Isa si dating pangulong Marcos sa mga naging pangulo ng Pilipinas na kailanman ay hindi malilimutan ng maraming mga Pilipino lalo na sa mga naging biktima ng mga abusadong opisyal na nagpatupad ng martial law sa bawat kanayunan na nilagdaan ng dating pangulong Marcos sa layunin anya niyang mapanatili ang kapayapaan sa buong bansa dahil sa mabilis na paglago ng mga komunistang grupo na noon ay kumakalaban sa kanyang pamamahala.
Ayon sa aming pananaliksik, ideneklara ang martial law sa bansa dahil sa tinatawag na state of lawlessness na laganap sa buong bansa na naglagay sa panganib ng buhay ng maraming mga Pilipino.
Ang pagdami ng mga komunista sa bansa ang naging batayan ng
dating pangulong Marcos na kung saan ayon sa kanyang pahayag noon ay nakakuha
daw umano ng mga malalakas na armas ang mga komunistang grupo mula sa Tsina na
siyang gagamitin upang pabagsakin at guluhin ang mapayapang buhay ng mga ordinaryong
Pilipino.
Kaya’t bilang sagot sa nagbabantang lakas ng komunista ay ideneklara ng dating pangulong Marcos ang Batas Militar sa buong bansa alinsunod sa kanyang kapangyarihan ayon sa nakasaad sa 1935 Philippine Constitution.
Ngunit marami rin ang duda sa pagpapatupad ng Martial Law ng
dating Pangulong Marcos. Dahil may lumabas na balita noon na iniulat ng
independent report na nasa 1000 katao lang noon ang mga komunistang grupo at
halos ay laos lahat ng kanilang mga armas. Ang sa mismong taon ng pagdeklara ng
martial law ang siya rin pagdami ng mga komunista na kung saan lumago ito sa
35,000 noong 1985.
Kaya’t ang pagdeklara anya ng nasabing batas military ay
upang mapanatili ng dating pangulong Marcos ang kanyang kapangyarihan at
posisyon na umabot sa 20 taon.
Marahil ay nakilala lang natin si Pangulong Marcos dahil sa
kanyang mga mamagandang ginawa at maging sa usaping martial law.
Sa videong ito ay kilalanin rin natin ang kanyang mga
kapatid.
1. Pacifico Marcos
Si Pacifico Edralin Marcos ay isinilang noong January 30, 1919.. Siya ay isang physician at kilala bilang nakababatang kapatid ng dating pangulong Marcos.
Isinilang siya sa Sarat, Ilocos Norte kina Don Mariano
Rubio Marcos at Donya Josefa Quetulio Edralin. Nagtapos siya sa University of
the Philippines College of Medicine at naging myembro ng Mu Sigma Phi at naging
presidente ng Philippine Medical Association. Noong 1971 ay na appoint siya
bilang first chair mula sa 9 na membro ng Philippine Medical Care Commission.
Ito ay naglalayong magbigay ng medical insurance sa mga mahihirap ng mga
Pilipino.
Nagmamay-ari rin si Pacifico noon ng mga kompanya gaya ng
large car dealership, sugar mill na tinawag na Consolidate Sugar Corporation,
real estate firm na tinawag naman na Citizens Development Inc at Philippine
Seed Incorporated.
Hindi pumasok si Pacifico sa politika at inilayo ang
kanyang sarili sa regimong pinangunguluhan ng kanyang kapatid.
2. Elizabeth Marcos- Keon
Si Elizabeth ang pangatlo sa magkakapatid. Siya ay dati
ring Ilocos Norte Governor mula 1971 hanggang 1983. Naging asawa niya ang
Australian journalist na si Michael James Keon.
Ang kanilang anak na si Michael Edward Marcos Keon ay
naging mayor din ng Laoag na nahalal noong 2019 na nagsilbi munang Governor ng
Ilocos Norte noong 2007 hanggang 2010.
3. Fortunata Marcos Barba
Si Fortunata ang bunsong babaeng kapatid ng dating pangulong Marcos na pumanaw noong Mach 3, 2018 sa edad na 87 habang ginagamot sa ospital. Namuhay si Fortunata ng tahimik sa San Nicolas, Ilocos Norte kung saan ang kanyang anak na si Angelo Marcos-Barba ang naging Vice Governor doon.
Tanging si Fortunata na lamang ang nabubuhay na kapatid ng
dating Pangulong Marcos nang siya ay ilibing sa libingan ng mga bayani. Ang
libing na hiniling ng dating pangulong Marcos na nakasulat sa kanyang huling
habilin.
Marahil ay ito ang tanging hinihintay niya na masaksihang
maayos na nailimbing ang kanilang kuya.