KILALANIN SI ALLEN DIZON AT ANG KANYANG MGA ANAK


KILALANIN SI ALLEN DIZON AT ANG KANYANG MGA ANAK


Si Allen Dizon ay isinilang noong Octobre 03, 1975. Siya ay isang kilalang actor at producer ng mga pelikula sa ating bansa. Dati siyang myembro ng Viva Hot men. Mula sa mga daring role sa palabas ay unti-unti siyang naging isang independent film actor at producer.


Noong 2007 ay nanalo siya bilang Best Supporting Actor ng FAMAS Award at Star Award for Movies sa pelikulang Twilight Dancers. Ang mga pelikulang nagawa ni Allez ay ang Dukot noong 2009, Sigaw noong 2010, Patikul noong 2011, Deadline at Migrante naman noong 2012.


Noong 2021 naman ay lumabas siya sa mga drama anthology ng GMA Network gaya ng First Yaya at Agimat ng Agila. Noong 2022 ay nakasama siya sa top billing TV Series na Return to Paradise kasama sina Eula Vladez, Derrick Monasterio at Elle Villanueva.


SI Crystal Dizon ang asawa ni Allen. Siya ang high school sweetheart ng actor at mahigt sa dalawang dekada na silang kasal.


Sa isang interview kay Allen ay sinabi nitong High School pa lang umano sila noon ay siya na ang gusto niyang pakasalan. Apat ang anak nina Allen at Crystal. Narito’t kilalanin natin sila


1. Nella Marie Dizon

Si Nelia Marie ay nasa 20 taong gulang na. Siya ay kakikitaan ng pagiging isang beauty queen. Marami ang mga nagsasabi na pweding pwedi siyang maging artista gaya ng kanyang ama. Subalit ang hilig ng dalaga ay napunta sa pagsali sa mga beauty pageant. Noong nakaraang taon ay nanalo si Nella bilang Mutya ng San Fernando. Proud naman sa kanyan ang kanyang mga magulang.



2. Felixia Crysten Dizon

Ang isa pang anak na babae ni Allen ay si Felixia. Tila sinusundan ni Felixia ang yapak ng kanyang ama sa pagiging actor katunayan ay kinilala rin si Felixia bilang isang promising Newcomer artist of the year noong Pebrero nang nakaraang taon. Kasakasama ni Allen ang kanyang anak sa lang events ng actor gaya ng premiere night ng pelikula niyang Oras De Peligro.



3. Lucas


Si Lucas naman ay ang nag-iisang anak na lalaki ni Allen. Siya ay nasa labinlimang taong gulang na sa kasalukuyan. Naeenjoy din ni Lucas na makasama ang kanyang pamilya sa kanilang pagtatravel sa ibang bansa gaya ng pagpunta nila sa Vietnam.


May isa pang anak na babae si Allen. Ito ang kanyang bunsong anak na game na game rin sa palagi nilang pagtatravel sa iba’t-ibang bansa.


Kung nagustuhan mo ang videong ito ay inaanyayahan po kitang mga subscribe para sa mga videong gaya nito na tiyang magugustuhan mong panoorin. Salamat mga kasam.

BASAHIN PA ANG IBA PANG MGA POSTS NA ITO

PITONG MGA BABAENG MINAHAL NI ERAP ESTRADA

KILALANIN ANG MGA BABAENG NAKARELASYON NI ERAP ESTRADA   Isa ang dating pangulong Joseph Estrada sa pinakatanyag sa ating bansa dahil sa...