Si Rio Locsin ay isinilang noong October 3,
1961 bilang si Maria Theresa Rosario Garcia Nayve at kilala ng malalapit niyang
kaibigan at pamilya sa bansag na ogie. Isa siya sa mga sikat na aktres at
modelo sa ating bansa. Siya ay anak ng dating sikat na aktot na si Charito
Garcia. Mula 1990s ay madalas na natin siyang makita sa telebisyon.
Unang sumikat si Rio Locsin sa pelikulang
Disgrasyada noong 1978. Pagkatapos nito ay nabigya siya ng iba’t-ibang sexy roles
sa pelikula gaya ng Menor de Edad, Love Affair, Ina, Kapatid, Anak, Unang Yakap
at marami pang iba.
Dating kasal si Rio Locsin sa isa ring
batikang aktor na si Al Tantay. Matapos magsama ng ilang taon ay naghiwalay din
ang dalawa. Muling nagmahal si Rio Locsin sa katauhan naman ni Padim Israel na
dating basketball playe at ngayon ay isang Evangelical Christian pastor. Narito
mga kasama at kilalanin natin ang mga anak ni Rio Locsin.
1. Jabba Tantay
Si Jabba ang isa sa dalawang anak nina Al at
Rio. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho sa Korea. Hilig niya ang pagluluto at pag
be bake. Dahil sa hindi makapasok sa trabaho dulog ng quarantine ay nagsimula
na rin si Jabba ng kanyang mini business sa bahay. Gumagawa siya ng ma pantries
at cakes. Supportado naman siya ng kanyang mga kaibigan na silang tumatangkilik
sa kanyang mga produkto.
Mahilig si Jabba manood ng mga K Dramas,
makinig sa BTS at maglaro ng Animal Crossing. Nasa 38 gulang na si Jabba sa
kasalukuyan.
2. Paula Tantay
Si Paula ang isa pang anak ni Al kay Rio. Madalas ring kasama ng magkapatid ang isa pa nilang kapatid sa ina na si Joses Israel. Si Joses ay anak naman ni Rio at Padim Israel.