MGA NAGING KASINTAHAN NI SAM MILBY BAGO SI CATRIONA GRAY





Ang kapamilya actor na si Sam Milby ay kamakailan lang na inamin sa publiko ang kanyang matamis na relasyon sa kay Miss Universe 2018 Catriona Gray kahapon sa pamamagitan ng pag post ng isang larawang magkayakap silang dalawa ni Catriona.

Napabalitang nanligaw si Sam kay Catriona noong January 2019 isang lingo pagkatapos na makoronahan si Catriona.

Sa videong ito ay balikan natin ang mga naging kasintahan ni Sam Milby bago ang Miss Universe 2018 Catriona Gray.

1. Bangs Garcia (2005-2006)

Si Bangs Garcia ang unang naging karelasyon ni Sam Milby.
Naging magkasintahan ang dalawa noong 2005 at umabot ang kanilang relasyon
hanggang Pebrero 2006. Si Bang ay nakilala sa kanyang role bilang si Bangs sa Go and Gokada Go.

2. Anne Curtis (2006-2008)

Matapos ang break-up ni Sam Mily at Bangs Garcia noong 2006 ay naging matunog noon sa publiko ang relasyon nina Sam Milby at Anne Curtis dahil kitang kita ang suporta ng dalawa sa isa’t-isa. Sweet na sweet noon ang dalawa. Nabuo ang tamabalang Samanne noon at marami ang talagang kinilig sa dalawa. Ngunit dalawang taon lamang ito tumagal. Mula 2006 ay tumagal lamang hanggang September 2008 ang relasyon ng dalawa.

3. Toni Gonzaga (2009)

Matapos nag break-up ni Sam Milby at Anne Curtis ay inamin ni Sam Milby noon na naging mag MU sila ni Toni Gonzaga subalit ang pagmamahalan ng dalawa ay hindi natuloy dahil sa ang mga magulang daw ni Toni ang naging dahilan dahil di umano marunong manligaw itong si Sam sa makapilipinong pamamaraan.

4. Mari Digby (2010-2011)

Naging girlfriend din anya ni Sam Milby si Marie Digby. Si Mari ay isang American singerm songwriter, guitarist at pianist na nakilala sa kanayang acoustic cove version ni Rihanna na Umbrella na na e post sa YouTube noong 2007 at nakakuha ng higit sa 22 million views.

 5. Kim Chiu (2011)

2011- Nagkaroon naman ng relasyon sina Sam Milby at Kim
Chiu noong 2011 ngunit gaya ng mga nauna ay hindi rin ito nagtagal. Kilala si
Kim bilang Chinita Princess.

6. Jessy Mendiola (2013)

Naugnay din ang actor noong 2013 kay Jessy Mendiola na
ngayon ay girlfriend ni Luiz Manzano.

7. Ariella Arida (2013)

2013 din ay may lumabas na issue sa relasyong namagitan
kany Sam at Ariella Arida. Si Ariella Arida ay isang aktres at fashion model at
nanalong Miss Universe Philippines 2013 at n
irepresenta ang Pilipinas noong
2013 sa Miss Universe competition at nasungkit ang third runner up.

8. Shaina Magdayao (2013)

Sa parehing taon ay may mga lumabas ding mga isyu ng
relasyon ni sam kay Shaina Magdayao

9. Mari Jasmin Samantha Lee  (2015)

2015- Si Mari Jasmin, isang British-Japanese,  ang huling nakarelasyon ng actor bago si
Catriona. Ngunit gaya ng dating mga naging kasintahan ni sam ay naghiwalay din
ang dalawa. Ilang buwan na matapos magkahiwalay ang dalawa ay lumabas ang
balitang may relasyon si Mari sa isang female director. Ikinagulat naman ito ni
Sam. Ayon sa kanya, naging maayos naman ang kanialang pagsasama noon. Nang
tanungin si Sam sa break up nila ni Mari ay sinabi ng actor na wala namang
third party at si Mari ang nag initiate anya sa nasabing break up. Sa huling
mga pahayag ni sam ay hindi na daw sya naghahahnap ng girlfriend kundi ng isang
asawa. Sabi pa ni sam, kung sino man yung next ay dapat daw sya na ang the one.

SI Catriona na nga ba ang the one? Malalaman natin yan
mga kasama sa mga susunod na kabanata ng buhay pag-ibig ng nag-iisang Sam
Milby.

10. Piolo Pascual

Marahil ay nagtataka ka kung bakit nasama rito si Piolo
Pascual. Ako rin, may lumabas kasi na artikulo noon na ang mismong nagsulat ay
isang Talent Manager at TV host na si Manay Lolit Solis. Ayon sa kanya ay
nakakita sya ng dalawang lalaking sweet na sweet sa isa’t-isa habang
nagbubulungan ang mga ito at halos ay magkalapit pisngi. Ngunit nang may
biglang tumawag anya sa kanay ay dali-daling lumabas ang dalawa at di na nya
nahanap. Ang dalawang lalaking iyon na nakita nya sa Sofitel poolside coffee
shop ay kinumperma ngang sina Sam Milby at Piolo Pascual.

Totoo man o di totoo ang nakitang ito ni Manay Lolits ay
di natin masasabi kung ano nga ba talaga ang tunay na nangyari at dahilan.

Kaya’t isang matamis na goodluck nalang ang ating
ipaaabot sa ating Miss Universe 2018 Catriona Gray. Sana ay ikaw na ang babaeng
hinahanap ni Sam Milby.

