MGA NAGING ANAK NI CESAR MONTANO SA IBA'T-IBANG BABAE



Si Cesar Manhilot o mas kilala sa kanyang screen name na Cesar Montano ay isang batiking actor, film producer at director ng mga pelikulang Pilipino.



Nag simula sya sa showbiz industry bilang commercial model pagkatapos ay gumanap bilang leading man sa maaksyong pelikula na talaga naman kinahiligan nang maraming mga Pilipino.

Mas lalong nakilala noon si buboy sa kanyang pagganap bilang si Dr. Jose Rizal. Nakasama rin siya sa ilang Hollywood movie ni Benjamin Bratt na The Great Raid at isa pang Hollywood movie na Another Deep Breath.

Nanalo siya ng maraming acting awards sa mga pelikulang Panaghoy sa Suba, jose Rrizal, Muro Ami at Bagong Buwan. Maliban sa pagiging isang mahusay na artista ay isa rin siyang mahusay na singer at inilunsad nya ang kanyang music album na “Subok Lang” noong taong 2000.

Noong 2007 ay tumakbo siya bilang senador ngunit natalo ito. Natalo rin siya noong 2010 nang tumakbo bilang governador ng kanilang probinsya sa Bohol.

Anim ang sinasabing naging babae sa buhay ni Cesar Montano at mula sa mga ito ay nagkaroon siya ng 12 mga anak. Ngayon ay kilalanin natin ang mga anak ni Cesar Monatano sa kanyang mga babae.

1. Christian Angelo Manhilot



Si Christian Angelo, ang ikalawang anak ni Cesar Montano sa una nitong asawa na si Marilyn Polingga. Si Marilyn ay pumanaw noong 1993. 
Sinasabing nagpakamatay umano ang anak ni Cesar noong ito ay 23 anyos pa
lamang dahil sa pag-ibig.

2. Angela  Manhilot

Si Angela ang panganay anak ni Cesar sa kanyang unang asawa na si Marilyn. Naging pribado ang pamumuhay ni Angela. Sinasabing isang maligayang asawa at ganap nang ina ito. 

3. Diego Loyzaga


Si Carlos Diego Loyzaga, higit na kilala bilang Diego Loyzaga, ay isang Pilipinong aktor, modelo, at video jockey. Kilala siya bilang isa sa mga miyembro ng Kapamilya Cuties. Siya ay na nominate bilang Amazing Male Newcomer in Yahoo! Awards Philippines noong 2011. 

Anak siya ni Cesar Montano kay Teresa Loysaga. Si Teresa ay isa rin batiking artista sa Pilipinas. Isinilang si Diego noong Mayo 21, 1995 sa San Juan Maynila. Siya ay 25 taong gulang na sa kasalukuyan. Nag-aral muna siya sa Marcellis School sa Antipolo City bago manirahan sa Sydney at ipinagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa St. Aidan’s Catholic School sa Maroubra, Sydney at John Forest School sa Perth.

Bumalik siya ng Pilipinas noong 2011 para ipagpatuloy ang
kanyang acting career. Natapos niya ang kanyang high school sa OB Montessori
Center.

4. Angelina Isabele Manhilot



Si Angelina naman ang panganay na anak ni Cesar sa ikalawa nitong asawa na si Sunshine Cruz.  Noong nakaraang Abril ay nagtapos si Angelina ng high school sa De La Salle Zobel at ngayon ay papasok na sa pagiging kolehiyala. Bagaman hindi natuloy ang pagkakaroon ng graduation ceremony ay proud na proud pa rin si and ina nito na si sunshine cruz sa ipaalam sa publiko na nagtapos ang kanyang anak.

Marami ang humanga sa ganda at kaseksihan ng pangangatawan
ni Angelina anupat sinasabi ng maraming mga netizens na maari raw itong sumunod
na beauty queen. Maraming mga pelikula ang naka lign up na gagawin ni Angelina sa kontrata nya noong nakaraang taon sa ABS CBN isa na rito ang pelikulang One Friend kasama nag baguhang actor na si Bryce Ramos. Ipagpapatuloy din daw umano no Angelina ang kanyang music career. Kilala ang mga cruz sa galling sa pagkanta.

