Si Gina Alajar ay isang artista sa Pilipinas. Siya ay nasabak na sa larangan ng pag-arte simula pa noong bata siya. Ginawa niya ang Lumuha Pati Mga Anghel noong siya ay 8 anyos pa lamang.
Bata pa lamang ay kinilala na si Gina Alajar bilang
hinahangang aktres. Ilan pa sa mga pelikulang kanyang kinabilangan ay Playgirl,
Bayan Ko, Brutal, Salome, Mulanay at maraming pang ibang mga palabas na
tinangkilik ng madla.
Mula noong1997 hanggang 2018 ay kadalasan siyang lumalabas sa mga soap opera sa GMA& at ABS CBN gaya ng mga palabas na Kambal sa Uma at Habang May Buhay.
2016 naman ay nakabilang siya sa palabas na Magkaibang
Mundo bilang pangunahing kontra bida.
2018 naman ay ginawa niya ang palabas na Hindi Ko Kayang
Iwan Ka bilang si Adel.
Ilan naman sa mga sikat na palabas kung saan ay siya ang
director ay ang mga palabas na Prima Donnas, Onanay, pinulot Ka Lang sa Lupa,
The Half Sister, Let the Love Begin, at maging ang palabas na Yagit.
Si Gina ay hiwalay sa kanyang asawa na si Michael de Mesa.
Mayroon siyang tatlong anak. Ito ay sina Ryan, Geoff at AJ Eigenmann.
Si Geoff Michael Eigenmann ay ipinanganak noong Marso 23, 1985 sa Maynila. Si Geof ay isa ring actor gaya ng kanyang mga magulang. Nagsimula siya sa showbiz industry mula 1992 sa “Ang TV” na programa ng ABS CBN. Kasal si Geoff kay Maya Flores.
Si Ryan Eigenmann
naman ang isa pang anak na lalaki nina Gina at Michael. Ipinanganak naman si
Ryan noong July 22, 1978. Isa ring sikat na aktro si Ryan. Siya ay kasal kay
Cathy Bordalba na isang TV Host at dating Cemmercial Model. Mayroon rin silang tatlong
anak.
SI AJ Eigenmann naman ay isa ring artista gaya ng kanyang
ama at mga kapatid na pawang mga aktor. Ilan sa mga pelikula ni AJ ay Most
Wanted noong 2000, Maalaala mo Kaya noong 1991 at Ang iibigin ay ikaw pa rin noong
2003. Si Rosetti Robles ang napangasawa
ni AJ noong November 2014.