Magsubscribe na sa aming YouTube Channel para sa iba pang
mga nakabibigay aliw na mga video gaya nito. Salamat sa inyong palaging
panonood.



MGA MILYON-MILYONG KAYAMAN NI MR. WILLIE REVILLAME




MGA ARI-ARIAN NI WILLIE REVILLAME NA 
MILYON-MILYON ANG HALAGA



Hindi kaila sa marami na naaangkin ng kayamanan ni Mr. Willie Revillame o kilala sa tawag ng marami na Kuya wil. Subalit ang Tanong ay kung gaano na nga ba kayaman si kuya wil at anu-ano ang mga pagmamay-ari nya na nagkakahalaga ng milyong peso?
Sa videong ito ay iisa-isahin natin ang mga ari-arian ni kuya wil


 Alam ng lahat na si kuya wil ay nagsimula lamang bilang isang professional drummer at ang kanyang mentor ay walang iba kundi si Randy Santiago. Ilang besis din naging sidekick si kuya wil ng mga sikat na artista noon. Naging bahagi sya ng noon time show noon ng GMA ang Luch Date bilang sidekick.

Matapos ang tatlong buwan ay pinaperma sya ng Regal Films para mag star sa movie ni Joey De Leon sa Bobocop. Simula doon ay unti-unti nang naging makinang ang pangalang willie Revillame. Dahil sa laki sa hirap ay talaga namang inilaan ni kuya wil ang bawat salapi nya sa tamang bagay. Dahilan nang paglago ng kanyang kayamanan.

Ngayon mga kasama ay isa-isahin natin ang mga kayamanan ni Mr. Willie Revillame

1. Mansion sa Quezon City

Matatagpuan ang napaka luxury na Mansion ni kuya wil sa isang exclusive subdivision sa Quezon city.  Nabili nya ito mula sa dating boss ng ABS CBN na si Gabby Lopez sa halagang 80 million pesos. Gusto ni willie na mag mukha itong resort kaya pinaglaanan nya ito ng halagang 65 million pesos para sa renovation.

Nasa 2,300 square meters ang buong compound at nasa 700 square meters naman ang laki ng kanyang mansion. Isang 145 million na bahay lang naman mga kasama ang tirahan ni kuya wil.

2. Enchanting House in Tagaytay Highlands

“Itong property na ito, talagang ang view naman ang hindi mo matatawaran,” sabi ni Willie. Ang modernong tropikal na istraktura ay nakatayo nang mataas, na may mga bintanang salamin at pintuan, mga haliging bato, at isang lush outdoor area.

May malawak itong outdoor area na fully furnished ng LED-illuminated chairs, tables, at bar area.  Sa pagpasok mo naman ay masisilayan mo ang tila isang resort area na napaka conportable para kay willie at sa kanyang mga bisita. Sa first floor ng bahay ay makikita ang living at dining areas. Di rin maipakakaila ang mamahaling gamit sa kusina.

Mayroon din itong sariling powder room, entertainment room, gym, isang napaka garbong staircase, guest bedroom, Family room, master bedroom, at higit sa lahat ay swimming pool.

May 4000 square meters ang lawak nito. Nabili ito ni kuya Wil noong 2008 sa halagang 24.5 Million pesos.

3. House Number 3 in Tagaytay Midlands

Noong August 2015 ay nabili ni kuya will ang isang 800 square meter two storey Modern Asian Home with a touch of Balinese sa tagaytay Midlands. Ito ang ikatlong bahay ni kuya wil.  Ang minimum lot size sa Tagaytay midlands ay 750 square meters at nagkakahalaga ito ng 30 million pesos bawat isang lote.  Ibig sabihin ay higit sa 30 million ang bahay na ito ni kuya wil.

4. Wil Tower Mall

Nagmamay-ari rin si kuya wil ng isang four storey complex na tinawag niyang WiI Tower Mall. Makikita ito sa Mother Ignacia Street sa Quezon City. Nagkakahalaga ito ng 141 million pesos noong 2008. Noong 2015 ay nabalitang naibenta umano ito ni willie  sa Villar Group. Sinasabing wala gaanong karanasan si kuya wil sa pagpapatakbo ng isang mall kaya’t ibinenta nalang ito. Ngunit hindi idinitalye kung magkanong naibenta ni kuya will ang nasabing wil tower Mall.

5. 42nd Floor Will Tower Building

Makikita ang 42 floor Will tower building na ito ni kuya wil malapit sa ABS CBN Studio sa Eugenio Lopez Street, Quezon city. Mula sa itaas ng gusali ay makikita ang
kabuuang ng Marikina, Makati at ilang parti ng Metro Manila. Hindi idinetalye kung magkano nakuha ni kuya will ang nasabing property.

6. Bentley

Noong nakaraang Agosto 8, 2018, nagrenew ang host ng 'Wowowin' na si Willie Revillame ng kanyang kontrata sa GMA-7. Dumating ang sikat na TV host  sa Kapuso Network compound na nakasakay sa isang marangyang puting Bentley. Ang pinagkamababang halaga  ay $300,000  o mahigit sa 15 million pesos.

7. Rolls Royce

Tingnan ang multimillion-peso na Rolls Royce na sasakyan ni kuya wil. Hindi lang ito isa kundi dalawang Rolls Royce ang pagmamay-ari nya. Alam nyo ba na ang pinakamababang presyo nito ay $450,000 o aabot sa 23 milyon pesos.

