Dahil sa mga nag viral na video ni Pura Luka Vega na
pag-awit ng ama namin at paggawa, paggawa ng review ng ostia at pag perform ng
nagtutulog ba ang Diyos na kung saan siya ay naka suot ng kasuotan ng isa sa
mga patron ng katoliko na black nazaren ay maraming mga katoliko ang nanggigil
sa sobrang galit.
Marami ang nagpahayag sa kanila na kabastusan umano ito
para sa kanila, Na ang pambabastos ay
nagmula paman mismo sa kanilang myembro na si Pura Luka Vega.
Ideneklanag patay na! Patay na ang Karapatan ni Pura Luka
Vega na pumasok sa General Santos City dahil sa ideneklara ng council ng
nasabing lugar na Persona non grata ang nasabing drag queen.
Ang nasabing pagpatay sa Karapatan ni Pura Luka Vega na
makapasok sa General Santos City ay pagpapakita daw umano ng sentimento ng mga
taga General Santos city patungkol sa mga viral videos ni Pura na kung saan ang
nakakaraming populasuyon sa nasabing lugar ay mga katoliko.
Bagaman maging ang pamunuan ng CBCP ay hindi natuwa sa
ginawa ni Pura Luka Vega ay nanindigan si Pura Luka Vega na ito ay isang form
of art and expression. Ito anya ang paraan niya ng pagsamba sa kanyang Diyos.