5. Samantha Angeline Manhilot



Isinilang noong Setyembre 24, 2001. Siya ay 17 taong gulang na sa kasalukuyan. Si Sam ay may mahigit sa kalahating milyong follower sa Instagram. Kasalukuyang nag-aaral rin si Sam at gaya ng kanyang ate ay mahilig din ito sa musika. Si Samantha ay isa ring kilalang YouTuber.

6. Angel Francheska Manhilot


Si Francheska ang bunsong anak ni Cesar kay Sunshine Cruz. Siya ay 15 gulang na sa kasalukuyan. Madalas siyang tawaging Chesca mula pa nang siya ay maliit. Umaabot sa 243,000 ang followers is Cheska sa kanyang Instagram.

7. Kisten Manhilot at 2 pang nakakatandang kapatid.

Ayon sa mga nakalap na impormasyon ng ilang entertainment websites ay nagkaroon ng tatlong anak si Cesar sa kinakasama niya sa kasalukuyan na si Maria Socorro. Matatandaang nag viral ang video greeting noong 2018 dahil sa hubad na babaeng nahagi ng camera ni cesar habang ito ay nagbibigay ng kanyang mensahe. Sa ngayon ay nakilala na nga siya ng publiko.

Makikita sa larawan ito na post ni Dr. Ronald Adamat sa kanyang Facebook Account si Cesar Montano na may hawak-hawak ng bata habang katabi nito si Maria Socorro. Sinabi ni Dr. Adamat na naimbitahan anya siya na maging ninong sa binyag ng bunsong anak ni Cesar at nagkataon ding unang kaarawan ng bata.

11. Corinth Ian- Anak kay Miss Philippine Earth 2009 Sandra Seifert

Lumabas ang issue na nabuntis ni Cesar Monatano si Miss Philippine Earth 2009 Sandra Seifert pagkatapos ng laban noon ni Manny Pacquiao at Mayweather sa Las Vegas. Tumuloy umano sina Cesar at Sandra sa Italy kung saan doon nakatira ang kapatid ni Cesar at para doon anya manganak si Sandra. Usap-usapan na ang pagbubuntis noon ni Sandra at ang actor na si Cesar Montano ang sinasabing ama ng kanyang dinadala. Wala namang naging pahyag ang campo ni Cesar sa mga bali-balitang ito.


Maliban sa nabanggit ay may lumabas ding balita noon na
post ng isang Instagram user na si @dominion21 na maliban kay Sandra ay may
nabuntis pang isang modelo si Cesar na di naman tinukoy ang pangalan.

Humuhingi kami ng paumanhin kung may mali o kulang sa aming
naibahaing impormasyon. Ito po ay bunga lamang ng aming munting pananaliksik.

Nawa ay nagustuhan nyo ang artikulong ito. Sa muli ay humuhingi kami ng inyong patuloy sa suporta sa pamamagitan ng pagsubscribe, pag like at share sa aming mga artikulo upang mas marami pa kayong mabasa gaya nito.

Magsubscribe sa aming YouTube Channel .

I-Follow rin ang aming Facebook Page para makatanggap ng mga notification mula sa amin.

MGA NAGING ANAK NI BONG REVILLA SA KANYANG MGA BABAE



MGA NAGING ANAK NI BONG REVILLA SA KANYANG MGA BABAE

Si Jose Marie Mortel Bautista, mas kilala bilang Ramon "Bong" Revilla, Jr., o Bong
Revilla, ay isang Pilipinong artista, politiko, at Senador ng Pilipinas. Bilang
isang mahusay at batiking artista nakatanggap siya ng tatlong gantimpala. Ilan
sa mga ito ay Best Actor sa pelikulang Idol ko si Kap, Best Host for Educational Program sa Kap’s Amazing Stories, Best Actor sa Ang Panday at Box
Office King Award kasama si Vic Sotto sa Ang Agimat at si Enteng Kabisote.

Ilan sa mga pelikula niyang sumikat ng husto ay Dugong Buhay, Nardong Kupit, Alyas Pogi, Pangako Sayo,  Ang Panday, Kilabot at Kembot, Isang Bala Isang Buhay, Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, Ang Tister Kong Pogi,
Ben Delubyo, Ang Panday, at Kilabot at Kembot.

