KILALANIN
ANG MGA ANAK NI LEO MARTINEZ
Pagiging Kontrabida ba ang usapan? Idagdag pa
natin dyan ang nag-iisang Leo Martinez na maliban sa pagiging komedyante,
mahusay na direktor ay napakahusay rin gumanap ng papel bilang kontrabida.
Mula sa kanyang mga mapanlinlang na mga mata
at boses na talaga namang magpapainit ng dugo mo kung nanonood ka ng kanyang
mga ginampanang kontrabidang papel.
Si Leo Martinez ay nabuhay noong Marso 7,
1950. Isang tunay na batang o batangeno.
Naging aktibo siya sa mundo ng pelikula mula dekada 70.
Una siyang lumasbas sa pelikulang Three Men
and a Lola at The Secret of the Sacred Forest noong 1970. Hindin rin
matatawaran ang kanyang ginawang pag-arte sa mga pelikulang Heneral Luna, Goyo:
Ang Batang Heneral at maging sa mga palabas pantelebisyon gaya ng Daddy’s Gurl,
Dragon Lady, at FPJs Ang Probinsyano bilang si Kap Bart.
Ngayon ay kabilang siya sa GMA Network’s
television drama romantic comedy na Owe My Love na pinagbibidahan nina Lovi Poe
at Benjamin Alves.
Kasal si Leo Martinez kay Gina Valenciano na
kapatid ng sikat na singer performer na si Mr. Energy Gary Valenciano.
Nagkaroon rin siya ng relasyon kayCherie Gil sa isa ring aktress.
Mula sa dawalang babaeng minahal ni Leo
Martinez ay nagkaroon siya rito ng dalawang anak. Narito’t kilalanin natin
sila:
1. Jeremiah David “Jay” Gil
Si Jay ang bunga ng pamamahalan nina Leo
Martinez at Cherrie Gil. Si Jay ay isang audio engineer na naka base sa New
York.
Mapapakinggan din ang ilan sa mga kantang
ginawa ni Jay sa mga music platforms gaya ng reverbnation at myspace.
Ilan sa mga kanta niya ay ang No Difference,
Roof Tops, Indie Band Girls at I Can see It na maaring naging paborito na ng
maraming taong mahilig sa musika.
2. Lesley Elvira Martinez
Si Lesley naman ay anak ni Leo Martinez sa
kanyang asawang si Gina Valenciano. Si
Lesley ay isang Dancer, Performer at Host.
Nakasama niya ang grupong Manoevers at dito ay
lubos na gumaling siya sa pagsasayaw.
Lumabas din si Lesley sa mga shows kagaya ng Eat Bulaga, Maynila, at
Magandang Umaga, Bayan. Lumabas din siya sa mga indie movie na Sabungero kasama
sina Joel Torre, Ricky Davao, Nonie Buencamino, Maritoni Fernandez, Leo
Martinez, Mark Gil, Edwin Nombre at Sid
Lucero.
Ninanais din ni Lesley na gumawa ng sariling
pangalan sa mundo ng showbiz na gaya ng kanyang ama.
2018 ay nagkaroon ng hosting stint si Lesley
sa Viva TVs Game show na Dobol or Samting. Gumanap din siya nag ilang minor
role sa Miss Granny. Dito ay nakatrabaho niya ang batikang direktor na si Joyce
Bernal at sina Sarah Geronimo, James Reid, Xian Lim, and Nova Villa.
Si Leo Martinez ay dating Director General ng
Film Academy of the Philippines. Si Vvian Velez ang humalili sa kanyang pwesto
nang magretiro ito.
Magsubscribe sa maing YouTube Channel para sa
mga ganitong video. Bisitahin ang aming mga playlist na inihanda para sa inyo.
Salamat sa inyong panonood mga kasama.