8. Ferrari 456

Nagmamay-ari rin si kuya wil ng isang Ferrari 456. Alam nyo ba na ang Ferrari 456 ay nagkakahalaga $276,540- $333,300 noong 2005 o umaabot ng 17 million pesos.

9. Yacht

Ginagamit din ni kuya wil ang kanyang yati sa pagbisita sa kanyang  nabiling beach resort. Nagkakahalaga lang naman po ito ng 80 million pesos.

10.  Dornier 328 private jet

Magkano nga ba ang isang Jet?  Noong 2011 ay bumili si kuya wil ng isang 30-seater aircraft na nagkakahalaga ng 200 million pesos.

11. Choppers

Isang kulay pula at kulay bluing chopper ang pagmamay-ari ni kuya wil. isang Robinson R44 at Robinson R66 Turbine. Nagkakahalaga Robinsin R44 ng aabot sa 19 million pesos at  ang Robinson R66 naman ay nagkakahalaga ng aabot sa 48 Million pesos.

12. Audi R8

Binili ni kuya wil ang kanyang Audi R8 sa Singapore. Ang isang Audi R8 ay nagkakahalaga ng ₱17,500,000

13. Lamborghini Gallardo

Nabili naman ni kuya wil ang kanyang Lamborghini Gallardo noong 2014 sa halagang 45 million pesos.  Pero idinispose o ibinenta muna raw ng TV host ang ang kanyang isa pang mamahaling kotse na Ferrari bago n’ya binili ang Aventador. Isa raw si Wil sa apat pa lang na nagmamayari ng nasabing sasakyan sa buong bansa.

14. Porsche Carrera Turbo

Napabalita rin an nagkabili si kuya wil ng isa Posche Carrera Turbo na nagkakahalaga ng lagpas sa 8 million pesos.

15. Lincoln Navigator

Bumili rin si kuya wil ng Lincoln Navigator na nagkakahalaga ng Higit sa 5 million pesos.

16. Jaguar XJ

Nagkakahalaga ito ng 4.3 million pesos.

17. Hummer H2

Nasa mahigit 1 million pesos ang halaga ng isang Hummer H2.

18. Amanpulo-like beach resort in Puerto Galera

Isa sa mga business acquisition ni willie ang isang napakalawang na beach resort sa Puerto Galera.  Nabili ito ng ni willie noong Devember 12, 2018. Binibisita niya ito gamit ang kanyang 7 seater private chopper..

19. High End boutique Hotel in Tagaytay City

Mayroon din isang high end boutique sa tagaytay city si kuya wil.

20. BenCab masterpiece

 

Nagkakahlaaga lang naman ito ng 45 million pesos. Ito ay isang painting ng National Artist na si Benedicto Reyes Cabrera o Bencab


Kung susumahin lahat ng pag-aari ni kuya wil ay aabot nga ito ng bilyng piso.

Yan mga kasama ang mga nasaliksik naming mga pag-aari ng nag-iisang kuya wil. Totoo nga maaring magbago ang buhay ng isang tao depende sa sipag at tyaga. Gaya na lamang ni kuya wil na nagsimula pilang isang hamak na drummer sa isang banda ngunit ngayon ay bilyong piso na ang pagmamay-ari nya.

Magsubscribe sa aming YouTube Channel. Salamat KASAMA.

25 ARTISTANG VLOGGERS NA MALAKI ANG KITA SA YOUTUBE




  
Nauuso na rin kasi ngayon ang vlogging, at marami ng mga artista na pumapasok sa ganitong platform at halatang nangunguna ang kanilang mga channel sa YouTube. Walang duda dun dahil alam naman nating dati na silang popular at madali nalang sa kanila makakuha na maraming views at subscribers.

At tila isang magandang trend ito ngayon dahil binibigyan tayo ng pagkakataon na makita at makilala ang ating mga paboritong artista sa totoo nilang buhay.
Nagbigay ang GMA News Online ng listahan ng mga stars na pumasok sa ganitong gawain. Narito ang 25 sa kanila.

1. Bianca Gonzalez

Isa si Bianca Gonzalez sa matagal ang may matagal nang YouTube channel para sa kanyang mga vlogging shows, kung saan iniinterview niya ang mga artista sa kahit anong bagay o mga topics na na-aangkop para sa kanyang susunod na segment o trending na usapin.

Ang Paano Ba' To segment ni Bianca ay more on sa pagbibigay ng mga life advice na karamihan sa kanyang mga guests ay mga kilalang personalidad gaya ng mga kaibigang artista. Mayroon na siyang 7.6 million views at 127k subscribers.

 2. Kris Aquino

Si Kris Aquino naman ay gumawa rin ng kanyang plataporma sa YouTube.. Sa YT channel naman ng Queen of All Media ay tinatalakay niya ang maraming mga bagay gaya lang ng dating TV show niya sa Kapamilya gaya ng motherhood, home hacks, travel, beauty, pagkain, pagluluto, recipe, at mga out of the box moments o candid events gaya na lang ng pa block screening nina Toni Gonzaga, Alex Gonzaga at Paul Soriano para sa pelikulang 'I Love You Hater.' Sumali si Kris sa YouTube noong November 18, 2016, at mayroon na siyang 95 Million views at 675k subscribers ngayon.