Ngayon mga ay isa-isahin natin an mga naging anak ni Bong Revilla sa kanyang mga babae.

1.  Leonard Bryan Bautista o Bryan Revilla












Isinilang noong November 22, 1986. Siya ang panganay na anak nina Bong Revilla at Lani Mercado. Siya ay Isang racer, at modelo ng tatak ng damit na Penshoppe.

Ilan sa mga pelikula niya ya Tres Virgo, Resiklo, Kamandag at Mulawin.

2.   Jose Lorenzo Bautista o Jolo Revilla













Isinilang noong Marso 15,1988. Gaya ng kanyang mga magulang ay pinasok rin ni Jolo ang buhay artista at politiko. Una siyang naging Barangay kapitan ng Panapan VII sa
Bacoor Cavite. Noong 2013 ay tumakbo at nanalo bilang bise gobernadora. Siya
ang pinakabatang nahalal sa Pilipinas bilang bise gobernadora ng Tarlac. 
Gumanap
siya bilang si Ramon Salcedo ng 2008 serye ng Kaputol ng Isang Awit.

Si Jolo ay may anak kay Grace Adriano na anak ng aktres na si Rosanna Rocess.

3.   Inah Felicia Bautista- Del Rosario














Isinilang noong October 1989. Dati rin siyang actress ngunit nabuntis noong 18 taong
gulang pa lamang.  Marami ang nagulat noon nang biglang magpakasal si Inah sa kanyang 23 anyos na Businessman boyfriend na si Vince del Rosario. Sinasabing umabot ng 2.5 million pesos.

Sa kasalukuyan
ay namumuhay si Inah sa masaya at pribadong buhay.

4.   Ma. Viktoria Gianna Bautista



















Sino ang hindi mabibighani sa sumunod na anak na babae ni Bong Revilla na si
Gianna.  Mula sa malalim nitong mga dimples at tumatawang mga mata gaya ng kanyang ama. Isinilang noong August 15, 1995.

5.   Ma. Franzel Loudette Bautista













Isinilang
noong October 15, 1997. Siya ay 22 anyos na sa kasalukuyan.

Nagtapos si Franzel sa De La Salle Zobel High School noong 2015 habang naka detained ang kayang ama. Hindi pinayagan noon si Bong na dumalo sa graduation ng kanyang  anak.

6.   Ramon Vicente Bautista Revilla






















Si Ramon Vicente ang bunsong anak ni Bong kay Lani Mercado. Isinilang siya noong
December 8, 1998. Siya ay 21 taong gulang na ngayon.

7.   Luigi Revilla


















Nagulat ang lahat sa rebelasyon ni Lani Mercado na mayroong anak sa ibang babae si Bong Revilla. Inamin niya ito sa isang episode ng Tonight With Boy Abunda.

Sinabi ni Lani na nagkaroon ng affair ang kanyang asawa  kay Lovely Guzman at bunga ang kanilang relasyon na ito na nga si Luigi Revilla.


MGA LALAKING DUMAAN SA BUHAY NI BEA ALONZO


Noong nakaraang taon ay naging malaking balita ang paghihiwalay nina Bea Alonzo at Gerald Anderson dahil umano sa pagkasangkot ni Julia Baretto sa relasyon ng dalawa. Ngunit alam mo ba na bago naging mag kasintahan sina Bea at Gerald ay naging seryoso din ang relasyon noon ni Bea Alonzo kay Zanjoe Marudo? Nito lang ay naging mainit din sa mata ng publiko ang pagiging sweet nina Bea at ng 30 years old na actor na si Dominic Roque.

Ngayon ay ating kilalanin ang mga lalaking dumaan sa buhay ni Ms. Bea Alonzo

1. Mico Palanca

       Naging magkakilala sila noong 2002 noong teenager pa lamang si Bea at nasa erly 20s naman si Miko Palanca. Nilagawa siya ni Mico ng ilang taon bago naging sila.
Ngunit noong 2008 ay naghiwalay sila dahil sa hindi umano sila nagkakaintindihan. Sinabi ni Bea na dahil sa agwat ng kanilang edad at prioridad sa buhay madalas silang hindi magkaunawaan. Hindi anya naging maganda
ang pagsasama nilang dalawa.

