KILALANIN
SI SUBAS HERRERO AT ANG KANYABNG MGA ANAK
Si Ricardo Herrero na mas nakilala natin sa mga pelikula
bilang si Subas Herrero ay isa sa mga batikang actor na kadalasang gumanap
bilang boss ng mga kontrabida. Siya ay may lahing Espanyol. Maliban sa pagiging
kontrabida ay isa rin siyang komedyante at magaling ring kumanta.
Nakilala si Subas Herrero sa pelikulang Champoy noong
1980s. Isang Philippine Gag Show. Lumabas rin siya sa mga pelikulang Bakekang
noong 1878, Karapatan ko ang Pumatay, at Kapitan Guti noong 1990.
Gumanap siya bilang
si Padre Damaso sa Noli Me Tangere television film noong 1992.
Naging aktibo si Subas Herrero sa showbiz industry hanggang
sa noong siya ay na stroke noong 2000.
Kasal si Subas Herrero kay Maripaz kung saan nagkaroon sila
ng limang anak. Ito ay sina Cutuy Herrero, Marimi Herrero Jaarsma, Sandra
Herrero Gonzalvez at Choy Herrero.
Siya ang gumanap bilang ssi Emilio Torralna sa Pelikulang
Pagbabalik ng Probinsyano. Madalas siyang gumanap bilang isang Don sa pelikulan
gaya ng sa pelikulang Yakapin Mo Ako Muli bilang si Don Simeon, Jesus dela Cruz
at amg mga Batang Riles bialng si Don Rosende, Alyas Pogi 2 bialng si Don
Felipe, Manong Gang: ang Kilabot ang ang Maganda bilang si Don Leo Cordero at marami
pang ibang mga pelikula.
Noong 2010 ay sa United States na nanirahan ang buong
pamilya ni Subas Herrero maliban lamang sa isa niyang anak na si Choy na mas
piniling manirahan dito sa Pilipinas.
Namatay si Subas Herrero sa Rochester, New York noong March
14, 2013 dahil sa pulmonary embolism. Bago ito ay mahabang panahon rin siyang
naka wheelchair dahil sa stroke at iba pang mga sakit na bunga ng kanyang
diabetes.