16 NA TAONG PAKIKIBAKA NI MEL TIANGCO SA ABS-CBN





Si Mel Tiangco ang naatasang magbalita sa 24 Oras 
noong July 10, ng pagtutol ng Committee on Legislative Franchises ng Lower
House na bigyan ng bagong franchise ang kanyang dating home network—ang 
ABS-CBN.

May mga nagkomento na napansin nilang mariin ang pagkakasabi ng
multi-awarded broadcaster sa mga salitang "Patay na sa Kamara ang renewal
ng prangkisa ng ABS-CBN."

Pero kung susuriing mabuti, ganoon talaga ang tono ng pananalita
ni Mel sa umpisa ng kanyang mga ibinabalita—may kinalaman man o wala sa mga
isyung kinakaharap ng Kapamilya Network.

Ito ay sa kabila ng may mapait na karanasan sa ABS-CBN.
Noong 1995, sinuspinde siya nang walang bayad bilang anchor ng TV Patrol dahil
sa endorsement niya ng Tide laundry detergent.

Isa si Mel sa unang anchors ng primetime news program ng ABS-CBN
na nagsimula noong 1987. Kasama niya sina Noli de Castro, Angelique Lazo, at
ang yumaong si Frankie Evangelista.

Ito ang pangunahing dahilan ng kanyang
paglipat sa GMA Network noong 1996.
Kasama ang GMA-7 sa demanda ng ABS-CBN laban kay Mel at sa
former Mel & Jay co-host
nitong si Jay Sonza.
Ang Mel
& Jay
 ay ang dating show ng ABS-CBN na umere mula noong
1989 hanggang 1996.

Tumagal ng 16 taon ang kaso.

Noong March 2011, naglabas ng official statement ang Kapuso
Network tungkol sa pagbabasura ng Supreme Court sa mga kasong isinampa ng
ABS-CBN laban kina Mel, Jay, at GMA-7.

Ayon sa Supreme Court, may karampatang dahilan at balido ang
pagkansela nina Mel at Jay ng kanilang kasunduan sa ABS-CBN.
Wala rin daw kinalaman ang GMA-7 sa pag-alis nina Mel at Jay sa
ABS-CBN.

Sabi pa sa statement, "There was no evidence that GMA
had enticed Mel and Jay to break away from ABS-CBN because when the two
transferred to GMA, they have already rescinded their agreements with ABS-CBN.

"Mel and Jay used to host the ABS-CBN's Sunday TV show Mel & Jay."

Sinita ng ABS-CBN si Mel dahil sa paglabas nito sa isang Tide
commercial, na paglabag sa internal company rule na hindi maaaring lumabas
ang talents nitong nasa radio and news and current affairs sa commercial
advertisements nang walang written approval mula sa ABS-CBN.

Ang rule na ito sa media ay pinatutupad sa buong mundo. Sa print
man o sa broadcast, hindi maaaring maglako ng produkto ang isang tagapaghatid
ng balita.



Mahigpit itong ipinagbabawal upang hindi pagdudahan ang personalidad na may
kinikilingan o pinapaboran. Hindi rin nito maaaring gamitin ang kredibilidad na
nakukuha niya bilang journalist upang kumita bilang endorser.



Bagamat hindi malinaw ito sa publiko, ito ang pinanggagalingan ng ABS-CBN sa
pagsuspinde kay Mel.



Bilang parusa, sinuspinde si Mel ng tatlong buwan nang walang
bayad mula sa kanyang co-anchor position sa TV Patrol at sa Mel & Jay radio
program. Pero nanatili siya sa Sunday TV program na Mel & Jay.

Kalaunan ay nag-resign si Jay sa ABS-CBN, habang si Mel ay
nag-indefinite leave at tumanggi nang mag-taping para sa programa.

Noong June 26, 1998, nagdesisyon ang QC RTC na may valid
cause sina Mel and Jay upang kanselahin ang kontrata nila sa ABS-CBN, at walang
kinalaman dito ang GMA-7.
Iniakyat ito ng ABS-CBN sa Court of Appeals (CA), na pinagtibay
naman ang desisyon ng RTC.

Ayon sa inilabas na desisyon ng CA noong August 6, 2003,
walang ebidensiyang magpapatunay na nilabag ni Mel ang circular ng ABS-CBN nang
lumabas ang news anchor sa Tide commercial.

Sabi sa statement ng GMA-7: “The suspension by ABS-CBN of Mel
without sufficient basis in law and evidence constitutes a breach of the
contract by ABS-CBN which is substantial and grievous, and justifies the
unilateral action by Mel Tiangco in resolving the contract.

"ABS-CBN had protested that Jay may not base his rescission
on that of Mel, but the CA considered the fact that Jay is redundant without
Mel, much like the proverbial bow and arrow."
Kinuwestiyon ng ABS-CBN ang desisyon ng Court of Appeals at
iniakyat nila ito sa Supreme Court.

Pero ibinasura ng Supreme Court ang apela ng ABS-CBN "for
failure to sufficiently show any reversible error in the decision of the Court
of Appeals."

Dahil sa kilala siyang media personality, malaki ang simpatiyang
nakuha ni Mel sa publiko.



Sa interbyu niya noong February 18, 2013 para sa drama anthology na Magpakailanman, sinabi ni
Mel na pinatawad na niya ang mga executives ng ABS-CBN na, sa tingin niya,
umapi sa kanya.

Inihalintulad ni Mel ang kanyang pakiramdam noon sa isang ipis na
tinapak-tapakan para patayin.

Ito ang dahilan kung kaya't nabigyan ng kahulugan ang brown dress
na kakulay ng ipis na suot niya sa live telecast ng 24 Oras kagabi, July
10.

Ayon kay Mel, pinatawad na nito ang mga
nagkasala sa kanya dahil maganda ang naging resulta ng paglipat niya sa GMA-7.



Salamat kasama sa iyong panonood.
Magsubscribe na sa aming YouTube Channel.

No comments:

Post a Comment

BASAHIN PA ANG IBA PANG MGA POSTS NA ITO

KILALANIN ANG MGA LALAKING MINAHAL NI MARJORIE BARRETTO

Si Marjori Barretto ay isang dating aktres at politico sa ating bansa. Naging city councilor siya ng ikalawang distrito ng   Coloocan mula...