Alexa Rumisbak sa Isang Basher na Nagsabing may Off Siya sa Katawan


Alexa rumesbak sa nagsabing ‘Ang ganda mo pero may off sa katawan mo’

Nakipagbardagulan ang Kapamilya actress na si Alexa Ilacad sa isang laiterang netizen na pumuna sa kanyang itsura at katawan.

Ibinahagi ng dalaga sa Instagram ang screenshot ng sagutan nila ng isang body-shamer sa social media pero nang i-check namin ito ay burado na ang mga komento ng netizen sa kanyang social media account.

Pambabarag ng basher kay Alexa, “Ang ganda mo pero may something talaga sa katawan mo na mejo off.”

Hindi ito pinalampas ng Kapamilya star at talagang pinatulan ang netizen, “2024 na pero hindi ka parin aware na our bodies come in different shapes, sizes, and proportions? I’d suggest you to hit the books before making comments that are very… ‘off.'”

Hindi naman nagpasindak ang basher sa aktres at rumesbak uli. Dapat daw ay huwag nang mag-aartista ang dalaga kung hindi nito kayang tanggapin ang mga kritisismo sa kanya.

“2024 na pero mukhang ang gusto mo lang na comment ay yung hindi ‘off’ para sayo? Dapat hindi ka nag artista if you can’t stomach the truth,” sabi ng netizen.

Banat naman sa kanya ni Alexa, “What a dumb argument. Me being a celebrity doesn’t give you a free pass to be rude.”

Dagdag pa niya “Last time I checked, ang trabaho ko po bilang artista ay umarte, kumanta,sumayaw minsan, at magpasaya ng tao. (Which i love doing).

“But it isn’t part of my job description to tolerate rude comments like this. Constructive criticism- I accept with an open heart, but this? Nah. Such a toxic mindset,” sey pa niya.


Matatandaang ipinagtanggol pa noon si Alexa ng ka-loveteam niyang si KD Estrada laban sa isa ring body-shamer na nagkomento ng, “Gasul ka ghorl @alexailaxad.”

Resbak ni KD sa basher, “Kapal ng mukha neto ganda ka?”
Anong masasabi niyo dito mga kasama?

BASAHIN PA ANG IBA PANG MGA POSTS NA ITO

PITONG MGA BABAENG MINAHAL NI ERAP ESTRADA

KILALANIN ANG MGA BABAENG NAKARELASYON NI ERAP ESTRADA   Isa ang dating pangulong Joseph Estrada sa pinakatanyag sa ating bansa dahil sa...