KILALANIN SI DINA BONNEVIE AT ANY KANYANG MGA ANAK


KILALANIN SI DINA BONNEVIE AT ANG KANYANG MGA ANAK

 

Si Geraldine Bonnevie  na mas nakilala natin sa telebisyon at mga pelikula bilang si Dina Bonnevie ay isang sikat na aktres sa ating bansa na unang nakilala dahil sa kanyang pagkapanalo bilang first runner up sa Miss Magnolia noong 1979 Beauty Contest.

Ang una niyang naging pelikula ay ang Temptation Island na ipinalabas noong 1980. Pagkatapos ay lalo siyang nakilala sa pelikulang Katorse ng Regal Films.

Noong 1981 ay ginawa niya ang pelikulang Age Doesn’t Matter kasama ang regal babies na sina Maricel Soricano at Snooky Serna katambal sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon.

Matapos ito ay naging mailap na sa camera si Dina dahil sa mas pinili nito ang pagiging pribado ang pamumuhay. Ngunit ngayon ay muling nagbalik si Dina Bonnieve sa paggawa ng pelikula at maging sa telebisyon.

Si Dina ay anak ng isang Swiss Mother na si Jeannette Schaer at isang French-Italian Filipino father na si Honesto Bonnevie.

Nag-aral si Dina sa St. Theresa College sa Maynila at ng kanyang elementarya at sekondarya sa St. Agnes Academy sa Legaspi City kung saan doon nahimok ang kanyang kakayahan sa pag-arte bilang bahagi ng drama guild.

 

Maliban sa paggawa ng mga pelikula ay lumabas rin si Dina Bonnieve sa mga palabas pantelebisyon gaya ng May Bukas Pa, Ikaw Lamang Ang Mamahalin, Narito ang Puso Ko, Walang Kapalit at Natutulog ba Ang Diyos.

Ilan pa sa mga bagong palabas pantelebisyon na kinabilanga ni Dina ay ang The World Between Us bilang si Rachel, Anak ni Waray vs. Anak ni Biday bilang si Susanna at Tadhana: Akin ang anak ko bilang si Maisa.

Dalawa ang anak ni Dina sa actor at sikat na komedyanting si Vic Sotto. Ito ay sina Oyo Sotto at Danica Sotto.

 

SI Oyo Sotto ay ang kasalukuyang asawa ni Chritine Hermosa. Isang sikat na aktres na hinagaan ng marami dahil sa kanyang taglay na kagandahan.

Si Oyo ay nagsimulang lumabas sa mga pelikula sa edad na tatlo sa pelikulang Okay ka FairyKo noong 1987 at sa weekly anthologies na Lovingly Yours, Helen at Coney Reyes on Camera.

Ang mag asawa ay mayroon nang limang mga anak na sin Kristian Daniel, Ondrea Bliss, Marvic Valentine II, Kaleb Hanns at Vittorio Isaac.

 

Ang ikawalang anak naman ni Dina ay si Danica Sotto. Si Danica ay nasa 38 taong gulang na. Isinilang siya noong Mayo 9, 1983.

Si Danica ay kasal naman sa isang sikat na Professional Basketball player na si March Pingris. May dalawa na ring mga anak si Danica at Marc na sina Jean Michael at Anielle.

 

Magsubscribe sa channel na ito para sa mga ganitong videong kahihiligan ninyong panoorin. Salamat sa inyong panonood mga kasama.

 


BASAHIN PA ANG IBA PANG MGA POSTS NA ITO

PITONG MGA BABAENG MINAHAL NI ERAP ESTRADA

KILALANIN ANG MGA BABAENG NAKARELASYON NI ERAP ESTRADA   Isa ang dating pangulong Joseph Estrada sa pinakatanyag sa ating bansa dahil sa...