3. Kim Chiu

Ang PBB winner naman na naging isa sa pinaka sought actress ng Kapamilya Network na si Kim Chiu ay mayroon ding iba't ibang klase na videos na pinapakita sa kanyang YouTube channel. Ilan sa mga ito ay mga candid moments sa bahay niya gaya ng project decluttering, hacks, cooking videos, travel with KimXi, at ang faney moment niya kay Stephen Curry. Sumali si Kim noong September 10, 2017, at nagkaroon na ng 44 milion  views at 1.6 Million subscribers.

4. Bea Alonzo

Isa ang Kapamilya queen na si Bea Alonzo na pinasok na rin ang pag yo YouTube at tinawag niya ang kanyang channel na By Bea. Mayroon na siyang mga 21 videos na na-upload na tungkol sa daily life niya, mga activities, trips, beauty tips at personal views din niya tungkol sa mga bagay bagay. Sumali si Bea noong June 4, 2018, at mayroon na siyang 6 Million views at 277k subscribers.

5. Yeng Constantino

Ang Pinoy Dream Academy winner na award-winning singer-songwriter na si Yeng Constantino ay gumawa rin ng kanyang YouTube channel noong February 4, 2011, at ngayon, meron na itong 26 Million views at 963k subscribers. Pinopost ni Yeng ang kahit ano-anong bagay, behind the scenes ng mga shows niya, trips, at pati na rin sa mga ginagawa niya sa bahay at pag papaprank sa kanayang  asawa.

 6. Alex Gonzaga

Ang pinaka-palong-palo at panalong channel ngayon sa YouTube ng mga personaliy sa Pilipinas ay ang nakakabatang kapatid ng Ultimate Multimedia Superstar Toni Gonzaga na si Alex Gonzaga. Naging instant internet sensation superstar si Alex dahil sa kanyang nakakaloka, nakakaaliw, at nakaka-laughtrip na mga YouTube vlogs niya.
Nakikipag colab din sya sa iba pang sikat na personalidad gaya nina Idol Raffy Tlfo,  Mayor Isko , Genelyn Mercado, Ivana alawin, Kuya Jobert, at ibang pang mga artista na hina house raid nya. July 18, 2017 sumali si Alex sa YouTube, at ngayon ay mayroon na siyang 554 Million  views at 6.79 Million subscribers.

7. Julia Barretto

Sumali rin ang Kapamilya actress na si Julia Barretto sa bandwagon ng mga kilalang tao na gumawa ng kanilang sariling Youtube channel. Sa kasalukuyan ay may limang video upload palang si Julia at may 206 thousand subscribers.
8. Bea Binene
Ginawa ni Bea ang kanyang channel sa New Year's Day noong 2018 at patuloy na nakakakuha ito ng maraming mga subscribers at views. Mayroon na syang 26 videos at 25K subscribers.

9. Jennylyn Mercado

Ginawa ng 'Love You Two' star na si Jennylyn Mercado ang kanyang channel sa YouTube sa kanyang ika-32 taong kaarawan. Bilang isang espesyal na pag-abot para sa kanyang mga tagahanga, siya nagba vlog tungkol sa mga bagay na malapit sa kanyang puso - pagkain, musika, laro, at fitness. Nikikipagtulungan  din siya  sa kanyang kasintahan na si Dennis Trillo na tinatawag na "CoLove."
10. Judy Ann Santos
Ipinakita ni Juday ang kanyang galing sa pagluluto sa kanyang channel sa YouTube na Judy Ann's Kitchen. Mayroon na syang 1.25 Million subscribers at 59 million views.

11. Vice Ganda

Pinalawak ng komedyante ng Kapamilya network na si Vice Ganda sa kanyang mga tagasunod noong nilikha niya ang kanyang account sa YouTube. Mayroon naman siyang 2.6 Million subscribers at 218 videos ngayon sa kanayng channel.

12. Barbie Forteza

Pinasok rin ni Barbie Forteza ang mundo ng YouTube. Sa kanyang channel ay mapapanood ang ilang mga tutorial makeup. Sa kasalukuyan ay mayroon siyang 747k subscribers at 16 milllion views.

13. Michael V

Kamakailan lamang ay pinasok na rin ni Michael V ang paggawa ng videos online. Sa kanyang YouTube account na Michael V. #BitoyStory ay ipinakita niya ang kanyang collection ng sapatos at interview sa cast ng 'Avengers.' Sa kasalukuyan ay mayroon siyang 555k subscribers at 12milllion views.

14. Rufa Mae Quinto

Sa paunang video ni Rufa Mae Quinto sa kanyang YouTube channel ay inaliw niya ang kanyang mga viewers sa isang Waze audition video. Gusto mong maailiw sa super bobba? Hanapin mo nalang siya sa YouTube. ' Sa kasalukuyan ay mayroon siyang 306k subscribers at 10 milllion views.

15. Mikael Daez

Mapapalakbay ka sa ganda ng tanawin ng mga lugar na pinupuntahan ni Kapuso hunk Mikael Daez. Backpack, kicks at saka kasama pa si Miss World 2013 Megan Young, hindi ka pa ba gaganahan manood ng videos ni Mr. Mikael Daez? ' Sa kasalukuyan ay mayroon siyang 217k subscribers at 11 milllion views.

16. Maine Mendoza

Inakit ni Maine Mendoza ang social media sa pamamagitan ng kanyang Dubsmash videos at ito ang kanyang naging tulay upang maging “Yaya Dub” sa kalye-serye ng 'Eat Bulaga.' Sa kasalukuyan, videos ng kanyang totoong buhay ang ina-upload niya para sa kanyang mga tagahanga. May 252k subscribers na sya at 20 million views.

