Si Robert Arevalo ay isinilang bilang si Robert Francisco
Ylagan sa Dumaguete, Negros Oriental noong Mayo 06, 1938. Isa siyang anak ng
Filipino Film Actor, composer at musician na si Tito Arevalo at Guadalupe
Francisco.
Isa siya sa mga
national artist at award winning movie director at actor sa ating bansa.
Nag-aral si Robert sa Legarda Elemetary School at sa San
Beda College at Ateneo de Manila ng Business Administration.
Nakita natin ang galing ni Robert Arevalo sap ag-arte sa
Premiere productions. Una siyang lumabas sa pelikulang Huwag Mo Akong Limutin
noong 1960 ngunit ang pelikulang ito ay na banned sa ating bansa dahil sa immoral
na tema anya nito.
Nagtrabaho rin siya sa advertising agency at maging sa
channel 5 noong panahon ng martial law.
Maliban sap ag-arte ay naging isa rin siyang anchor ng ABS
CBN na Balita Ngayon kasama sina Mel Tiangco.
Napangasawa ni Robert Arevalo ang Sampaguita picture
actress na si Barbara Perez. Nagkaroon sila ng tatlong anak. Ito ay sina Anna,
Georgina at Christina Ylagan. May kanya kanya na ring sariling pamilya ang mga
anak ni Robert Arevalo. At mayroon na rin siyang mga apo mula sa mga ito.
Ilan sa mga bagong peliklula na nakasama si Robert ay sa
palabas na Ang Larawan noong 2017, Where I am King noong 2014, The Healing
noong 2012. Naging aktibo rin siya sa mga palabas pantelebisyon gaya ng FPJs
ang Probinsyano noong 2018, Hanggang Saan at My Dear Heart noong 2017.
Binawian ng buhay si Robert nito lamang Agosto 10m 2023 sa
edad na 85 dahil sa Parkinson’s disease.