KILALANIN
SI REY MALONZO AT ANG KANYANG MGA ANAK
Si Reynaldo Malonzo or Rey Malonzo ay isang dating
actor sa ating bansa at kalaunan ay naging isang politiko. Nakilala si Rey sa
kanyang mga pelikula noog 1970s at 1980s kung saan gumawa siya ng mga pelikulang
karamihan ay martial arts na naging uso noon sa mga panahong iyon.
Kasama ang isa pang bantog na actor na si ramon Zamaro
ay binigyan nila ng mukha ang kung fu at karate sa mga pelikula at sumikat ang
tinatawag na Pinoy Bruce Lee clones noong 70s. Ilan sa mga pelikulang nagawa
nila ay ang Bruce Liit noong 1978 kasam si Nino Muhlach, Ang Hari at ang Alas
noong 1978, The Deadly Rookies noong 1978 kasama si Rio Locsin at Kambal Dragon
naman noong 1978.
Naging matagumpay rin si Rey sa kanyang pagpasok sa
politika. Katunayan ay nanalo siya bilang Mayor ng Caloocan sa tatlong
magkakasunod na termino.
Nagtapos si Rey ng degree in Police Sciene mula sa
Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.
Dalawa ang anak ni Rey sa Asawang si Gigi. Ito ay sina
PJ at CK Malonzo.
Si Christopher PJ Malonzo ay isang City Councilor sa
Distrito ng Caloocan. Naging Myembro siya ng Sangguniang Panlungsod mula 2016
hanggang 2019 at mula naman 2019 hanggang 2022. Isa siya sa anak ni Rey na
nagtataglay ng kagandahang lalaki na gaya ng kanyang ama ay pweding maging
actor kung nanaisin.
Si CK Malonzon namana ng isa pang anak na lalaki ni
Rey. Kasama si CK nang maglaro ang kanilang pamilya at nagwagi laban sa pamilya
ni Jeric Raval sa Family Feud at nakakuha ng 200,000 peso jackpot prize.