17. Yassi Pressman

 Ang Princess of the Dance Floor na si Yassi Pressman ay nag-share ng kanyang dance choreography sa pamamagitan ng ilang tutorial sa Internet. Ito na rin ang kanyang naging workout para ma-achieve ang kanyang fit na pangangatawan.

18. Anne Curtis

Dala-dala pa rin ni Social Media Queen Anne Curtis ang glitz and glamour mula sa telebisyon hanggang sa social media world habang pinapakita ang behind-the-scenes ng kanyang buhay showbiz.

19. Donnalyn Bartolome

Cute at bubbly ang personality ni Donnalyn kaya nabihag niya ang kanyang subscribers na panoorin ang kanyang song at dance covers, pati na rin ang kanyang mga makulit na opinion tungkol sa iba't ibang paksa. May 3.52 Million subscribers at 169 million views na sya ngayon.

20. Yasmien Kurdi

Ang Kapuso actress na si Yasmien Kurdi ay mayroon ding channel sa YouTube, na nagtatampok ng mga cover songs  at ang pang-araw-araw na buhay bilang isang ina at asawa. May 316k subscribers at 12 million views sya sa Youtube.
21. Kris Bernal
Bukod sa pagiging isang artista at negosyante, si Kris Bernal ay nagbigay-pansin din sa vlogging. Nayon ay mayroon na syang 253k subscribers at 7 million views

22. Maja Salvador

Si Maja Salvador ay sumali rin sa mahabang listahan ng mga kilalang tao-turn-vlogger sa bansa. Ang kanyang channel, Meet Maja, ay ginawa noong Mayo 25, 2019. Mayroon na syang 872K subscribers at 22 million views

23. Kathryn Bernardo

Ginawa ni Kathryn Bernardo ang kanyang YouTube channel noong December 26, 2019, sa pamamagitan ng pag-upload ng isang napakarilag na video ng kanyang sarili na nagbihis tulad ng isang prinsesa. May 1.76 million subscribers na ito at 21 million views

24. Janine Gutierrez

Sinimulan ni Janine Gutierrez ang kanyang channel sa YouTube sa pamamagitan ng pagbibigay ng paglilibot sa kanyang bahay noong Disyembre 22, 2018. May 176k subscribers at 4 million views na sya sa youtube.

25. Ivana Alawi

Ipinapakita sin ni Ivana ang kanyang mga pang-araw araw na ginagawa sa kanyang vlog na halos ay umaani ng million views sa ilang oras pa lamang gaya ng mga vlogs nya sa paglilinis ng bahay, paglalaba at pa ka carwash na pumatok sa marami nitong mga tagasunod. Mahilig din mag prank ang sexy star ina at nakababatang kapatid na sin mona. Umabot na na 21 Million views ang video ng kanyang paglalaba na may Youtube title na A day in my life.  Mayroon na syang 6.71 million subscribers at 291 million views.

VICO SOTTO AT DENISE BARBACENA MAY LOVE QUARREL? PANOORIN ANG NAKAKAKILI...




Viral video ni Vico Sotto, ginawang meme tungkol sa magkarelasyon ni Denise Barbacena

Viral ngayon sa Instagram ang memes ni Denise Barbacena at Mayor Vico Sotto ng Pasig.
Si Denise ay isa sa mga kapuso star na gumaganap sa mga isang comedy show ng GMA7 na bubble Gang kasama sina Michael V ang Antonio Aquitania.

Mapapanood sa edited video ni Denise ang kunwaring naging komprontasyon niya at ng Pasig City mayor. Tinatanong kasi ng Kapuso actress kung paano nakasama sa outing nina Vico ang isang babae.

Relatable sa mga taong in a relationship ang ginawang meme ni Denise Barbacena gamit ang viral video ni Vico Sotto. Kaya’t madali itong nag viral. Higit lalo na’t si mayor pa ang ginawan ng memes ni Denise.


Sambit pa niya sa caption, “Binabaan ako!! Hay. Alam ko busy ka sa work.. Sino ba talaga nagsama sa babae na yun?! Dami talaga nahuhuli sa FB na yan! Ayusin niyo mga upload niyo. Tag your friend Mark!”
Ang viral video ni Vico na ginamit ni Denise ay mula sa isa nitong live video interview kung saan pinag-usapan ang Social Amelioration Program (SAP) at iba pang programa ng Pasig City sa kabila ng COVID-19 crisis.

Paki-usap din ni Denise Barbacena sa mga netizen na na 'wag daw i-tag si Vico Sotto sa kanyang post dahil hindi pa sila bati. Bakit kaya? Panoorin ang nakakatawang meme na ito..

10 Shocking Unsolved MYSTERIES in the PHILIPPINES




10 MOST SHOCKING UNSOLVED MYSTERIES IN THE PHILIPPINES

Ang Pilipinas ay nabibilang sa tinatawag na third world country. Kung pasilidad ang pag-uusapan at maging ang mga gamit pan teknolohiya ay talaga namang medyo may kalayuan kung ikukumpara sa ibang mauunlad na bansa. Kaya maging ang pagbibigay ng solusyon sa mga misteryo at kriminaldad ay talaga namang parang isang Korean drama na napakahaba at kailangang abangan ang bawat chapter. Minsan ay inaabot ng ilang taon bago magsulosyunan o kaya naman ay nalilimutan nalang at wala nang makuhang kasagutan.