Namatay si Mico noong December 2019.

2. Jake Cuenca

Noong August 2008 ay inamin ni Bea na nakikipag
date siya kay Jake Cuenca. Sa mga panahong ding iyon ay katatapos pa lamang ni Jake Cuenca mula sa isang seryosong pakikipag relasyon.

Inamin nang dalawa na nagkaroon sila ng maraming
besis na pakikipag date ngunit kalaunan ay ginusto nalang anya ng dalawa na
maging magkaibigan upang mabigyang panahon ang kanikanilang mga karera.

3. Zanjoe Marudo

Naging magkasintahan sina Bea at Zanjoe sa loob ng
limang taon. Si Bea ang unang umamin na nakikipagrelasyon siya kay Zanjo noong October 2011.  Noong 2013 ay nagawa pang surpresahin ni Bea si Zanjoe sa isang TV show na Banana Split.

Ngunit gaya ng ibang mga relasyon ay di rin nagtagal ang kanilang pagsasama. Naging emosyonal si Zanjoe nang kanyang isinapubliko ang pag-amin ng kanilang breakup noong January 2016 noong sya ay
nag guest sa Tonight With Boy Abunda.

Sinabi naman ni Bea na ang ugat ng kanilang hiwalayan ay ang kawalan anya ng oras para sa isa’t-isa.

4. Gerald Anderson

Hindi malimutan ng mga tao ang pagkakaroon ng mainit na ugnayan ng dalawa noong 2010 bago muli sila nagsama sa pelikulang How to be Yours noong 2016.

Madalas din makita ang dalawa sa kanilang mga dates sa at out of the country trips. Noong October 2018 ay umamin si Bea na gusto niyang maging asawa si Gerald Anderson.

Noong March 2019 ay nagawa pang surpresahin ni Bea
si Gerald sa kaarawan nito. 
Nagsimula nag gusot sa relasyon ng dalawa noong July 2019 nang mag post si Bea sa kanyang Instagram story na “Something I learned about people. If they do it once, they’ll do it again.”

Agad namang nahulaan ng mga netizen kung sino ang
pinariringgan ni Bea sa kantang Instagram story na walang iba kundi ang ugnayan nina Gerald at Julia Barretto.

Nagsalita si Bea sa publiko at sinabing “Honestly, to my understanding, we did not break up. He just started not talking to me.”

Binasag naman ni Gerald ang kanyang katahimikan at
sinabing wala umanong third party sa kanilang paghihiwalay.

5. Dominic Roque

Bagaman wala pang linaw kung may relasyon na nga sina
Bea at Dominic sa ngayon ay sini ship naman silang dalawa ng kanilang mga taga suporta. 

Nagpost ng throwback photo si Dominic kasama si Bea ng kanilang trip noon sa Tokyo na kung saan may caption itong “tila ako’y nabighani..”

Walang pang kinoconfirm o dinideny ang dalawa sa kanilang relasyon kaya’t mag subscribe na para lagi kang updated sa mga ganitong showbiz news.


MGA NAGING ANAK NI “PINUNO” LITO LAPID SA IBA’T-IBANG BABAE







MGA NAGING ANAK NI “PINUNO” LITO
LAPID SA IBA’T-IBANG BABAE

Si Manuelito Mercado
"Lito" Lapid, na mas nakikilala bilang Lito Lapid, ay isang
Pilipinong aktor, politiko, at naging senador ng Republika ng Pilipinas.
Isa siya sa mga
batikang actor na sumikat noong 1972 hanggang sa kasalukuyan.

