GAANO NG KAYAMAN SI PAOLO
DUTERTE
Si Pailo “Pulong” Zimmerman Duterte ay ipinanganak
noon March 24, 1975. Nagtapos siya sa University of Mindanao ng Banking and
Finance noong 2002 at sa University of Southeastern Philippines ng Masters
degree in Public Administration noong 2009. Nag-aral naman siya ng kanyang
Doctoral Degree in Public Administration sa Lyceum Nothwestern University noong
2015.
Naging laman ng malalaking balita si Paolo Duterter
dahil sa pagpaparatang sa kanya bilang myembro ng triad na malaking sindikato
na may kinalaman sa drug smuggling sa bansa. Ang kanyang dragon like tattoo
anya ang nagpapatunay nito ayon pa kay Trillanes.
Sa isang interview sa kanyang kapatid at kasalukuyang
Vice president ng bansa ay sinabi ni VP Sara na may malaking spike sa kayamanan
ni Paolo at di mapaniwalaang paglago ng kanyang pera sa panahong ito ay
nanunungkulan.
Noong 2007 ay nagdeklara si Paolo ng 8.34 Million
worth of assets. Naging 10.83 million naman ito noong 2008. Noong 2017 ay
umabot na sa 27.74 million ang itinaas ng SALN ni Paolo na ikinagulat halos ng
lahat dahil sa kumikita lang naman siya ng higit sa 300,000 pesos bawat taon.
Ngayon ay marami ang nagtatanong kung anu-anu na nga
ba ang mga ari-arian ni Paolo Duterte at kung magkano na ang kanyang Networth
sa kasalukuyan malalipas ang pitong taon.
Sa daratin na eleksiyon sa bansa ay sinabi ni VP Sara
na tatakbong senador sina dating Pangulong Digong at ang kanyang kapatid na si
Paolo Duterte. Sa panahong ito ay muling maglalabas ng kanikanilang mga SALN
ang bawat kandidato kung kaya’t malalaman muli ng publiko kung gaaano na nga ba
kayaman si Paolo Duterte.