Ngayon mga kasama ay pag-uusapan natin ang 10 pinaka nakaka shock na mga di nasulosyunang mga misteryo at kriminalidad sa Pilipinas. Ngunit kung bago ka pa lang sa channel ko ay inaanyayahan kita kaibigan na I like ang video.  Mag subscribe at I turn on din ang bell notification para  lagi kang updated sa aming mga video uploads.
Ngayon ay simulan  na natin ang mga misteryo sa Pilipinas na hindi pa nasosolusyunan o nahahanapan ng paliwanag.

10.  UFO sighting sa Las Pinas

Marahil mga kasama ay may ilan sa atin ang di naniniwala na may mga kasama tayong nabubuhay sa ibang planeta. Ika nga may kasabihan tayong to see is to believe.  Ngunit, paano kasama kung ikaw mismo ang makakita ng mga UFO sa mismong sarili mong mga mata at di lang yan, paano kung nakunan mo pa ito ng video gamit ang iyong cellphone?

Si Antonio “tony “ Israel ng Las Pinas , 37 taong gulang ay sinasabing nakita niya mismo ng kanyang mga mata ang mga sinasabing UFO na kung saan ang video niya ay pumukaw ng isang malaking investigasyon sa mga opisyal ng PAGASA.

Nitong mayo lang  ay siguro isa ka rin sa mga nakapanood ng balita  sa programa ni Jessica Soho na pinatutuhanan di umano ng mismong pentagon  ng USA na ang mga nakuha sa tatlong video ay mga UFO.

Ngunit hanggang ngayon mga kasama ay wala pa ring malinaw na patunay kung talagang nag eexist nga ang mga aliens at kung ano ang Malinaw na dahilan kung bakit sila naparito sa ating mundo?


9. Gil Pérez – The Teleporting Soldier.

Si Gil Perez ay isang ordinaryong sundalo lamang ng Espanya at miyembro ng Filipino Guardia Civil noong ika-16 na siglo. Ngunit noong October 24, 1593, bigla niyang nakita ang sarili sa Plaza Mayor, Mexico City — halos 9,000 nautical miles ang layo mula sa Maynila.
Ang kakaibang "teleportation" na naganap ay hindi pinaniniwalaan ng mga Mexicano at si Perez ay nabilanggo dahil naisip ng mga tao na siya ay isang "lingkod ni Satanas".

Nang tanungin ang tungkol sa nangyari, sinabi ng nalilitong sundalo sa mga awtoridad na bago ang insidente, nagpapahinga lang siya laban sa isang pader sa loob ng Palacio Del Gobernador sa Pilipinas. Bilang isang patunay, sinabi niya sa kanila na si Gobernador Heneral Gómez Pérez Dasmariñas ay napatay lamang ng mga pirata ng Tsino at ang lahat ng mga guwardya ay naghihintay lamang sa kapalit.

Pagkalipas ng dalawang buwan, nagdala ng balita mula sa Pilipinas ang isang Manila Galleon na nagkumpirma sa bawat detalye na isinaysay ni Perez. Sa katunayan, ang isa sa mga pasahero ay nagpatotoo na nakita niya si Perez sa Pilipinas noong Oktubre 23. Bumalik si Perez sa Pilipinas at humantong sa isang hindi mapakali na buhay pagkatapos ng mga pangyayaring iyon.

8. The Romblon Triangle.

Sinulat ng manunulat at mananaliksik na si Alden Alag ang salitang "Romblon Triangle" upang ilarawan ang lugar na sumasaklaw sa hilagang Romblon, ang munisipalidad ng Concepcion na nasa pagitan ng mga isla ng Dos Hermanas at Sibuyan Island.

Ang Romblon triagle ang tinawag bilang lokal na bersyon ng nakamamatay na Bermuda Triangle na tinawag ting “sinumpang lugar.”  Ito ang sinisisi ng halos 40 na sakuna sa dagat na nangyari mula noong 1980's. Kabilang dito ang M / V Don Juan Tragedy (1980), ang M / V Dona Paz Tragedy (Disyembre 1987), at M / V Princess of the Stars Tragedy (Hunyo 21, 2008)

Ang mga Katutubong Romblomanon ay naniniwala tungkol sa  kwentong "Lolo Amang" at ang kanyang gintong barko. Ang alamat ang sinasabing pinagmumulan ng sakuna sa dagat.  Ang mahiwagang barko daw anya ay magpapakita sa mga manlalakbay at biglang mawawala sa mga dagat na may kulay itim.

Bagaman isang kamangha-manghang ang  kwento, hindi ito nagbibigay ng tunay na paliwanag sa kung paano kumukuha ng maraming buhay ang Romblon Triangle. Sa kabilang dako, ang Philippine Coast Guard, ay naghambing sa Romblon Triangle sa EDSA at naniniwala na ang mga sakuna ay sanhi ng mga bagyo o mga pagkakamali sa pag-navigate.

7. Magsaysay Plane Crash

Kilala sa pagiging mapagpakumbaba at pakikiramay sa masa si Pangulong Ramon Magsaysay na 49 lamang nang namatay sa isang plane crash.

Noong March 16, 1957, ang pangulo ay naglalakbay mula sa Maynila patungong Cebu sakay ng isang bagong reconditioned twin-engine C-47. Pinangalanan ito ni Magsaysay na Mt. Pinatubo, ang pinakamataas na rurok sa Zambales kung saan sya nagtago at nakipaglaban noong siya ay isang gerilya.

Sa Cebu, si Magsaysay ay dumalo sa University of Visayas kung saan nakatanggap siya ng isang honorary doctorate. Sa eksaktong 1:15 A.M. ng mga sumunod na araw, ang eroplano ay umalis sa Cebu papuntang  Maynila.

