Si Sara Zimmerman Duterte Carpio ay ang isinilang sa Davao
City noong Mayo 21,1978. Siya ang ikalawang anak ng pangulong Rodrigo Duterte
sa flight attendant na si Elizabeth Zimmerman.
Mula pa nang siya ay bata ay taglay n ani Sara ang
pagiging independent at may kabangisan. Madalas din umanong nagtatampuhan ang
mag-ama dahil sa di umanoy hilig ng kanyang ama sa mga babae. Ganon paman ay nananatiling si Inday Sara ang
naging paboritong anak ng pangulong Duterte.
Si Mayor Inday Sara ang kauna-unahang babaeng nahalal na
Mayor ng Davao matapos ang paninilbihan ng kanyang ama. Noong 2011 ay
umalingawngaw sa publiko ang pangalang Inday Sara dahil sa ginawa nitong pagsuntok
kay Abe Andre na sheriff ng Davao City Regional Trial Court na kalaunay humingi
rin siya ng paumanhin sa ginawa niyang ito.
Sa katatapos lamang na election na ginanap sa ating bansa
ay makikita ang laki ng lamang ng nakuhang boto si Inday Sara kung ikukumpara
sa kanyang mga nakatunggali nang siya ay tumakbo bilang ikalawang pangulo ng
atig bansa.
Ngayon mga kasama ay alamin natin ang ilan sa mga bagay na
nagawa ni Mayor Inday Sara noongnailbihan siya bilang Mayor ng Davao.
1. Davao Peacebuilding Office
Upang mapanatili ang kapayapaan sa lungsod ng Davao ay
ginawa ni Inday Sara ang Davao Peacebuilding Office or DPO kung saan ang PEACE
911 ay may lalong maipatupad sa kanyang mga nasasakupan ito ay sa bisa ng EO 72
series of 2021. Ang nasabing DPO ay nagsasagawa ng community consultation na
tinawag nilag “panag-ambit” upang maabot ang mga hinaing ng bawat taong kanyang
nasasakupan sa bawat barangay.
2. Sister City Agreement With Hawai
Nilagdaan ni Inday Sara ang Sister City Agreement With
Hawai noong September 2018. Ang nasabing agreement ay tumatalakay sa
pagpapalalim ng kanilang partnership ukol sa turismo, kultura, agrikultura,
komersyo at Negosyo.
3. Tapang at Malasakit
Noong 2017 ay inilunsad ni Mayor Inday Sara ang Tapang at
Malasakit kung saan ang pinakalayunin nito ay mapagbuklod ang bawat Pilipino.
4. Hugpong ng Pagbabago
Ang Hugong ng Pagbabago ay ang partidogn binuo at
pinamunuan ni Mayor Inday Sara na noong 2018 ay naging isa nang ganap na
Regional political party.
Sinabi ng dating Comelec spokesman James Jimenez na lahat
ng kinakilangang requirements para sa nasabing Partido ay ganap na natugunan
lahat.
5. indaysara New Wax plant
Dahil sa paghanga ng isang Diretor ng biodiversity and
Invironmetal Institute mula sa university of Mindanao kay Mayor Inday Sara ay
sa kanya ipinangalan ang bagong nadiskubring specimen ng tanim mula na
nadisover malapit sa isang mining area. Pinagalan nilang indaysara ang nasabing
bagong specimen ng tanim. Ginawa nila ito dahil sa pagsuportang ipinakita ni
Mayor inday Sara sa nature conservation sa rehion ng Dabaw.