Ipinanganak siya
noong Oktubre 25, 1955. Siya ay 65 taon na ngayon. Maliban sa pagiging batikang
actor nanilbihan siya bilang Bise Gorbernador ng Pampangga mula Hunyo 30, 1992-
Hunyo 30, 1995. At Naging Gobernador naman mula Hunyo 30, 1995-Hunyo 30, 2004.
Sa kasalukuyan ay
nagsisilbi siya bilang senador ng Pilipinas.
Ilan sa mga pelikula
niya ay Poyagon, Hiwaga ng Balete Drive, Tatlong Baraha, Lapu-Lapu, Dugong
Aso:Mabuting Kaibigan, Masamang Kaaway, Bukas Babaha ng Dugo, Masikip na ang
Mundo Mo Labrador at marami pang iba. Tinatayang aabot sa 94 mga pelikula ang
nagawa nya na halos inaabanga sa mga senihan sa mga panahong iyon.
Si Marissa Tadeo
Lapid ang kanayang naging asawa  at
nagkaroon sila ng 4 anak. Maliban kay Marissa may nakarelasyon pa si Lito Lapid
na dalawang babae na kung saan nagkaroon din siya ng tig-isang anak sa mga ito.
Ngayon mga kasama ay
kilalanin natin ang anak ng nag-iisang pinuno na Lito Lapid.
1. Mark Lapid
Si Mark T. Lapid ay
isang aktor at politiko sa Pilipinas. Siya ay dating Gobernador ng Pampanga
mula 2004 hanggang 2007. Inatasan siya noon ni Pangulong Benigno Aquino III
bilang punong tagapamahala ng Philippine Tourism Authority.
Ikinasal siya Kay
Tanya Garcia noong July 30, 2010 at nagkaroon sila ng tatlong magagandang anak
na babae na sina Mischa, Matilda at Madeleine.
Isa rin si Mark Lapid
sa mga naging casts ng FPJ ang Probinsyano ni Coco Martin.
2. Maynard Lapid
Si Maynard ay isa
ring politiko gaya ng kanyang ama. Sa kasalukuyan siya ay isang councilor ng
Minisipyo ng Porac, probisya ng Pampanga.
Gumanap din siya noon
ng mga karatkter sa mga pelikulang Tatlong Baraha, Batas Militar, Paano Kita
Iibigin at Apoy sa Dibdib ng Samar.
3. Mitzi Karen Lapid
Isa pang anak na
babae ni Lito Lapid ay si Mitzi Karen. Kasalukuyan siyang CEO ng Mixi Cosmetics
and Skin Care Products. Nakatuon siya sa kanyang negosyo  na siya rin mismo ang nag desenyo.
Kasalukuyang namumuhay sa Las Vegas, Nevada. Nitong Hunyo ay bumalik siya ng
Pilipinas upang bisitahin ang kanyang pamilya sa Porac, Pampanga.
4. Maan Krista Lapid
Si Maan Krista ay
isang immigration officer ng Bureau of Immigration sa Clark.
5. Manuelito Lapid
Naging anak naman ni
Lito Lapid si Manuelito Lapid kay Supermodel Melanie Marquez.  Si Manuelito ay kasalukuyang naninirahan sa
Las Vegas. Sa isang panayam sa kanya, wala naman anyan siyang sama ng loob sa
kanya ama na si Lito Lapid, ngunit hindi pa umano sila nagkaka-usap.
6. Ysabel Ortega
Si Maria Ysabel
Ortega Lapid, kilala bilang Ysabel Ortega (ipinanganak 25 Enero 1999), ay isang
ring mahusay na  artista. Ipinanganak
siya noong Enero 25, 1999. Siya ay 21 taong gulang sa kasalukuyan.
Ilan sa mga karakter
na ginampanan niya sa telebisyon ay bilang si Angela sa On the Wings of Love,
Nina sa Born For you, at Veronica sa Precious Hearts Romance Presents: Araw
Gabi.
Marami ang humahanga
sa mala anghel na mukha ni Ysabel anupat di maiwasan na dumami kaagad ang
kanyang mga tagasuporta. Si Ysabel ay anak ni Lito Lapid sa dating singer na si
Michelle Ortega.
Kung nagustuhan mo
ang videong ito. I Like, I Share at Mag subscribe na rin sa aming munting
channel para lagi kang ma notify kung may bago kaming mga uploas. Maraming
salamat sa inyong panunuod mga  kasama.



MGA NAGING ANAK NI ROI VINZON SA IBA'T-IBANG BABAE







MGA NAGING ANAK NI ROI VINZON SA IBAT-IBANG BABAE

Kumusta mga kasama, welcome po ulit sa ating
panibagong video sa segment ng mga playlist nating “Mga Anak sa Iba’t-Ibang
Babae” Kung di mo pa napapanood ang iba pa nating mga video sa playlist na ito
ay may link akong iniwan sa ibaba. Sa videong ito ay pag-uusapan naman natin
ang mga naging anak ni Roi Vinson sa iba’t-ibang babae.