Nangyari ang malagim na kamatayan labinlimang minute lamang ang nakalipas.Na crash ang eroplano sa gilid ng Mt. Manunggal na pumatay sa pangulo at 25 iba pa. Tanging ang  mamamahayag na si Nestor Mata ang nag-iisang nakaligtas.
Maraming mga teorya ang  nagpaliwanag kung bakit at paano ang Mt. Pinatubo ay nauwi sa isang di inanaasahang trahidya.

Kabilang sa mga ito ay posibleng sabotahe, isang bomba na nakasakay, mga piloto ng tipsy, at labis na karga. Natuklasan sa mga inisyal na pagsisiyasat na technical lighting errors ang nangyaru. Ngunit ang dating Senador Ramon Magsaysay Jr., anak ng yumaong pangulo ay hindi ito pinaniwalaan. Matagal nang nawala si Ramon Magsaysay ngunit ang misteryo ng pag-crash ng eroplano ay nananatiling walang sagot sa iilang pirasong ebidensya na naiwan.

6. The Chiong Sisters

Isa sa mga nakagagalit na krimen na tunay na umalog sa bansa ay ang pagdukot at diumano’y pagpatay sa mga magkapatid na Chiong.

Ang magkapatid na babae, na 21 taong gulang na si Jacqueline at 23-taong-gulang na si Marijoy, ay nawala sa Hulyo 16, 1997. Isang katawan, na hinihinalang si Marijoy ay natagpuan sa ilalim ng isang bangin ilang  araw ang nakalipas. Ang suspek ay ang residente ng Cebu na "bad boy" na si Francisco "Paco" Larrañaga at ilang iba pang mga kalalakihan na kilala sa kanilang mga maling gawain.

Si Larrañaga, gayunpaman, ay sinasabing nasa Maynila noong panahon ng pagdukot. May nagsasabi ring ang katawan na natuklasan ay tila hindi si Marijoy.
May mga kwentong lumabas sa Internet na ang parehong magkapatid ay sinasabing ligtas na nakabalik sa  pag-kidnap at ang nasabing pag dukot ay isng polital progpaganda lamang.

Sa kabila ng mga kaduda-dudang ebidensya, nahatulan at nakulong si Larrañaga at ang kanyang mga kasama. Ang mga pelikula at dokumentaryo ay nilikha makalipas ang mga taon, ang lahat ay nagsisikap na galugarin kung ano talaga ang nangyari.
Ang mga pangkat ng karapatang pantao ay patuloy na nag-apela sa kaso. Ang kaso ay ibinalik sa spotlight noong 2018 pagkatapos ng paglabas ng pelikulang “Jacqueline Comes Home.” Sa kasalukuyan, si Larrañaga nakakulong sa Espanya, kung saan siya ay residente doon.

5. Pagkamaytay ni Nida Blanca

Si Dorothy Jones, na mas kilala bilang Nida Blanca, ay nangangarap na maging isang bituin sa pelikula. Bata palang  nagawa niyang matupad ang pangarap na iyon nang, sa 14 na taong gulang, naging bida sa mga motion picture ng LVN Productions. Ipinares sya sa mga sikat na aktor noon gaya nina Nestor de Villa at Comedy King Dolphy.
Si Blanca ay gumawa ng higit sa 200 mga pelikula sa kanyang buhay, isang karera na nagpapatuloy sa kanyang mga gintong taon.

Noong Nobyembre 7, 2001, ang bangkay ni Blanca ay natagpuan sa kanyang sasakyan, na nasa isang paradahan sa San Juan. Ang kanyang katawan ay nagtamo  ng 13 na saksak.
Ang isang umano’y gun-for-hire na nagngangalang Philip Medel ay umamin na si  Mike Martinez ang nagbayad sa kanay upang patayin ang screen icon. Ngunit maglaon ay pinasinungalingan niya ito dahil pinilit lang umano siyang sabihin iyon.

Ang  Amerikano si Rod Lauren Strunk ay ang pangalawang  asawa ni Nida na pinaniniwalaan ding may kinalaman sa pagkamatay ng aktres. Sinasabing sinasaktan nito umano ang aktres.  Bumalik si Strunk sa Estados Unidos upang umiwas sa court trial.  Noong 2007 si Trunk ay nabalitang tumalon sa isang napakataas na gusali.

Marami pang mga teorya tungkol sa pagkamatay ni Blanca ang lumitaw. Ayon sa isa, ang aktres ay naiulat na kasangkot sa isang pulitiko na pinagkatiwala ng kanyang pera. Ang isa pang teorya ay si Blanca ay may alam sa isang iligal na negosyo sa pagpapahiram ng pera sa isang casino.

4. Chop-Chop Lady

Katumbas ito ng Jack the Ripper. Isang babae na ang katawan ay pinag pira piraso at nakita sa iba’t-ibang bahagi ng metro manila. Ang kaso ng "The Chop Chop Lady," ay nakilala kalaunan bilang si Lucila Lulu. Sa kasamaang palad, ang nakakasuklam na krimen na ito ay nangyari noong dekada '60 kung saan ang CSI ay hindi isang bagay.

Sa kabila ng pagbibigay ng pangalan sa ilang mga pinaghihinalaan, wala sa kanila ang opisyal na nahatulan. Pagkaraan ng mga dekada, isang teorya ang lumitaw na ang pumatay kay Lulu ay maaaring parehong tao sa likod ng pagpatay kay Black Dahlia dahil sa isang katulad na pangyayari.

