahangaang teen aktor sa ating bansa. Ang pagmamahalan nina Aiko at Jomari ay nagtagal lamang ng tatlong taon mula 2000 hanggang 2003.

 2. Marthena Jickain

Pagkalipas ng tatlong taon na nagkahiwalay sina Jomari Yllana at Aiko Melendez ay muling ikinasal si Aiko sa isang dating model at aktor na si Martin Jickain. Ang kanilang pagsasama ng ay nag bunga ng isang anak na babae na si Marthena Jickain. Tunay na nagtataglay ng isang pambihirang kagandahan si Marthena dahil sa kanyang mestisang mukha at balat gaya ng kanyagn ina.

 

Sa isang pahayag ni Marthena ay bestfriend niyang maituturing ang kanyang ina na labis ang supporta sa kanya sa kanyang pag-abot ng mga pangarap niya sa buhay.

Isa si Marthena sa mga manlalaro ng Volleybal sa kanyang paaralan sa Saint Pedro Poveda College.

 

 


KILALANIN ANG MGA ANAK NI EDDIE MESA


Si Eduardo de Mesa Eigenman ay isinilang noong February 18, 1940. Mas nakilala natin siya bilang si Eddie Mesa. Isang batikang actor at singer sa ating bansa. Nadiskubre ang kanyang talent sa pagkanta noong inawit niya ang isa sa mga kanta ni Sammy Davis na isang American Singer. Naging isa siyang lead singer ng Eddie Mesa ang the Trippers. Mula noon ay tinagurian siyang Elvis Presley of the Philippines dahil sa madalas niyang gayahin si Elvis Presley.


Madalas niyang maging kasama ang mga batikang aktor noon na sina Fernando Poe Jr. at ang asawa nitong si Susan Roces. Gumanap siya sa isang Hollywood film na The Raiders of Leyte Gulf noong 1963 at noong 1991 naman ay sa pelikulang Kaputol ng Isang Awit.
 
Marahil ay isa rin kayo sa nakapansin pagkakaroon niya ng magandang lahi. Ang ama ng batikang aktor ay mula sa isang Swiss-German ancestry.
 
 Nagkatagpo ang landas nina Eddie Mesa at ng kanyang asawang si Rosemarie Gil sa kanilang trabaho. Ikinasal sila noong 1961 at nagkaroon ng tatlong mga anak na ngayon ay kilala sa larangan ng showbiz industry. Muli nating balikan ang mga anak ni Eddie Mesa mula sa aktres na si Rosemarie Gil.
 
1. Michael Edward Eigenmann



Mas kilala natin siya bilang si Michael de Mesa. Isinilang si Michael de Mesa noong May 24,1960. Isa siya sa mga hinahangan aktor mula sa kanyang kabataan hanggang sa kasalukuyang panahon. Gumawa siya ng pangalan sa pelikula na talagang ginagiliwan ng maraming mga manonood. Kasal si Michael de Mesa kay Gina Alajar mula 1978. Tumagal ang kanilang pagsasama ng 23 taon at na annul noong 2006. Nagkaroon sila ng tatlong anak na sina Ryan, Geoff at AJ Eigenmann. Muling nag-asawa si Michael sa katauhan naman ni Julie Reyes na isang dancer choreographer. Sa ngayon ay kasama si Michael de Mesa sa Ang Probinsyano bilang si Ramil Taduran o si Manager.
 
2. Raphael John Eigenmann


Mas kilala natin siya bilang si Mark Gil. Isa rin si Mark Gil sa mga aktor na nagpagigil sa atin sa tuwing gumaganap siya bilang kontrabida. Ilan sa mga pelikulang kanyang kinabilangan ay Dugo ng Birhen: El Kapitan, Ben Balasador:Akin ang Huling Alas at marami pang iba. Naging aktibo rin siya sa telebisyon. Nakasama siya sa mga palabas na The Legal Wife bilang si Dante Ramos, My Husband’s Lovers bilang si Galo Agatep at marami pang iba.

Anim ag naging anak ni Mark Gil. Ito ay sina Gabriel, Katherine, Sid Lucero, Maxine, Andi Eigenmann at Stephenie.
Pumanaw si Mark Gil noong September 1, 2014 sa edad na 52 dahil sa cirrhosiss sa atay.
 
3. Evangeline Rose Gil Eigenmann


Isinilang siya noong June 21, 1963. Mas popular siya sa atin sa pangalang Cherry Gil. Siya ay isa rin sa mga batikang aktres na hindi matatawaran ang galing sa pag-arte. Nagsimula siya sa showbiz industry sa edad na 9. Kilala si Cherry Gil bilang si Lavinia Arguelles sa palabas na Bituing Walang Ningning na kung saan sumikat ang kanyang linya sa pelikula na “You’re nothing but a second-ratem trying hard copycat!

Nagkaroon naman ng tatlong anak si Cherry Gil na sina Bianca, Raphael at Jeremiah David.

Hanggang sa ngayon ay patuloy na lumalabas sa mga pelikula at palabas pantelebisyon si Cherry Gil at ang kanyang nakakatandang kapatid na si Michael de Mesa.
 
Sa ngayon ay namumuhay si Eddie Mesa sa United States na kung saan siya ay naging isang preacher.

 


BASAHIN PA ANG IBA PANG MGA POSTS NA ITO

KILALANIN ANG MGA LALAKING MINAHAL NI MARJORIE BARRETTO

Si Marjori Barretto ay isang dating aktres at politico sa ating bansa. Naging city councilor siya ng ikalawang distrito ng   Coloocan mula...