Isa si Donita Rose sa mga aktres sa ating bansa na may
kahanga hangang kakayahan sa pag-arte. Isinilang siya bilang si Donita Rose
Ramos Cavett sa Utah noong December 5, 1974 at nanirahan sa ating bansa noong
siya ay nasa limang taong gulang na. Siya ang panganay sa magkakapatid sa amerikanong
amang si William Kent Cavett, isang opisyal ng military. Ang kanyang ina naman ay
si Evelyn Ramos. Isang guro mula sa Pangasinan.
Dahil sa dito na nanirahan sa ating bansa, nagtapos siya sa
Brent International school at sa De La Salle University naman noong siya ay nag
kolehiyo na.
Noong 1997 ay nanirahan siya sa Singapore upang abutin ang
kanyang pangarap bilang Video Jockey ng MTV Asia.
Noong 2001 ay bumalik siya ng Pilipinas at nanirahan sa Angeles,
Pampanga. Doon niya nakilala ang kanyang naging asawang si Eric Villarama. Nagpakasal
ang dalawa sa Santa Barbara California noong 2003.
Nakilala si Donita sa pelikula at palabas pantelebisyon
noong siya ay nakasali sa That’s Entertainment kasama ang co-star na si Gary
Estrada na kung saan nagkaroon rin sila ng relasyon bago ito pumunta ng Singapore.
Ang unang pelikulang
ginampanan ni Donita ay ang pelikulang Gabo noong 1989. Lumabas rin siya sa
pelikulang Alabang Girls at Ober Da Bakod noong 1996. Ang mga huling palabas na
kanyang kinabilanga ay ang That’s My Amboy noong 2016 at Let the Love Begin noong
2015.
Noong 2015 ay nabalitang nagkaroon ng problema ang
mag-asawa dahilan ng kanilang tuluyang paghihiwalay noong 2016. Nagkaroon ng isang
anak na lalaki sina Donita Rose at Eric Villarama. Ito ay si Joshua Paul
Villarama. Si Joshua ay mag lalabin walong taong gulang na.
Sa kasalukuyan ay mayroon nang bagong iniibig ang aktres. Ito
ay si Felson Palad.
Nito lamang nakarang taon ay inanunsyo ni Donita na isa na
siyang corporate Chef ng Islang pacific. Isang branch ng gracery store sa US na
nagpopromote ng mga Filipino Food sa California at Nevada.
Magsubscribe sa aming YouTube channel para sa mga videong
kahihiligan ninyong panooron. Bisitahin rin ang iba pa naming mga videos sa aming
mga playlist. Maraming salamat sa inong panonood mga kasama.