Ang kaso ni Lulu ay hindi lamang ang nag iisang "chop-chop". Si Elsa Castillo noong 1993 at Mitzi Joy Balunsay noong 2017 ay nagdusa ng magkatulad kamatayan.
Hindi tulad ng kaso ni Lulu, gayunpaman, ang mga pumatay kay Castillo at Balunsay ay nahuli. Hanggang ngayon, ang kaso ni Lulu ay nananatiling hindi nalutas

3. Alfie Anido: suicide or murder?

Ang kamatayan ng sikat na '70s idol Alfie Anido ay pinasiyahan bilang isang pagpapakamatay ngunit marami ang patuloy na naniniwala na maaaring siya ay pinatay.
Sa oras ng kanyang pagkamatay, sinasabing lumabas siya kasama si Katrina Ponce Enrile, anak na babae ni Juan Ponce Enrile,  at ang Minister ng National Defense.
Ang actor na kilala sa kanyang pelikulang  “Temptation Island” at “Katorse,” ay 21 lamang nang siya ay namatay.

Sa memoir ni Enrile, nakasulat na  si Anido ay  nagseselos at lasing na tumama sa kanyang anak na babae sa isang birthday party sa Antipolo. Sinabi rin ng libro na si Anido ay natagpuan na may mga sugat sa sarili na inaakalang  sugat dahil sa paggamit ng droga.
Ayon sa iba pang mga teorya, may foul play na sinasabing kamatayan ng batang aktor. Inamin ni Katrina noong 2013 na siya ay bunits noong namatay ang si Anido at walang sinuman siyang  nakikilala na papatay sa ama ng kanyang di pa isinisilang na sanggol.

2. Kamatayan ni Ramgen Revilla

Ang mga Revillas ay isang malaking tanyag  na pamilyang pampulitika, kasama ang patriarkang si Ramon Revilla Sr. Hindi mahalaga kung gaano matagumpay ang Revilla Sr., ang problema sa malalaking pamilya ay palaging may isang taong hindi nasisiyahan sa kanilang mana.

Para sa angkan ng Revilla, ito ay si Genelyn, ang ina ng aktor na si Ramgen. Siya ay naiulat na hindi nasisiyahan sa kanilang mga tirahan at mga buwanang allowance.
Naging mas masahol ito nang magtiis si Revilla Sr. noong 2011. Pahayag ni Genelyn na itinakwil sila kahit na ito ay itinanggi ng ibang mga miyembro ng pamilya. Kahit sa loob ng pamilya, ang mga anak ni Genelyn ay hindi nagkakasundo. Nagtalo si Ramgen sa kanyang kapatid na si RJ dahil sa isang kotse.

Nang mabaril si Ramgen ng mga gunmen noong Oktubre 28, 2011, natural na naintriga si RJ.Ngunit bago ito nangyari ay sinasabing ang kanilang kapatid na si Mara ay nakidnap. Nagtago siya sa Europa kaya’t imposible umanong nakidnap ito. Ang isa pang kapatid na si Gail ay kalaunan sinasabing isa sa mga gunmen.
Maraming mga tao pa ang nasangkot sa imbistigasyon. Sa kasamaang palad, ang krimen ay si pa nalulutas hanggang ngayon.

1. Yamashita’s Lost Treasure

Ang pangalang Yamashita ay halos magkasingkahulugan sa isang solong tema: Paghahanap ng kayamanan. Ganito ang epekto nito sa mga naghahanap ng ginto na sa huling ilang dekada pagkamatay ni Heneral Tomoyuki Yamashita, ang paghahanap ng maalamat na kayamanan ay naging popular..
Ayon sa mga alamat, ang  " Yamashita’s gold" ay isang kolektibong termino para sa maraming mga nakaw na kayamanan mula sa iba't ibang mga pananakop sa buong Timog Silangang Asya.

Ang orihinal na plano ni General Yamashita ay itago ang kayamanan sa Pilipinas at pagkatapos ay ilipat ito sa Japan sa pamamagitan ng mga barkong pandigma sa sandaling ang mga puwersa ng Amerika ay lumaki. Tulad ng alam nating lahat, si Yamashita ay nahuli at pinatay - magpakailanman ang mga gintong kayamanan ay nanatiling lihim na nakatago.

Bagaman ang ginto ng Yamashita ay matagal nang itinuturing na Holy Grail ng mga naghahanap  ng kayamanan, ang ilang mga eksperto ay patuloy na nagdududa sa pagkakaroon nito.
Ang isa sa kanila ay ang U.P. propesor na si Rico Jose na iginiit na noong 1943, hindi na kontrolado ng Japan ang mga dagat sa Pilipinas kaya't ang ideya na magdala ng "isang bagay na mahalaga dito kapag alam mong mawawala ito sa mga Amerikano" ay walang kahulugan.

Sana ay angustuhan niyo ang video nating ito. Sa muli ay magsubscribe kung hindi ka pa nakaka pag subscribe sa ating munting channel.
Maraming salamat sa inyong panonood mga kasama.

BASAHIN PA ANG IBA PANG MGA POSTS NA ITO

KILALANIN ANG MGA LALAKING MINAHAL NI MARJORIE BARRETTO

Si Marjori Barretto ay isang dating aktres at politico sa ating bansa. Naging city councilor siya ng ikalawang distrito ng   Coloocan mula...