Si Precious Lara San Agustin Quigaman Alcaraz ay isinilang noong January 03, 1983. Siya ay isa sa mga kilalang aktres at multiproduct endorser sa ating bansa. Isa rin siyang beauty queen na nanalo ng Miss International 2005 na ginanap sa Tokyo Japan. Siya ang ikaapat na Filipina na nanalo ng nasabing korona.
SI Lara ang panganay sa apat magkakapatid. Lumaki si Lara
sa Binan Laguna at sa Bahrain kung saan nagtrabaho ang kanyang ama. Matapos ang
limang taon na pananatili sa Bahrain ay bumalik si Lara sa Laguna at tinapos
niya ang kanyang pag-aaral sa high school sa La Consolacion College at nagtapos
ng kanyang kolehiyo sa South Gloucestershine and Stroud College sa bansang England.
Doon ay kumuha siya ng Media Production and Communication course.
Na engage si Lara sa kanyang boyfriend na si Marco Alcaraz
noon 2010 at nagpakasal sila sa isang sreremonyang sibil noong January 1, 2011
sa Vancouver, Canada. Nagpakasal muli sila sa isang Christian ceremony sa
Hacienda Isabela sa Tagaytay city noong July 08, 2012.
Nagkaroon ng tatlong anak si Lara. Ito ay sina Noah, Tobin, at Moses.
Si Noah ang panganay sa tatlong anak na lalaki ni Lara. Si
Tobin naman ang ikalawa at si Moses ang kanilang bunso.
Aktibo si Noah sa kanyang Instagram account at mayroon na
siyang halos lagpas na sa 20k followers.