KILALANIN ANG MGA ANAK NI NADIA MOTENEGRO


KILALANIN ANG MGA ANAK NI NADIA MONTENEGRO

 

Isa si Nadia Montenegro sa mga sumikat na actress noong kanyang kapanahunan. Nakasama siya sa mga pelikulang Sandakot na Bala noong 1988, Dyesebel noong 1990 at nakasama rin siya sa Ang Probinsyano noong 2015.

 

Nakasama rin siya bilang character actress sa mga palabas pantelebisyon na Ipaglaban Mo at Maalaala mo Kaya. Ginampanan rin niya ang papel ni Filomena Mondejar sa TV show na Maria Mercedes.

 

Unang nakilala siya sa 1984 film na Tender Age. Isa siya sa may pinakamaraming nagawang pelikula noong 1988 kung saan umaabot ito sa pito sa taon lamang na iyon.

 

Ikinasal siya kay Boy Asistio at nagsama silang dalawa hanggang sa pumanaw ito noong 2017.

 

Isa sa mga batikang aktres na nakasama niya ay sina Snooky Serna sa 1988 film na Needs 5 Ratings Lord at Bakit Ako Pa?

 

Marami ang nagulat dahil sa umabot sa walo ang mga anak nina Nadia at Boy. Sa videong ito ay kilalanin natin sila

1. Alyssa Assandra

 

Si Alyssa Assandra o si Ysa ang panganay na anak ni Nadia. Nagtapos ng ng Doctor of Dental Medicine sa Centro Escolar University. Siya ay mayroon nang asawa na si Mac London. Madalas siyang magpost sa social media kasama ang kanyang pamilya.

 

2. Alynna Alexandria

Si Alynna Alexandra o mas kilala sa kanilang pamilya bilang si Ynna ay nagtapos sa CEU at nagtapos ng Mass Communication Major in Broadcasting. Sinundan niya ang yapak ng kanyang ina dahil pinasok niya ang showbiz industry noong 2006. Lumalabas parin siya sa telebisyon at mayroon ding sariling vlog.

 

Naging bahagi si Yna ng mga palabas na Mga Mata ni Anghelita, La Vendetta, Reel Love, Tween Hearts, Maria Mercedes, On the Wings of Love, FPJs Ang Probinsyano at Ang Daigdig Koy Ikaw.

 

Naugnay si Ynna kay Mark Herras at Derek Ramsay.

 

3. Alyana Alissandra

 

Isa ring aktres ni Alyanna o Yana. Lumabas siya sa mga pelabas na Wagas at the World Between Us. Maging sa palabas na Just he 3 of Us at She’s Dating the Gangster.

 

Nagtapos si Yna ng Culinary Arts sa International School for Culinary Arts ang Hotel Management.

 

4. Anykka Allandra

 

Katulad din ng kanyang ina at kapatid ay aktibo rin si Annyka sa showbiz industry katunayan ay nakasama siya sa palabas na 100 Tula para kay Stella, Amnesia Love at Indak. Nagtapos naman si Anykka ng Political Science degree sa CEU.

 

5. Antonio Alexander

 

Si Antonio ang nag-iisang anak na lalaki ni Nadia. Nagtapos siya ng Political Science sa Far Eastern University. Basketball at biking ang kanyang gusting sports. Mahilig rin siyang kumanta at mag travel.

 

6. Samantha Grace

 

Si Samantha ay mahilig sa musika. May kakayahan siyang tumugtog ng gitara at Ukelele. Mahilig rin siyang magsulat ng kanta. Sinubukan ni Samantha na sumali sa The Voice Teens noong 2017 kung saan kinanta niya ang awiting Huwag Ka Nang Umiyak.

 

7.  Ayisha

 

Ang isa pang anak ni Nadia ay sina Ayisha.

 

Sa isang interview kay Nadia noon ay sinabi nitong nagkaroon ng mental health problem si Ayisha subalit napagtagumpayan naman niya ito.

8. Sophia

Nagtataglay ng pambihirang kagandahan si Sophia. Isa rin siya marahil sa mga sisikat na actress balang araw kung naisin nitong pumasok sa showbiz industry.

 


BASAHIN PA ANG IBA PANG MGA POSTS NA ITO

PITONG MGA BABAENG MINAHAL NI ERAP ESTRADA

KILALANIN ANG MGA BABAENG NAKARELASYON NI ERAP ESTRADA   Isa ang dating pangulong Joseph Estrada sa pinakatanyag sa ating bansa dahil sa...