KILALANIN SI AJ DEE AT ANG KANYANG
MGA ANAK.
Si Angel James
Velasquez Dee III ay isinilang noong July 27, 1983. Siya ay mas nakilala natin
bilang si AJ Dee, isang Filipino actor, model at swimmer.Kapatid siya ng sikat
na actor na si Enchong Dee.
Noong siya ay nag-aaral
pa lamang sa high school ay isa siya sa mga atleta na sumala sa palarong
Pambansa at napili bilang isa sa Philippine swimming team na lumaban sa Hong
Kong, Brunei, Singapore at Taiwan.
Dahil sa tikas ng
kanyang katawan ay isa rin siya sa mga napiling sumali sa Mossimo Bikini Summit
at sa The Fashiion Designer Association of the Philippines Body Shot Search
model.
Naging co-host ng din
siya ng isang variety shoe na MTB: Ang Saya Saya pagkatapos na siya ay
maitanghal na runner up ng palabas na TV Idol UR D Man contest. Lumabas din si
AJ sa Basta’t Kasama Kita at naging isa sa mga hosts ng regional variety show
ng ABS CBN na Kilig Bicool.
Ang unang pelikulang nagawa
ni AJ ay sa Dreamboy noong 2005. Sa parehong taon ay nakasama tin siya sa
teleserye na Vietnam Rose at naging host ulit sa Wanna Buzza segment.
Noong 2014 ay nakasama
rin siya sa palabas na Moon of Desire kung saan siya ang gumanap na half-wolf
father ni Meg Imperial. Nakasama rin siya sa Bridges of Love at Pasion de Amor.
Maliban sap ag-arte at
isa rin siyang model ng bench at maging sa TV commercial nito.
Nagtapos si AJ sa Naga
Hope Christian School at kumuha ng Bachelor of Science in Business Management
degree sa Ateneo de Naga University. Sa kasalukuyan ay nananinirahan si AJ sa
Norway kasa ang kanyang Norwegian wife na si Olga Havran. Dalawa na ang mga
anak ni AJ ito ay sina Maximus James at Alexandros Jayden.
Iniwan ni AJ ang
showbiz industry noong 2016 nang mawala na siya sa limelight ng showbiz
industry. Nanirahan siya at ng kanyang asawa at mga anak sa Norway. Doon ay
nagsimula siya ng kanilang Longganisa business an siya at ng kanyang dalawa
pang business partner ang mismong gumagawa.
Sa ngayon ay mayroon na
tin siyang custom-made pants and suits business.
Hindi rin nalimutan ni AJ ang kanyang pinagmulang bansa sa gitna ng kanyang tagumpay sa ibang bansa. Katunayan nito ay nang bumalik siya ng ating bansa ay nagsagawa siya ng charity works sa National Children’s Hospital kung saan namahagi siya ng mga basic necessities gaya ng mga gamot facial masks, sanitizers, at pagkain.