Si Roi Vinzon o Roi David Vinzon sa tunay na
pangalan ay isang batikang action star na nakilala dahil sa husay ng pagganap
at katikasan ng pangangatawan na hingaan ng maraming mga Pilipino mula noon
hanggang ngayon. Maraming sa mga pelikula niya ang lubos na tumatak sa maraming
mga Pilipino lalo na noong dekada 90.

Ipinanganak siya noong Septyember 20, 1953. Siya
ay 68 taong gulang na ngayon. Ilan sa mga pelikulang pinagbidahan niya ay
Kapitan Tumba, Adan Lazaro, Lucas Abelardo, Baby Paterno Dugong Pulis, at
Mortal Kong Kaaway Kaibigang tunay na kung saan nakasama niya si Edu Manzano.

Tumatak rin sa masa ay husay niya sa pagganap
bilang kontrabisa sa mga peilikulang Tiktik: The Aswang Chronicles, Pintado, at
Batas ng Langsangan kasama ang Hari ng Action na si Fernado Poe.

Ilan sa mga natanggap niyang parangal ay ang
pagiging Best Actor sa pelikung Lucas Abelardo noong 1994 sa MMFF at Best
Supporting Actor naman noong 2007 sa pelikulang Resiklo.

Sa isang artikulo na sinulat ng Pep. Ph ay inamin
ni Roi Vinzon na mayroon anya siyang pitong anak mula sa tatlong babae. Ang
una  at orihinal niyang asawa ay
naninirahan raw sa America at doon ay nagkaroon siya ng Dalawang anak na naging
pribado ang kanilang mga pamumuhay. Ang kanyang panganay ay nasa 36 taong
gulang na ngayon.

Narito ang ilan sa mga kilalang anak ni Roi Vinzon
sa iba’t-ibang babae.

1. Isabela Vinzon
Si Isabela ay isang Pop Singer at Songwriter
nanakilala sa kanyang pagsali sa Inaugural season ng The Voice Teens
Philippines. Di man siya naging kampeon ay nasungkit naman niya ang pagiging
runner-up. Si pop star princess Sarah Geronimo ang kanyang naging coach sa
nasibing kumpetisyon.

Nadiskubre ang kanyang talent ng isang music
instructor noong 2011. Nag guest din sya noong 2017 sa Gandang Gabi Vice ni
Vice Ganda at nakabilang sa cast ng Ang Probinsano ni Coco Martin.

2. Jamaica Vinzon
Si Jamaica ang panganay sa tatlong anak ni Roi
Vinzon sa ikatlo nitong asawa. Si Jamaica naman ay isang malabing na anak at
mapagmahal sa kanyang nakababatang kapatid na sina Virginia at Tom. 

3.  Virginia
Vinzon
Si Virginia naman ang isa pa tatlo pang anak ni
Roi Vinson sa  kasalukuyan niyang asawa. Makikita
ang potensyal ng pagiging isang magandang artista sa kay Virginia lalo na’t
gaya ng kanyang ate na si Bella ay nagtataglay din ito ng ganda at talent.

4. Roi Antonio David “Tom” Vinzon
Si Tom naman ang bunsong anak ni Roi sa ikatlo
niyang asawa. Si Tom ay 12 taong gulang palang ngayon. Inaasahanni Roi na gaya
niya ay papasok rin si Tom sa mundo ng pag-aartista sa kaling nasa watong
gulang na ito.
Ang iba sa mga anak ni Roi ay pribado ang
pamumuhay at wala sa showbiz industry.

Yun nga mga kasama ang apat sa  7 anak ni Roi Vinzon. Kung nagustuhan mo ang
videong io, I like, I share at mag subscribe na sa aming munting channel.
Samalat mga kasama.



BASAHIN PA ANG IBA PANG MGA POSTS NA ITO

PITONG MGA BABAENG MINAHAL NI ERAP ESTRADA

KILALANIN ANG MGA BABAENG NAKARELASYON NI ERAP ESTRADA   Isa ang dating pangulong Joseph Estrada sa pinakatanyag sa ating bansa dahil sa...